Chapter 8: Official Boyfriend & Girlfriend

444 17 3
                                    

MAYMAY'S POV

"Ang sagot ko sa iyo Edward ay Oo. Sinasagot na kita mahal na mahal kita Edward." Sagot ko na umiiyak sa kaligayahan.

"Yes! Sinagot na niya ako! Salamat Maymay my Babe. I love you with all of my heart. Hindi ka magsisisi na sagutin mo ako." Sabay yakap at halik s pisngi. Nagpapalakpakan ang mga staff ng restaurant.

"Babe talaga tawag mo sa akin." Ngiti ko.

"Oo simula ngayon Babe na ang tawagan natin." Sabi niya.

"Okey sige Babe I love you." Yakap ko sa kanya.

"I love you too Babe." Tugon ni Edward.

Patuloy lang ang aming pagsasayaw ni Edward. Habang yakap ko siya at ang mukha ko nasa dibdib niya. Ang tangkad kasi niya kahit na mas matanda ako sa kanya ng dalawang taon. Dinama namin ang bawat tugtog sa pagsasayaw. Dahil bukas aalis na kami sa Baguio. Matutuwa ang pamilya ko, si Kisses at si manang pagnalaman nila na boyfriend ko na si Edward. Ang saya saya ko kasi kasama ko ang pinakamamahal ko. Natapos ang gabi na masaya kami parehas ni Edward. Natulog na kami na may ngiti sa labi.

×××××××××××××××××××

Umalis na kami ni Edward sa Baguio. Nakarating kami sa bahay ko ng matiwasay. Sinalubong kami ni manang Rosing mukhang nakatingin sa mga kamay namin ni Edward na magkahawak ang kamay. Pinapasok ko muna si Edward para dito na mananghalian sa amin. Pagpasok namin sa loob hinila ako ni manang sa kwarto.

"Iha matanung ko lang kayo na ba ni Edward?" Usisa ni manang.

"Opo manang kami na po ni Edward." Namumula kong sabi.

"Buti naman Iha akala ko wala ka na balak sagutin iyan. Ang tagal ding nanligaw ang tiyaga." Sabi ni manang Rosing.

"Kaya nga po sinagot ko na po kasi nakapasa po siya sa lahat ng pagsubok ko." Natatawa kong sabi.

"Salamat naman at hindi na mag aalala ang mama at papa mo niyan. Sana mapangasawa mo na siya May tumatanda na rin ako. Wala ng mag aalaga sa iyo." Naiiyak na si manang.

"Manang magtatagal pa kayo noh! Huwag po kayo magsalita ng ganyan.  Pwede naman po ako kumuha ng bagong kasambahay na makakatulong ninyo. Kung gusto ninyo po iyong pamangkin ninyo po na si Adeng papuntahin ninyo dito." Yakap ko kay manang.

"Sige Iha tutal naghahanap ng trabaho si Adeng dito ko na papasukin. Salamat May."

"Naku wala po iyon mas maganda nga po na kilala ko na kaysa hindi kilala. Mabait naman po si Adeng nung naisama ninyo ako sa bakasyon sa probinsya ninyo." Sabi ko.

"Sige na May baba ka na naghihintay na si Edward sa baba. Ipaghahanda ko kayo ng makakain." Naunang bumaba si manang Rosing.

"Okey po Manang." Bumaba na ako.

Nag usap muna kami ni Edward habang hinihintay ang aming kakainin. Tawa ako ng tawa sa mga Joke ni Edward. Sobrang saya talaga pag may inspirasyon ka sa buhay. Maya maya tinawag na kami ni manang at kami ay nagsipagkain na. Natatawa ako kay Edward dahil hindi siya marunong kumain ng dinuguan. Nadidiri daw siya sa pagkain na iyon. Buti na lang may iba pang ulam gulay at siningang na isda. Matapos kami kumain umalis na si Edward. Humalik pa sa pisngi ko hinalikan ko din siya sa pisngi. Pagkaalis niya pumunta muna ako ng kwarto para makapagpahinga.

MAN HATERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon