Chapter 5: Birthday

505 23 22
                                    


MAYMAY'S POV

Hindi ako makapaniwala na nagawa sa akin ni Edward iyon. Ang magpanggap na ibang tao. Muntik na ako mainlove kay Prince iyon pala iisa lang pala sila. Inaamin ko may feelings ako kay Edward pinigilan ko lang.

Akala ko si Prince na ang tatapos ng pagiging manhater ko. Pero ngayon nagbalik ulit dahil kay Edward. Iba kasi feeling ko kay Edward may halong inis.

Anyway mamaya na ang birthday ko kaya pahinga muna sa business. Kailangan ko ang magbeauty rest dito lang ako sa kwarto. Maya maya aalis na ako kasama si Kisses sa hotel na paggaganapan ng birthday ko.

Sabi ni Kisses siya ang magsusundo sa akin. Gawa ng busy ang aking mga magulang sa pagsasaayos ng party. Hinihintay ko lang si Kisses dumating. Nakaready naman ang mga dadalhin ko. Nagpatulong naman ako kay manang.

Nakapag ayos na rin ako ng sarili. Napahiga lang ako sa kama sa paghihintay. Nang biglang may kumatok sa pintuan ng aking kwarto.

"Maymay nandito na si Kisses." Sabi ni manang.

"Sige po paakyatin ninyo na po sa kwarto." Sagot ko.

Narinig ko na papunta na si Kisses. Umupo ako sa kama ko at pumasok na si Kisses.

"Tara na best punta na tayo ng hotel. Nagpadala si tita Lorna ng driver na tutulong din magbuhat ng gamit mo." Kasama niya ang driver.

"Sige ano best. Ano nga pala pangalan ninyo manong?" Tanung ko sa driver.

"Romeo po mam." Sagot nito.

"Ako po pala si Marydale. Mang Romeo pakikuha na po iyong mga gamit na dadalhin. Iyan po lahat na nasa gilid. Salamat po."

"Opo mam Marydale." Kinuha na niya ang gamit ko.

Sabay sabay na kami bumaba ni Kisses at mang Romeo sa kwarto. Tinulungan na din ni manang magbaba ng mga gamit.

Sumakay na kami ni Kisses sa kotse. Tapos ng ilagay ang mga gamit. Siyempre kasama si manang sa birthday ko. Sa hotel na kami aayusan ng stylist. Mga kamag anak ko at malapit sa akin ang aayusan ng stylist.

Iyong mga bisita siyempre pagdating nila ayos na sila. Umalis na kami at pinaandar na ni Mang Romeo ang kotse.

"Best iyong gown mo nasa hotel room mo na. Ang ganda at bagay sayo. Marami maiinlove na guys sa iyo. I'm so excited for you." Kilig na sabi ni Kisses.

"Ikaw talaga best ang importante sa akin mairaos ang birthday ko. Okey na nga sa akin ang simple pero mapilit kayo nila mama."

"Matutuwa ka sa inihanda namin Best. Tumulong si manang sa amin. Surprise namin sa iyo. Di ba manang!"

"Oo Maymay at saka 30 ka na kaya dapat lang may celebration. Gustong gusto ng mama mo na isupresa ka. Mahal na mahal ka ng magulang mo."

"Maaga pa para magpasalamat sa inyong lahat sa party ko na lng sasabihin." Ngiti ko.

"Best may escort ka pala sa party surprise na kung sino. Mamaya umurong ka pa e at saka bawal magsungit muna. Araw mo ngayon kaya just relax ok."

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon