Chapter 2

13 2 0
                                    

=Nash del carmen's POV=

Nakakainis naman bakit hindi sya nag online?!

Tinignan ko ang cellphone para tignan kung nagreply si Yana sa message ko pero wala.

Active 16 hours ago..

Ano ba naman yan! Namimiss ko syang kausap.

Galit pa rin kaya sya? Pero ang tagal na nun eh. Tsaka nagsorry naman ako sa kanya. Hindi pa rin ba sya nakakaget over? Pero kinausap ko naman na sya tungkol dun ah! Nag explain na ko sa kanya.

"Hay ewan ko!!" Sigaw ko. Makaligo na nga lang malapit na duty ko.

***
10:00 am..

'Davis Porchia's Restaurant'

Sakto!

"Nash! Sakto dating mo nandyan si sir Davis." Bati ni sheerany.

Sheerany Valle, isa sa mga senior crew dito sa restau ni Sir Davis. Working student.

"Ganun? Bakit anong meron?" Tanong ko. Nakakapagtakha lang. Minsan lang naman kasi yun bumisita dito eh. Once in a blue moon lang.

"Ewan ko. Baka may event na gaganapin dito sa restau."-sheerany.

"Ah. Sige punta muna ako sa crew room." Paalam ko. Tumango lang sya at saka pumunta sa isang table para asikasuhin yung customer.

=Sheerany's POV=

"Good day ma'am, sir, here's the menu." Sabay abot ng dalawang menu.

"Give us this one, this one,this one,and this one." Turo ng lalaking naka suit and tie.

"Isang pork---"
Di ko na natapos ang sasabihin ko ng sinenyasan nya ko na umalis na. Tss sungit. Kaya umalis nalang ako dala ang menu.

Pabalik na ko sa counter para ibigay ang order ng marinig ko si sir Davis na may kausap.

"You're late on your first day! What have I told you?"-sir Davis.

"Tss.. Does 10 minutes a big deal?" Narinig kong sagot ng babaeng kausap nya. Nacurious ako kaya medyo sumilip ako pero si sir lang ang nakita ko. Natatakpan ng malaking halaman yung kausap nya. Hay bakit ba ko nakikinig? Mahuli pa ko dito eh.

"Order from table no.7"

"5 minutes!" Sagot ng crew sa counter. Tumango lang ako bilang sagot.

=Yanna's POV=

"Let me just remind you na nakiusap ka sakin." Pagyayabang ni Davis.

I just roll my eyes.

Tinawag nya yung isang crew na may dalang mop.

"Bakit po sir?" Tanong nung crew na may green na sumbrero.

Ang panget naman ng uniform nila tsk! Walang taste 'tong si Davis kahit kelan.

Kinuha nya yung mop na hawak nung crew at saka sinenyasan na umalis na.

Operation: Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon