Chapter 3: Concert

584 27 9
                                    

Maymay's POV

Ito na ang pinakahihintay naming araw ni Kisses ang concert ng Dreamboys. Grabe dahil nausog ang concert nila dahil daw sa event na paggaganapan hindi nagkasundo ang producer. Talagang sa Linggo ng pagkabuhay ni Hesus ang concert. Maganda na rin iyon para macelebrate na ang pagkabuhay ni Hesus. Kaya pinalitan tuloy iyong ticket ng panibago, si Kisses ang nag asikaso siya naman nanlibre sa akin. Tutal maaga pa naman makakapagprepare pa kami ni Kisses. Pagkatapos ng tanghalian kami aalis exited pa naman ang bestfriend ko. Siyempre speaking of the bestfriend dumating na siya.

Best! Excited na ako makikita ko na ang Dreamboys lalo na si Yong." Crush niya kasi si Yong.

"Hindi halata best. Hahaha."

"Ikaw best sinong gusto mo sa Dreamboys?" Tanung ni Kisses na kinikilig pa.

"Wala! Sinamahan lang kita dahil favorite mo sila okey."

"Talaga? Hindi mo type si Edward iyong leader nila. Ang gwapo kaya non, kung hindi ko lang crush si Yong malamang Edward ako."

"E di sa iyo na, para madami the more the merrier. Hahaha."

"Ikaw talaga best! Hahaha. Man hater ka na talaga."

"Oo na man hater na ako pare parehas lang iyang mga lalaki." Poker face kong sabi.

"Ok tapusin mo na iyang ginagawa mo. Nagugutom na ako best ano ba niluto ni manang?"

"Matatapos na ako! Pakbet at bulalo ang niluto ni manang, alam ko kasi na dito ka kakain matakaw ka pa naman."

"Grabe siya oh!" Habang nakapout.

Tapos na ako mag ayos ng gamit at ng sarili. Eksakto tinawag na kami ni manang para kumain. Busog na busog kami ni Kisses. Talagang sinadya ko na madami kainin dahil mamaya gugutomin kaming dalawa.
Pagtapos ay naghanda na kami para umalis. Inihanda ko na ang kotse at sumakay na si Kisses sa tabi ng driver sit.

"Let's go! Excited so much." Sigaw ni Kisses natatawa na lang ako sa kanya.

"Ok let's go!" At pinaandar ko na ang sasakyan.
-----------------

Nandito na kami sa Araneta Coliseum. Pinarada ko na ang kotse sa parking area. Ang daming tao iba't iba grupo grupo, may magpamilya, magdyowa at mukhang may nagsosolo lang. Pagkababa ni Kisses talon ng talon sa sobrang tuwa. Bumaba na rin ako at hinila ko na si Kisses sa pila.

"Best, ito na ang pinakahihintay ko. YONG I'm coming!"

"Huwag ka nga maingay best, alam ko excited ka pero huwag OA. Pinagtitingan kasi tayo." Sabay sapo ko ng kamay ko sa noo.

"I don't care about them best! Do want they want and I do what I want."  Habang nakapameywang pa.

"Okey oh dito na ang pila Kisses." Turo ko sa pila.

"Malapit na tayo best!" Kilig na kilig si Kisses.

Nasa unahan na kami ng pila ni Kisses. Ipinakita na niya ang ticket sa receptionist. Pumasok na kami sa loob ng stadium as usual sa unahan kami banda. VIP ba naman ticket namin. Umupo na kaming dalawa ni Kisses konti na lang at magsisimula na ang palabas.

---------------

Bigla namatay ang ilaw after 10 second bukas muli ang ilaw. Nagulat ako dahil nasa harapan na namin ang Dreamboys. Nagsigawan ang mga tao grabe ang lakas ng impact nila sa mga tao. Kinanta nila ang bagong station I.D. ng isang Channel na Ikaw ang Sunshine Ko. Bigla nagsisigaw si Kisses sa kilig.

"Wohhhh! Yong I love You! Go! Dreamboys!" Die hard fun talaga itong si Kisses.

Natutulala na lng ako kasi ang lapit lang nila sa amin. Nang bigla ako napatingin kay Edward ang leader ng Dreamboys. Nakangiti sa akin at kumindat pa. Siyete namula yata ang pisngi ko. Ang lakas ng dating niya sa akin, umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Ngayon lang ulit nangyari sa akin ito bumilis ang tibok ng puso ko.
Lahat ng Dreamboys kumuha ng mga babae na audience. Nalintikan na lumapit sa akin si Edward at kinuha ang kamay ko. Napatingin si Edward sa tabi ko at nginitian ang lalaki na katabi ko. Ganun din ginawa nung lalaki nginitian niya ito. Nasa taas na kami ng stage at kinakantahan ang bawat partner ng Dreamboys. Kasama pala si Kisses dahil kinuha naman siya ni Yong. Kilig na kilig si best, niyayakap pa si Yong. Nice Kisses natupad ang hiling mo na makaharap si Yong. Ito namang si Edward titig na titig sa akin. Para akong nahihipnotismo sa mga tingin niya at napapatingin ako. Piling ko kami lang dalawa. Ano ba nangyayari sa akin bakit ba ang gwapo niya? Hindi ko namalayan na kiniss niya ako sa pisngi. Namula naman ang pisngi ko, kinikilig na yata ako. Hindi pwede ito man hater ako di ba. Binalik na kami sa baba ng stage at napatingin ako sa katabi kong lalaki.

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon