Chapter 10

8 0 0
                                    

=Yanna's POV=

Nandito pa rin kami sa lobby kung saan kami iniwan ni tita savanna. Pinagmamasdan ko si Nash habang nilalaro si seanna na tuwang-tuwa naman sa kanya. Nakakatuwa silang panuorin.

Matapos ang duty ni Nash kahapon ay kinulit ko sya na bibisita ako sa kanila. Kailangan ko magrelax lalo pa at nakita ko si Porchia at Davis kanina na mukhang may pinag-uusapang importanteng bagay ng wala ako. Alam kong maraming business ang bawat isa samin na kailangan bigyan ng oras pero pakiramdam ko ay gumagawa sila ng plano ng wala ako.

"Auxille.." Malumanay na tawag ni nash sa pangalan ko.

"Hmm?"
Hindi ko maialis ang paningin ko kay seanna na tuwang-tuwa sa kuya nya kahit pa may mga bagay akong iniisip sa mga oras na to. Ang cute cute!

"Pasensya ka na kay mama ah? Ganun kasi talaga yun pag gusto nya yung isang tao."

Batid kong ang tinutukoy nya ay ang pang-aasar samin ni tita savanna kanina. Sa totoo lang ay kahapon pa nya kami inaasar nung bumisita ako sa kanila. Nakakatuwa. Hindi naman masamang kiligin diba?

"Ano ka ba? Wala yun no! Isa pa, namiss ko rin si tita savanna. Hindi na rin kasi ako nakabalik sa inyo eh." Sagot ko habang pinapanood pa rin sila magkulitan. Kasalukuyan kaming nasa lobby parin ng restau.

"Hayaan mo pag hindi na tayo busy babalik tayo sa bahay." Nakangiti nyang saad. Ngumiti naman ako bilang sagot.

"So I guess, tulungan na kita kay baby seanna?" Offer ko dahil mukhang hindi nya kaya mag-alaga mag-isa.

"Okay lang ba sayo? Baka kasi mapagod ka eh makulit pa naman si seanna." -Nash

"Sus! Okay na okay sakin yan! Tsaka gusto ko matuto mag-alaga ng baby hehe.." Natigil ako sa pagsasalita ng hindi sya sumagot. Agad ko syang tinapunan ng nagtatakang tingin.

"Oh bakit ganyan ka naman makatingin?"

"Mmm..wala naman. Nakakatuwa lang marinig yun galing sayo." Nakangiti nyang paliwanag. Pakiramdam ko naman ay biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi nya.

'Ano ba nakakatuwa dun? Pss!'

"Ah..eh..ano ah..n-nagugutom na ako kain muna tayo?" Pag-iiba ko ng topic na ikinatawa naman nya.

'Tss'

***

Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na kami sa crew room para dun makipagkulitan kay baby sean (seanna). 7pm na rin kasi at kailangan ng ayusin ni nash ang mga gamit nya.

Operation: Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon