Chapter 4

6 2 0
                                    

=Yanna's POV=

Nakakabwisit na araw -…-

Wala sa loob kong pinapatakbo ang sasakyan ko pauwi sa bahay.. Pano ba naman? Ikaw kaya, itago damit mo di ka ba mabubwisit? Dagdag mo pa 'tong traffic!

Agad akong sumingit ng makakita ako ng pagkakataon. Bahagya ko pang nasilip mula sa bintana ng sasakyan ko ang pagkadismaya ng motoristang inunahan ko.

"Tss.. My ghad I hate traffic >_<"
I murmured.

*Beeeeeeeeeeeeep beeeeep beeeep* maraming umalama ng bumusina ako ng sunod-sunod. Nakakainis eh.

Maya-maya ay nagsimula ng umusad ang mga sasakyan. Buti naman.

Nasa kalagitnaan na ako ng Dasmariñas, Cavite ng may mapansin ako sa di kalayuan.

'Alpha Mucheitti's Spa'

Sa labas ng establishment ay may tatlong naka black suit and tie na lalaki na nakabantay sa isang maroon na ford everest.

Mucheitti? nakangisi kong bulong sa sarili ko.

Tumigil ako sa gilid ng kalsada para mapagmasdan sila.

"Ano naman kaya ang meron dito?" Tanong ko na para bang may sasagot sakin.

Hindi ko rin alam kung bakit ako tumigil para lang mag-aksaya ng panahon sa panonood sa kanila. Para namang maririnig ko yung pinag-uusapan nila mula rito noh?

***
Maya-maya ay may lumabas na isang babae. Tingin ko nasa around 30's na sya. Naka red dress at may hawak na pouch bag. Sa likod nya ay may isa pang lalaking naka-suit and tie at may hawak na attache case.

Mga five minutes pa bago sila sumakay sa ford everest atsaka tuluyan ng umalis.

Oh well, wala akong planong sundan sila kung saan man sila pupunta. Isa pa, sa ibang direksyon sila papunta.

"Alright. Time to go now!" I said to myself after stretching.

***
krnggg..krnggg..

Davis calling...

Ano naman problema nito?

"Yeah?"

"[Aux, where are you?]"-Davis

"On my way home. Why?"

"[Will Be in your house at 6:00]"he said.

"Why---?"

Toot..toot..

What the heck?! Pagpatayan ba naman ako. Ano naman gagawin nun sa bahay? Hay bahala sya.

Amadeo Ville

Pagdating sa bahay.. As usual walang tao. Only child lang kasi ako at busy ang parents ko sa trabaho nila. Wala kaming maid dahil may araw naman ng paglilinis sa bahay. Tsaka kaya ko rin naman mag-isa.

Dumiretso ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Kawawa naman kasi yung damit ni del carmen sa pagkakabuhol ko.

=Clark Davis POV=

"Will be in your house at 6:00"

"[Why---]" I heard Auxille asked. Wala naman akong balak na mag-explain kaya pinatay ko agad yung linya.

Operation: Make Him FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon