Chapter 19: Daddy's Angry

440 14 4
                                    

MAYMAY POV

Hindi ako makapaniwala na kinasal na ang bestfriend ko na si Kisses. Kumpleto ang mga kamag anak niya, mga kaibigan at importante sa buhay niya.

Kasama din si Daddy at Mommy dahil para na rin parents ni Kisse7s ang dalawa. Pero si Daddy mukhang iba ang awra. Napapansin ko ang tahimik niya pagnandyan si Christian at Edward.

Alam ko naman kung bakit dahil pareho ako nasaktan ng dalawa. Pero hindi naman sinasadya dahil may dahilan naman ang lahat. Ako naman ang may kasalanan kay Christian. Kay Edward naman si Heaven ang may pakana.

Sa ngayon hindi pa mauunawaan ni Daddy ang lahat. Maliliwanagan siya sa tamang panahon. Malamang pinalalagpas lang niya ang okasyon. Lalo na at para na niyang anak si Kisses.

Nararamdaman din naman nila Christian at Edward na galit sa kanila si Daddy. Naiintindihan naman nila iyon na hinihingi ko na lang ang dispensa. Hinahayaan na lamang nila si Daddy dahil respeto sila sa matanda.

Natapos na rin ang kasal nagpunta na kami sa reception. Sa five star hotel sosyal di ba mayaman naman si Marco. Nasa harapan ng stage sila Marco at Kisses. Kami may mga pwesto magkakatabi ang mga abay, maid of honor at Bestman. Mga magulang nila Marco at Kisses iisang lamesa with my Daddy and Mommy. Pati mga ninong at ninang ng dalawa.

Sinimulan ng batiin sila Kisses ng mga ninong at ninang. Mga Daddy at Mommy nila pati kaming mga abay. At iba pa niyang mga friends nag iyakan pa nga.

Sumunod nagsayaw sila Marco at Kisses habang sinasabitan sila ng pera sa damit. Sumunod nagpalipad ng kalapati. Ang huli maghahagis na ng tali at bulaklak. Talagang nakakuha si Edward ha. Tapos ako naman nakakuha ng bulaklak.

Namula ako nung isinuot sa legs ko ang tali. Syempre hiyawan ang lahat kabilang na ang Dreamboys. Si Daddy nakatingin lang sa amin at walang emosyon. Pero si Mommy nakangiti sa amin.

Ito na ba ang panahon namin ni Edward na magpakasal? Hindi pa siya nagpopropose sa akin. Kaso nga mukhang may problema pa na dapat ayusin. Si Daddy pagkatapos nito kakausapin ko siya.

Kumain na kami sa reception. May nagpatunog ng baso hudyat na magkikiss ang mag asawa. Nagkiss naman si Kisses at Marco. Sumunod ay ang party party. Umuwi na sina Mommy at Daddy pagod na daw sila. Okey na rin para makapaghinga sila.

Nagchange costume si Kisses at Marco. Nagsayaw sila ng mobe hiyawan ang lahat.

"Bes ang galing mo! Petmalu ka talaga lodi!" Sigaw ko.

"Lodi lodi lodi! Hiyaw naman ng mga Dreamboys.

Nagsayaw ang Dreamboys ng baby shark. Natatawa ang mga manonood dahil ang kulit nilang sumayaw. Kumanta rin sila ng I Do pagkatapos. May sayawan din sa huli kaya nagsayawan kami with partners.

Nakakatuwa lang isipin na nanliligaw na pala si Yong kay Heaven. Good for them kasi tuluyan ng nagbago si Heaven. Kahit hindi pa sila nakikita ko na masaya silang pareho. Ngayon friend ko na si Heaven. Napatawad na namin siya sa nagawa niyang kasalanan sa amin.

Kumbaga balik closeness na ulit. Sabi niya wala ng pangamba sa dibdib niya dahil okey na ang lahat. Nawala na ang tinik sa dibdib niya. Ang saya nga namin dito sa reception. Sayawan talaga mga naghihiyawan pa. Pasimuno as usual ang mga Dreamboys.

Natapos na ang kasiyahan balik na kami sa mga room namin sa hotel. Bukas pa kami lahat mag out. Nakakapagod na araw pero masaya. Ngayon ganap ng mag asawa si Kisses at Marco. Sana magkababy agad sila para kumpleto na.

=====================

Nasa bahay na kami nila Mommy at Daddy. Dito muna sila sa akin ng isang buwan. Para makapagbakasyon na rin. Ang tahimik pa rin ni Daddy pero kinakausap naman niya ako pag may importanteng sasabihin. Piling ko nga may iba pa siyang gustong sabihin. Kaso mukhang naghihintay ng pagkakataon.

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon