Chapter 14

8 0 0
                                    

Enjoy reading ^_^

Continuation...

=Nash del carmen's POV=

Nagising ako ng mga around 4am.. ni hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ko. Sobrang lamig na at tumatagos yun sa kumot na nakabalot sa katawan ko. Kinapa ko ang kabilang side ng kama nagtaka pa ko nung wala akong nakapang auxille sa tabi ko pero naalala ko na sa couch nga pala sya natulog. Di ko sya napigilan sa gusto nyang gawin -.- masyado syang...maganda lol!

Agad naman akong bumalikwas sa pagkakahiga para tignan at icheck si auxille. Tumayo ako at hinanap ang switch ng ilaw malapit sa pinto. I turn it on at lumiwanag ang buong kwarto. Agad kong nilapitan si Auxille na mahimbing na natutulog sa couch. Nakapatong pa ang dalawa nyang paa sa isang mini cabinet sa gilid ng couch. Pinagmasdan ko ang mukha nya na para bang di makabasag pinggan -.- well, mabait naman sya pag hibdi tinotoyo. Meron syang maamong mukha na nagmukhang mataray dahil sa kilay nya. Matangos ang ilong nya at mapula ang lips. Napangiti na lang ako sa ginagawa ko. Kusa namang bumaba ang tingin ko sa katawan nya at nanlaki na lang ang mga mata ko ng mapansing nakalilis ang shirt na suot nya.. Meaning kita yung legs nya. Agad ko namang iniwas ang tingin ko saka hinila pababa ang shirt na suot nya. Ang bad ko!

Tumayo na ako saka sya binuhat at inihiga sa kama saka sya kinumutan. Tumabi naman ako sa kanya saka ko binuksan ang tv. Nagsisimula pa lang yung kanta ng GMA-7 saglit ko pa yung nilipat lipat saka ko napagdesisyunan na patayin na lang dahil wala pang palabas. Nakakabagot! Hindi na ko inaantok -.- at dahil wala akong magawa ay kinapa ko na lang ang cellphone ko sa ilalim ng unan. I press the power button pero ganun na lang ang pagkadismaya ko ng mag-appear sa screen ang empty bat -.- kainis! Asar akong bumangon saka hinanap ang charger sa bag ko. Chinarge ko ang cellphone ko saka ulit bumalik sa higaan. Tulog na tulog pa rin si auxille kaya namab pinagmasdan ko na lang sya. Hindi naman siguro masama no? Iniscan ko ang mala-dyosa nyang mukha saka ngumiti.

"Hindi mo naman malalaman na pinapanood ko ang pagtulog mo diba?" Bulong ko. Wala naman magsasabi na pinagmamasdan ko sya hehe.

Bahagya naman akong nagulat ng gumalaw sya...

At yumakap sakin -.-

Halos hindi naman ako makagalaw dahil sa pagyakap nya. Baka kasi magising sya pag gumalaw ako.

Hinayaan ko lang sya sa ganung pwesto. Tumihaya naman ako tumitig sa kisame. Hindi na talaga ako makatulog. Lumipas ang oras hanggang sa alas sais na ng umaga.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap sakin ni auxille saka ako tumayo. Saglit pa kong bumaling sa kanya bago magtungo sa cr para maligo. Paglabas ko ng cr ay agad akong naghanap ng maisusuot pero puro mga naisuot ko na ang nasa bag. Naalala ko na suot nga pala ni auxille yung shirt ko. No choice ako kundi ang humanap ng ibang maisusuot. Sa huli ay nagsando na lang ako. Kesa naman mag-topless ako at mamatay sa lamig diba?

Binuksan ko ang pinto saka sandaling lumabas. Makulimlim pa rin at umuulan. Medyo makapal rin ang fog sa daan at mangilan-ngilan lang ang mga dumadaan na sasakyan.

Hindi naman na ko nagtagal sa labas at pumasok na rin ako agad at nilock ang pinto.

Nakaramdam na rin ako ng gutom kaya naman naisipan kong tignan ang menu na nakadikit sa pader. Nang makapili na ko ng oorderin ay agad akong lumapit sa intercourse at dun nag-order.

Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto. Yung staff na bitbit ang tray laman ang in-order ko. Kinuha ko naman yun saka binayaran. Kailangan na daw kasing bayaran.

Operation: Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon