Slum Note (One-Shot)

244 9 6
                                    

Hi! First one-shot story ko! Wala matry lang xD

Basta Enjoy!

******

Fei's POV

"Hoy. Mimi-tot! Ikaw na." Sabi ko kay Mia at inabot yung notebook.

Napapasulat kasi ako sa Slum Note. Oo alam ko pang bata lang yun. Bakit ba bata pa naman ako ah! Bata pa naman ang 3rd year Highschool diba? diba?

Ay basta! Gusto ko lang naman ng remembrance.... Gusto ko pag matanda na ako may maalala ako sa highschool days ko. ^___^

Aba Perst time toh!

So far ito ang pinakang memorable year sa Highschool life ko.

Ang III-Chlorine. Kahit na hindi kami ang highest section at halos lahat ng teacher namin ay inis samin masaya kami.

Pamilya na ang turingan namin... Magkakapatid na kami kaya gusto ko ng remembrance.... Mahal ko lahat ng parte ng section namin.

Pero kung meron akong pinaka minahal siya yun...

Scicho Jays Alonzo.

[ Ang pagbigkas po niyan ay Sigh-Chi-yo. Lol ang adik ng pangalan xD]

Pure pilipino yan kahit kakaiba ang pangalan niya.

Crush ko na siya since First year.... At isa sa dahilan kung bakit memorable ang year na ito kasi for the very first time naging classmate ko siya.... Ang kaso..

Kahit na classmate kami hindi parin kami naging close... hindi pa nga kami nagkakausap ng matagal eh.

Pagkakausapin ko kasi bigla nalang nawawla ang dila ko!

Ewan ko ba! Para ngang hindi effective ang destiny samin eh! >____<

"Hoy Feiralyn! Buhay kapa?! Unggoy po!Unggoy po!" nagulat ako ng may sumigaw sa tenga ko!

Ang shaket! >___<

"Impakta ka! Ang sakit ah!" sabi ko kay Mimi at hinampas siya sa braso.

"Aba sino ka para baliwalain ang ganda ko! Impakta ka din! Kanina pa ako satsat ng satsat dito tulaley ka naman pala!" Litanya niya at inirapan ako.

"Naku... Naku lang talaga! Pasalamat ka bestfriend kita!" sabi ko sakanya.

Yup bestfriend ko yang takas sa mental na yan.

"Ano ba yung tanong mo?"

"Sabi ko kanino ko ibibigay tapos na ako eh." sabi niya.

"Eh nasan na yung notebook? Dapat pinasa mo na sa mga boys."

Gusto ko kasi lahat ng classmates ko makasulat.. 15 boys at 15 girls lang kami.. Makapal yung notebook na binili ko para kasya lahat. Syempre ako yung first page.

Tiningnan ko yung arm chair niya wala na dun. Tiningnan ko siya.

Uh Oh!

Nakangiti siya ng kakaiba.

Tiningnan ko yung kabilang side hiwalay ang girls sa boys.. Bale girls sa right boys sa left.

Kasalukuyan niyang hawak yung notebook at tinitingnan yun nakakunot pa ang noo niya.

OH MY GOSH!

"Waaaaaa! Walanghiya ka impakta ka! Bakit dun mo binigay?!" naiinis na tanong ko kay Mimi na tawa lang ng tawa.

"Para alphabeticaly arrange.. Sakto siya ang una. Ayaw mo nun destiny." Sabi naman niya.

Kulang nalang magwala ako sa room. Ayos lang naman wala na namang teacher eh. 3 days nalang kasi closing na. Nagaayos nalang kami ng clearance.

Slum Note (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon