The Return 27-Kill Me... Now

49 4 1
                                    

'I need to kill you, you're the only evidence left.'
------------------------------------------------->
Janie's Point of View

Palapit na palapit na ang Grand Ceremonial ng mga SSG Officers.

Puro puspusang kayod ang ginagawa nila Jerome ngayon para sa Seremonyang magaganap.

"Anong susuotin mo sa grand ceremonial, Janie?" napalingon ako sa katabi kong si Ivy.

"Siguro simpleng cocktail dress lang." Utas ko.

"Same here, Janie. Ibahin na lang natin ang kulay para di tayo magkaparehas." At nagtawanan kaming dalawa

Habang palapit na palapit ang Grand Ceremonial, palapit narin ng palapit ang Katapusan ng School Year.

Mamiss ko nga ba ang paaralang to? Hys.

Mahirap makisama lalo na kung alam kong nasa palagid lang ang terminator. Mahirap magtiwala!

Pumasok kami ni Ivy sa Gymnasium.

Puspusan na talaga ang mga SSG Officers dahil malapit na rin silang matanggal.

Alam ko naman na in the first place, si Rance ang mananalo.

"Ang dami nang tao." batid ni Ivy.

Umupo kami sa bandang harapan para kitang kita talaga namin ang event.

Dumating pa ang iba naming mga kaklase.

Yung iba eh nasa ibang pangkat at yung iba naman e nasa aming pangkat.

Sa mga oras na ito, wala kaming iniisip kundi puro kasiyahan lang.

Walang patayang mangyayari.

May Grand Recognition na magaganap ngayon kung saan kikilalanin ang mga masisipag at matatalino sa bawat section.

"I feel uncomfortable for this." rinig kong sabi ni Rance sa likod namin.

Hindi ko siya tinitigan.

Sa totoo lang eh ako rin, hindi ako komportable pero we need to do this. Para sa pangalan ng section 6.

"So, Goodafternoon Students!"
Bumungad sa harapan namin ang Principal.

Halata na sa aura niya ang Galit at poot.

"Siguro, marami ang maawardan ngayong araw." sabi niya sabay tawa.

"Alam kong marami sa inyong naghahangad ng maraming award. Hindi ba?"

Katahimikan lang ang sinagot naming lahat.

Siya lang ang namumukadkad sa kadaldalan.

"Ayoko ng tagalan pa. Simulan na natin ang seremonya." Sabi niya

Pumasok sa loob sila Jerome at Franco at nasa likod naman nila ang isang lamesa na naglalaman ng mga Sertipiko.

"So, GoodAfternoon to all of you and Also with Principal San Roque, GoodAfternoon." Nakangiting bati ni Jerome sa Principal.

I know how sarcastic it is. I've seen Jerome sarcastically laugh. I knew him.

Inisa-isa na ang mga awards, mula sa mga most at best.

Pero kahit isa dun e walang nakuhang award ang section 6. How sad our life is?!

Maraming section ang natutuwa sa mga nakuha nilang award.

This is life. We should accept na lahat ng tao ay kinamumuhian kami. We know that.

"Ngayon dumako naman tayo sa mga nakakuha ng mga matataas na ranko mula sa bawat pangkat at ang 10 estudyante sa buong level na nakakuha ng mataas na puntos." sabi ni Franco. Ngumingiti-ngiti siya.

The Return Of Friday The 13th (Book 2 Of Friday The 13th)Where stories live. Discover now