Chapter 20

12 1 0
                                    


=alex Merced's PoV=

Mula ng bumalik sa bansa si Auxille ay nagsimula ng magbago ang takbo ng mundo ko.

Parang nakaplano at pinag-isipan ng sinuman ng mga nangyayari ngayon.

Masaya ako dahil sa pagbabalik nya.
Isang hindi inaasahang pagkakataon ang muling pagtatagpo ng landas naming dalawa.

Para bang ang naiwang kulang na storya ay nagkaroon na ng panibagong yugto.

Isang motorsiklo ang nakapukaw ng pansin ko ng minsang maglakad-lakad ako di kalayuan sa lugar kung saan nakatayo ang shop ko.

Isang simpleng motorsiklo at malamang ay cheap sa mata ng ibang racer na katulad ko.

Isang itim na rouser. Konting pag costumize lang at pwede ng ipangliwaliw.

Halos isang buwan na ang nakalipas matapos kong bilhin at alagaan ng mabuti katulad ng pag-aalaga ko sa mga pang race kong motor at kotse ang rouser na minsa'y nakita ko lang sa di kalayuan ng shop ko.

Tinuturing kong swerte ang bago kong motor dahil para sa'kin ay nagsunod-sunod ang swerte ko.

Dumarami ng dumarami sa bawat araw ang mga bumibisita sa shop ko at mas napatibay pa ang samahan ng rrt at ang muling pagkikita namin ni Auxille.

Isang gabing pabalik na ko sa shop ng may animo'y pamilyar na paraan ng pagpapatakbo ng sasakyan ang nakapukaw ng pansin ko.

Saglit ko pang pinanood ang pag-andar ng isang Ford everest na nasa unahan ko.

Hindi ko maintindihan pero parang bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Hindi kaya...

Imposible.

Hindi na sya kailanman babalik ng bansa.

Ngunit sa kyuryosidad ay ginawa kong sabayan ang takbo nito. Agad kong pinantayan ang bintana ng sasakyan saka ko pilit na inaaninag ang kung sino mang nasa loob nito.

Next thing I knew is.. I'm with her.

Sharing a cup of coffee.

How I wish na isang araw babalik sya sa'min. Sa royale racing team.

Isang gabi matapos kong makasama ang rrt ay nagpasya na 'kong umuwi. May kalayuan ang bahay namin mula sa shop ko kaya naman minabuti kong wag ng magpagabi pa ng husto.

May kalaliman na rin ang gabi ang mangilan-ngilan na lang ang dumaraang sasakyan.

Siniguro ko munang nakasarado ng maayos ang shop bago ako sumakay sa big bike ko at nagsuot ng helmet.

Mabilis kong pinatakbo ang big bike na sinasakyan ko na para bang nasa racetrack ako sa mga oras na iyon.

Sa takbong isangdaan at walumpu ay nagpalipat-lipat ako ng linya. Nasa ganoon akong sitwasyon ng sa di kalayuan ay may natanaw akong nagpapatay-sinding mga ilaw sa ginta ng kalsada.

Bahagya kong binagalan ang pagpapatakbo ng big bike at saka pilit na inaaninag ng mabuti ang kung anumang nakaharang sa daraanan ko.

Habang papalapit ay unti-unti ring bumabagal ang takbo ng sinasakyan ko hanggang sa tuluyan ko na 'tong ihinto.

Tatlong lalaki. Dalawang naglalakihang motorsiklo at isang race car ang tumambad sa harapan ko.

Nakatayo sa unahan ng motorsiklo ang dalawang lalaki na pawang mga naka face mask habang napapagitnaan naman nila ang race car. Sa hood ng race car ay bahagyang nakaupo ang isang lalaking naka itim na face mask at gray na hoody jacket. Magkakrus ang mga braso nito at katulad ng dalawang lalaking nakatayo ay batid kong pinag-aaralan nila kabuuan ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Operation: Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon