Epilouge

539 14 9
                                    

MAYMAY POV

Ito na ang buhay ko ngayon ang mapagmahal na asawa at maalagang ina. Mahal na mahal ko sila nagpapasalamat ako at dumating sa buhay ko si Edward. Ang playboy na naging goodboy dahil sa akin. Unang kita pa lang iba na ang naramdaman ko. Naiinis ako sa kanya pero may tibok sa puso ko. Tibok na pag ibig na pala ang nararamdaman.

Akala ko hindi na ako maiinlove ulit. Dahil naging manhater ako nahirapan na ako umibig. Napakasuplada ko pa nga sa mga lalaking alam ko na nagkakagusto sa akin. Naging busy pa ako sa online business ko. Maraming nagtangka manligaw pero nabasted lang.

Hanggang sa dumating si Edward sa buhay ko. Nabago ang pananaw ko sa mga lalaki. Nagtiyaga manligaw sa akin si Edward. Sinagot ko dahil nakita ko ang sincere ang pagmamahal niya sa akin. Naging masaya kaming dalawa walang problema. Nagkakatampuhan pero nagbabati agad.

Nasira lang ng biglang dumating si Heaven. Naobsessed na kay Edward kaya gumawa ng plano para magkahiwalay kami. Natupad ang plano niya halos gumuho ang mundo ng panahon na iyon. Akala ko may nangyari sa kanila pero nagkamali ako. Umalis ako ng Pilipinas para makamove on sa sakit ng pusong sugatan.

Pero nagkabalikan kami dahil na rin sa pagtitiya ni Edward. At dahil mahal ko siya kaya napatawad ko din. Nung una hindi rin matawad ni Daddy si Edward. Nang naglaon ay napatawad din ni Daddy. Hanggang sa ikinasal kaming dalawa. At si Heaven ang naging bridesmaid ko. Matagal din bago namin natanggap si Heaven. Malaki na ang pinagbago nito at naging kabilang siya sa mga bestfriend ko.

♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤

Ngayon na may anak na kami ni Edward naging buo na pagkatao ko. Masayang masaya ako na nagkaroon ng sariling pamilya. At ngayon ay 1 year na si Baby Jom2x. Favorite niya ang minions kaya iyon ang naging theme ng party. Syempre imbitado ang lahat may mga hindi umatend. Dahil sa commitment nila at mga busy sa work ang iba. Naiintindihan ko naman sila kasi ganun din naman kami ni Edward. Nagpadala na lang ng mga gift for Baby Jom2x.

May mga clowns at palabas na ginawa. Kaya tuwang tuwa mga batang bisita. Mga anak din syempre ng mga kaibigan ko. May mga palaro na pagnanalo ay may premyo. Pagkatapos ay nagsipagkainan na ang lahat. Picture picture at kamustahan. Natapos ang party ng masaya lalo na si Baby Jom2x. Naglalakad na ito at mahilig tumakbo. Hands on naman ako bilang Mommy kaya tutok ako sa anak ko. Marunong na nga at kinukuha ang mga regalo niya. Pinicturan ko muna tapos vinedyohan habang nagbubukas ng regalo. Nakakatuwa mukhang matalinong bata. Happy na talaga ako sa buhay ko ngayon.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Ikinasal na si Yong at Heaven nadelay dahil sa dami ng commitments ng dalawa. Masaya ako para sa kanila. Si Macoy malapit na ring ikasal kay Ellise next year. Iyong ibang Dreamboys nag eenjoy pa sa buhay binata. Sila Vivoree at Christian may 2 years old baby girl. Sina Kisses naman at Marco ay may 3 years old baby boy. Buntis nga si Kisses ng two months.

Ito na nga ikinakasal na si Heaven at Yong. Naiiyak na habang nagsasabihan ng vows.

"I love you Heaven. Hindi ko akalain na mamahalin kita. Dahil para na kitang kapatid at kaibigan. Pero dumating sa punto na tinukso tayo na bagay tayong dalawa. Nung una it's just a play but unti unti nahulog ang loob ko sa iyo. Nasasaktan ako dahil iba ang mahal mo. Pero pinaglabanan ko ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi kita tinolorate sa maling ginawa mo. Itinama ko ito at gusto kong ibalik ang Heaven na nakilala ko nung Highschool. Iyong napakabait at pasensyosa. Lahat iyon nangyari niligawan kita at dumating ang araw na sinagot mo ako. Napakasaya ko ng araw na iyon. Hanggang sa ito magiging asawa na kita. Bubuo na tayo ng pamilya. Asahan mo na lagi akong nandito para sa iyo. Mahal na mahal kita."

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon