Chapter 1: Busy Girl

1.1K 33 1
                                    

Maymay's POV

Tumunog ang aking alarm clock ⏰ at habang nakapikit ako pinatay ko ito. Nagmulat ako ng aking mga mata pero ayaw ko pa bumangon pagod na pagod ako. Ang sarap pang humiga sa kama ko. Hayts! Kaso marami pa pala ako gagawin. Matignan muna ang mga aking laptop baka marami na namang order. Hindi ninyo naitatanung online businesswoman ako. Iba iba ang mga tinitinda ko sa online mga pagkain, damit, gadget, sapatos etc.

Panay ang tanong ng Hm? Hindi naman oorder yung iba sus pero infairness maraming order at kailangan ko asikasuhin. Tingin sa laptop, pipilin ko na ung mga oorder, iisahin ko na ilagay sa mga plastic bag at yung iba kahon kahon ang kinukuha. Pagconfirm na bayad na ang customer ko ipapadala ko na sa LBC. As usual pagmalapit lng meet up naman.

Ganon lagi ang routine ko sa araw araw na buhay ko. Sa apat na sulok ng bahay namin may pwesto ako kung saan ko inilalagay ang mga paninda ko. Ako mismo bumibili ng mga paninda. Sa pagkain gagawa muna ako tapos saka ko siya ipopost sa laptop ko, syempre sa malapit ko lng ibebenta. Mabulok pa kung shipping yun noh! Nagpapabusy ako lalo na at lagi ako broken hearted. Naisingit ko pa iyon. Anyway balik tau sa ginagawa ko ng biglang dumating ang bestfriend ko na si Kisses.

"Hoy bes gala naman tayo puro ka naman trabaho dyan!" sabi ni Kisses habang nakapout pa.👄

"Wag ka nga magpout dyan bes." sabi ko ng nakapameywang. "Busy ako at wala ako panahon gumala. Ikaw na lang. Buti sana kung may day off pwede ako."

"Minsan naman magchillax ka para sa sarili mo bes. Nakakapagod kang tignan. Ang hirap ng ginagawa mo." Kisses said.

"Kaya nga ako nagpapakabusy di ba! Mas nakakapagod kaya mag isip o nakatunganga lang. Mas lalo ko lang naiisip mga walang kwentang lalaki na minahal ko." Tugon ko.

Natawa sa akin si Kisses. "Hahaha" Nakakatawa ka talaga bitter much lang bes. Sige na bes kahit sa Sunday lang. Restday mo na yon! Please! Bes!Saka malapit na ang Valentines tayo na lng magdate. Parehas naman tayo walang dyowa."

"Ayoko nga ang kulit mo bes!" Sabi ko na parang naiinis na di maintindihan.

"Concert ng Dreamboys ng Sunday, may ticket na ako para sa ating dalawa sayang naman kung hindi magagamit. Treat ko naman ito may kotse ka naman yun na lang gamitin natin tutal dalawa naman tayo hehe sagot ko na pati pagkain my treat." Pangungulit ni Kisses. Ang kulit talaga ng bes ko noh papayag na nga ako.

"Ok, sige pumapayag na ako tutal wala namang kami lakad ng pamilya ko."

"Yes" sabay yakap ng mahigpit ni Kisses sa akin. "Makikita mo dun c Tanner, Nonong, Nikko, Macoy, Yong at ang leader nila na si Edward!"

"Ok! Kung hindi lng kita bes ei" ngiti naman ako. Wala naman ako interest sa dreamboys na iyon hindi lng talaga ako makapalag kay Kisses.

"Sige bes pasok muna ako sa work. Goodluck sa mga lakad mo ngayon." Nagmamadali na umalis si Kisses at bumalik ulit. "I love you bes muwahh!" Sabay halik sa pisngi ko.

"I love you too! Bes! Ingat ka sa pagpasok!" Habol ko sa kanya habang patakbo siya sa dyip na pinara niya.

Nagflying kiss pa pagkasakay ng dyip at pakaway kaway pa. Hehe..parang beauty Queen lang ang peg ni Kisses. Nang wala na tinapos ko na ang gagawin ko.

Sa wakas natapos ko na ibalot ang mga ipapadala ko sa LBC at mga meron din ako imemeet up. Nang natapos ko na lahat lahat kumain na ako ng tanghalian. Buti na nakaluto na si manang at paborito ko ang sisig.

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon