Chapter 14: Broken Hearted

391 12 14
                                    

MAYMAY'S POV

Nasaktan ako sa ginawa ni Edward at Heaven. Kitang kita ng dalawang mata ang kababuyan nilang ginawa. Oo alam ko na may nangyayari sa kanila dati. Pero iba ngayon dahil may girlfriend na siya. Walang iba kung hindi ako. Bakit nagawa nila sa akin ito? Naging mabuting nobya at kaibigan nila ako. May lihim pala silang relasyon at ginamit pa nila si Yong. Kaya hindi ko napigilan ang sabunutan at sampalin si Heaven. Sa sobrang nasaktan ako kaya nagdilim ang paningin ko.

Dalawang linggo na simula nung bumalik kami sa Manila galing Boracay. Lagi ako sinusuyo ni Edward pero hindi ko siya hinaharap. Lagi ako nasa kwarto o kaya sa working place ko. Kung hindi naman sa mga kameeting place ko sa online business. Pero dahil makulit siya pupunta ako sa mga magulang ko. Magbabakasyon muna ako sa Japan tutal namis ko din ang family ko. Kinabukasan na ang alis ko kaya nag eempake na ako ngayon.

On Japan

Nasa Japan na ako sinalubong ako ni mama at papa sa airport. Ang mga kapatid ko nasa bahay dahil inihahanda ang pagsalubong sa akin. Niyakap ko ng mahigpit ang mga magulang ko. Namis ko sila ng sobra tagal din uli namin hindi nagkita. Nandito na kami sa bahay namin sa Japan. Malaki ang bahay namin hanggang third floor. May sarili ako kwarto dito nasa third floor. Pinapatira na nga nila ako dito ako lang ang ayaw dahil mas gusto sa Pilipinas. Mukhang pwedeng mangyari iyon kaso hindi ko kaya iwan si Manang Rosing at Adeng. Para ko na pamilya ang mga iyon. Kaya bakasyon ako dito ng tatlong buwan. Para na rin maghilom ang sugat sa puso ko.

"Welcome Marydale Entrata." Sabay sabi ng mga kapatid ko, mga asawa nila at pamangkin ko.

"Thanks to all of you! I miss all of you." Niyakap ko mga kapatid ko.

"Tita dito ka na ba titira?"

"No! Gracia vacation lang si tita ng 3 months. Don't worry mamasyal tayong lahat."

"Yehey!"

Nagtalunan ang mga pamangkin ko. Tuwang tuwa naman ako sa kanila. Nagyaya nang kumain si Mama Lorna at kaming lahat ay nagsalo salo. Nagkantahan sa videoke at kwentuhan. Pagkatapos ng kasiyahan nagsipag uwi na sila sa kani kanilang bahay. Kami na lang nila mama at papa ang natira. Umakyat na ako ng kwarto ko tutal mga katulong naman mag aayos. Pagod na pagod ako kaya pagkatapos kong magshower nakatulog agad ako.

Kinabukasan

Nagising ako na natulala hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari sa akin. Bumaba na ako para mag almusal. Binati ko si mama at papa sabay kain ng tahimik. Nung natapos na ako kumain pumunta ako sa veranda. Nagmumuni muni hindi ko pa rin matanggap ang panloloko ni Edward. Kala ko magbabago na siya pero hindi pala. Pinaasa niya ako na ako lang ang babae sa buhay niya. Iyon pala dalawa kami babaero talaga. Playboy is a playboy hindi na mababago iyon. Nakita ko palapit si mama at papa.

"May alam ko na may problema ka. Hindi ka ganyan pagtuwing pumupunta ka dito."

"Oo anak sabihin mo ang problema mo makikinig kami ng mama mo."

Napaiyak at napayakap ako sa kanila. Hindi ko na mapigilan ang pag iyak.

"Mama at papa si Edward po niloko ako. Pinagsabay kami ni Heaven tapos po naabutan ko po sila na nakahubad pareho. Ang sakit sakit po ng nararamdaman ko. Ganito na lang po ba lagi iwan ako dahil sa ibang babae. Ngayon naman ang pagsabayin kami!"

"Tarantado pala iyang lalaki na iyan! Humanda sa akin iyan pagpunta ko ng pinas!"

"Kalma lang Pa may oras para dyan. Intindihin muna natin si Maymay."

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon