Chapter 19: Continuation

7 1 0
                                    


Previously on Operation: make him fall

=Auxille's PoV=

"Auxille.." Nakasmirk na bungad ni Moore ng makarating ako sa parking lot. Hindi ko inaasahan na makikita ko sya rito sa oras na 'to.

"I'm not in the mood to mess around with you,Connor." Iritable kong tugon.

Tumawa sya ng mapait saka lumapit sakin. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng kaba dahil sa kanya. Ibang iba ang moore na kaharap ko ngayon sa moore na nakilala ko. Noon.

Anong nanyayari? Batid kong may kakaiba.

To my surprise he slightly press his body on mine.

"Not too fast,President Montañez-Forseman." Bulong nya sa tenga ko kasabay ng muling pagtawa ng mapait .

Humigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko sa mga oras na yun. Anumang oras ay kaya kong kalabitin ang baril na nakatago sa coat ko.

Hindi ito ang Ace Moore Connor na nakilala ko. Kakaiba ang mga kinikilos nya. Ibang-iba sa nakilala ko.

"Anong kailangan mo?" Seryoso kong tanong sa kabila ng nagsisimulang pagkabagabag na nararamdaman ko.

"Your friend needs you this time,auxille. She's in pain." Saad nya saka ngumiwi ng makalayo sakin.

Hindi ko alam kung sinusubukan nya 'kong balaan o ano. Hindi ko rin alam kung sarkastiko ba ang pagkakasabi nya sa mga yun.

Agad na nag-init ang ulo ko sa sandaling yun. Kaibigan? Sa mga oras na yun ay isa lang ang pumasok sa isip ko. Si Alex. Agad na nagtiim ang bagang ko at para bang nagdilim bigla ang paninigin ko. Mabibigat na paghinga ang sunod-sunod kong pinakawalan.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Malumanay kong usisa.

Hindi ko mawari kung tama ba'ng sya agad ang inisip ko'ng may ginawang masama kay alex. Kung meron man.

"Ooops hindi ako." Sagot nya saka muling nag-smirk.

"Anong ginawa mo?!" Pag uulit ko. Sa sinabi nya ay kinumpirma nya na may hindi nga magandang nangyari kay alex.

"Not bad. something worst." agad na nag-iba ang takbo ng sistema ko dahil sa huling sinabi nya.

Umakyat ang galit sa ulo ko at nagsisimula na 'kong patayin ng kaba sa dibdib ko.

Hindi na ko nag-aksaya pa ng kahit na segundo. Hindi ko na nagawang magtanong pa at maski ang pagbuhatan ng kamay si moore. Kahit ang pagbibigay ng babala sa kanya ay hindi ko na nagawa. Agad akong sumakay sa sasakyan ko at agad yung pinaharurot.

"May tinatago ka sa'kin,moore. May hindi ka sa'kin sinasabi."

Agad kong pinuntahan ang coffe-bookshop para i-check kung nandun si alex. Pero wala.

Patindi ng patindi ang kabang nararamdaman ko habang tumatakbo ang oras.

Kahit na nasa manibela ang kamay at patuloy sa pagtakbo ang sasakyan ay nagawa kong ipikit ang mga mata ko. Sa takbong lampas isang daan at walungpu ay nagawa kong mag-isip ng nakasarado ang mga mata at tanging isip lang at damdamin ang pinapagana.

Ang racing team..

Inalala ko ang lahat tungkol sa rt.

Kasabay ng naisip ko ang pagbukas ng mga mata ko.

Operation: Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon