Chapter 17

9 1 0
                                    


=Sydney Marx's PoV=

Nagpatuloy ako sa pabalik-balik na paglalakad sa loob ng kwarto ko na kanina ko pa ginagawa pagkabangon ko sa kama. Ang totoo ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa inaasahan ko ang mangyayari.

-flashback-

Matapos namin makapag-usap ni Aux ay sandali akong umupo sa couch saka sinapo ang noo ko. Bakit ba hirap na hirap akong kumilos gayong simple lang naman ang problema? Kung tutuusin ay kayang kaya kong resolbahin yun sa simpleng pamamaraan ang kaso lang ay nasa usapan si Nouries. Kusa ring bumalik sa isipan ko ang nangyari kay Kaurie.

Chan..

Malinaw pa sa isip ko ang pagdausdos ni kaurie sa sinasandalang pader sa mga oras na iyon. Hawak ang kaliwang bahagi ng dibdib na patuloy ang pag-agos ng dugo. Maging ang emosyon sa mukha nya kahit pa puno ito ng galos. Ang marahang pag-agos ng dugo sa kaliwang bahagi ng noo nya. Ang mga mata nyang hindi makapaniwala sa kinahinatnan nya.

Ng dahil kay Chan..nawala si Kaurie. Si Kaurie na isa sa mga Marx. si Kaurie na naging tulay ng mga Marx patungo sa mga Montañez.

Ang mga pangyayaring yun ay ayaw ko ng balikan ngunit kusang bumabalik sa isipan ko.

Sa nangyaring yun ay lalong naging mahirap ang pagkilos ko upang resolbahin ang isang simpleng problema.

Ang dalawang Chan at kaming dalawang Marx ay matalik na magkakaibigan noon ngunit habang nagkakaisip ay nagsisismulang mabuwag ang samahang taon naming pinatibay.

We have to kill in order to live.

ganyan ang mundo namin. At sa bawat pag-ikot ng mundo namin ay ang pangangailangang pahintuin ang sa iba.

Isang busina ng sasakyan ang sunod sunod na umalingawngaw. Nasisiguro kong sa labas yun ng bahay ko nagmumula.

Agad akong kumilos palabas ng bahay para makita kung ano ang nangyayari. Ngunit hindi pa ko tuluyang nakakalabas ng compound ng biglang..

"Marx, open the gate! We need to talk and this is urgent."

Oh crap that's Cruiger for sure.

agad kong binuksan ang gate para mabigyang daan ang pagpasok ng sasakyan nya. Ilang minuto lang ay nasa loob na kami ng bahay.

Batid kong importante nga ang sasabihin nya sa ekspresyon palang ng mukha nya. Sabagay lahat naman ng nagpupunta dito ay importanteng bagay ang dala.

"spill it." walang gana kong saad.

Mukhang isa to sa plano nya tss.

"I've been told to watch over mucheittie before and now's over Nouries and the half sisters." seryoso nyang saad.

Alam ko naman ang tungkol dun. Kailangan ba nyang pumunta rito para manumbat o ano?

"I know. I can handle dealing with mucheittie and Nouries. Its just..its giving me headache when it comes to Chan. Bet you knew it."

"I knew everything." walang halong yabang nyang sinabi yun pero pakiramdam ko ay punong puno ng kayabangan ang dating nun sakin.

"so I guess we're clear. What it is that you wanna talk about then? That 'something important' that you're up to."

"I told the mucheitties that I got the informations from The Marx." panimula nya. Ah I guess I know what would likely to happened next.

"you told them and?"

"They'll blow you soon. I just want you to be alert. Guess you know them that much."

"then its time to play the game."

Operation: Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon