Chapter 4: Customer

536 21 1
                                    

MAYMAY'S POV

Simula naman ng panibagong araw. Ilang araw na ang lumipas parang kahapon lang ako nanood ng concert with Kisses. Ngayon work again okey lang masaya naman ako sa ginagawa ko.

Nang bigla ko maalala si Edward, ang gwapo niya kaso mukhang mayabang. Bakit nga pala iniisip ko iyong lalaki na iyon. Erase! Erase Focus Marydale Entrata huwag padistract sa lalaking iyon. Inopen ko ang aking laptop at tumingin ng order.

Prince00
Magkano ang bag ninyo?
The color blue with buko design?

Marydale05
300 each po

Prince00
I order that.
And the jacket also.
The color blue and green

Marydale05
Ok po 500 each po ang Jacket
Meet up or shipping?

Prince00
Meet up.
Megamall it's ok with you?
Dinner at Vikings 5pm.
Tommorow.

Marydale05
Yah! Ok sir deal!

Prince00
Deal! Thanks.
See you tommorow

Marydale05
Thanks too. Sir!
See you tommorow.

Tatlo agad ang order walang problema. Kasi may imeet up pa ako na ibang umorder. Mukhang galante ang customer ko na iyon. Sosyal at sa Vikings pa kami magkikita. Malamang kakain kami at napareserve niya agad iyon. Mayaman siguro wala namang imposible pagmayaman ka.

Makakain na nga at may aasikasuhin pa ako mga customer ko for the day. Pagkatapos ko kumain umalis na ako.
The same routine deliver at meet up. Buti na nga at nakapundar ako ng kotse. Kaya kahit saan pa iyan basta dito lang sa Manila, Rizal at Quezon City okey ako.

Nakakapagod na araw I want to sleep na. Maaga na naman ako bukas. Nakatulog agad ako sa pagod.
--------------------------

Ngayong araw ko imemeet si Prince00 at ng iba ko pang customer. Siyempre panghuli si Prince00. Kumain ako ng almusal suman ang sarap ng luto ni manang. Pagkatapos kumain nagsimula na ako sa aking gagawin. Tinapos ko na lahat at hindi ko namalayan ang oras tanghali na pala.

"Kain ka na Maymay. Nagluto ako ng lumpia." Bungad ni manang.

"Sige po manang susunod na po ako."sagot ko.

Tumayo na ako at nagpunta ng hapag kainan. Kumain na ako kasabay si manang.

"Musta pala ang concert nung April 16 ngayon ko lng natanong?" Tanung ni manang.

"Okey naman po masaya po nag enjoy.  Kaso po naiirita ako dun sa leader nila si Edward."

"Bakit? May ginawa ba siya?"

"Wala naman po manang grabe lang po makatingin sa akin. At proud na proud pa siya."

"Hahaha! Type ka siguro nun."

"Ha! Manang kilabutan po kayo sa sinasabi ninyo. Ang yabang po kaya niya masyadong maangas." Irita kong sabi.

"Hindi masama na may magkagusto sa iyo May. Maganda ka!"

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon