Claire's POV
Huehue! Akala ko.. akala ko.. WAAAH! Akala ko lang pala. Punyemes!
"Hoy bruha! Ano namang dinadrama mo?" Tanong sakin ni Tekla.
"Tekla! Huhu. Alam mo naman yung french--ay angel charming ko di ba? Akala ko mabait siya. Yun pala. Waaah! Pinagtripan niya ako kanina tapos.. tapos nakita niya yung ano ko. Yung ano..."
"Wait! Nakita niya ang maitim mong--" Napatakip siya sa bibig niya. "Bakit mo hinayaang makita niya? Bruha ka! Bakit naman yun pa? Sa rami naman ng pwedeng makita niya ang maitim mo pang *censored* ang nakita."
"Takte ka naman Tekla! Kung anu-ano pinag-iisip mo. Ang sinasabi kong nakita niya ay ang panty ko. Kainis! Ordinary panty pa naman ang suot ko galing ukay-ukay. Kung alam ko lang na ganito edi sana yung bigay ni tita saking Victoria Secret na panty ang ginamit ko. Kakahiya. Huhu." Kasi naman. Nagparamdam kasi yung panting yun na gamitin ko kaso hindi ko na lang inintindi. Sana pala pinansin ko na lang yung paramdam niya.
"Di bale friend, marami pang araw na pwede mong ipakita yan." Pagkokomfort sakin ni bakla. Mas lalo tuloy akong nalungkot. "Tara na sa classroom. Baka nandun na siya, di ba classmate natin siya?"
Oo nga pala. Kaklase ko siya *u* Yes! Magiging in relationship na rin ako sa wakas! Goodbye single life. You are so good to me but now it is time to say goodbye. Tama ba grammar ko? Parang mali eh pero who cares right? Yiee!
Habang nagkaklase kami ay biglang may 'nag-excuse me ma'am.' Pagtingin ko. Sheeet! Ang future hubby ko. Omaygad! Omaygad! As in OMAYGAD! Ang gwapo gwapo niya talaga!
Maya-maya ay pinakilala na niya yung sarili niya taspo pinaupo na siya.. SA TABI KO! Sa tingin ko hindi pa niya ako napansin. Humigad!
"Claring!" sigaw niya kaya napatingin sa amin ang mga kaklase namin, si ma'am? Wala siyang care sa amin basta nagtuturo na siya kahit walang makinig basta may sweldo siya. Lol. Emot ko lang ang totoo lahat sila napatingin sa amin maging si ma'am.
"Ah. Hehe? Sorry po sa disturb---istorbo. Ituloy na lang po natin ang lesson. He-he?" Sabi ko sabay kamot sa ulo. Enebeyen!
Nagkibit balikat sila at tinuloy na ang lesson. Pagtingin ko kay bakla, naglalaway. Yuck! Mukhang bulldog. Kay Queen naman, yuck! May kulangot siya malapit sa bibig.
"Haha. Nakakatawa ka talaga noh Claring?" Bulong niya.
"Ha-ha your face. Excuse me po pero Claring is not my name. My name is Claire." Bulong ko rin.
"Wushu! Talaga? Sa pagkakaalala ko kasi pangmatanda yung pangalan mo. Ikaw ha gusto mo pang pasosyalin."
"You know what. You're so.. ano so.. Ugh! Basta." Di ko alam ang english word nun eh.
"So annoying? O c'mmon babe. I know you're attracted to me." Bulong niya at kailangan talaga sa may tenga ko? Ano ba! Kinikilig ako eh. Nu bayan!
"So? You know. I can't understand english so please don't english me. I'm just trying hard to speak and to understand you know and one more thing I don't know the meaning of what you said." Totoo naman kasi eh. Attracted lang ang naintindihan ko at pati yun di ko alam ang meaning.
"Haha. After class lets meet. Understand?"
"Geh." Sabi ko na lang. Understand lang kasi ang naintindihan ko.
---
Nandito kami ngayon sa canteen at itong baklang kasama namin ay kanina pa ako binubugbog kesyo ang gwapo gwapo raw ng angel charming ko. Nakuu! May balak atang agawin ang future hubby ko.
"Tekla naman eh! Akin na siya kaya wag mong agawin, k?"
"Hahaha! Oo na. Bruha ka! Kung alam ko lang talaga na ganoon kagwapo yun nakuu."
"Oops! No no. He's mine."
"Wow. English yun Clarita. Improving!" -_- Pwedeng batukan ang baklang 'to? Isa lang please.
"Che! Teka Tekla, may tanong ako. May sinabi kasi sakin si Jackson kaso di ko naintindihan."
"Ano yun?"
"Teka at aalahanin ko. English kasi yun eh." Isip. Isip. "Ah. Haha. After class lets meet. Understand? Yun ang sabi niya kaso understand lang ang naintindihan ko."
"Ayokong sabihin. Secret lang."
"Ano ba yan. Sabihin mo na baka eto na yung chance para maging kami na."
"Secret. Ayokong sabihin sa'yo."
"Ang damot mo Tekla. I hate you." Nakapout na ko ngayon. Ang damot talaga ng baklang 'to. Parang sasabihin lang eh.
"Magkita raw kayo pagkatapos ng klase." Pagtingin ko sa nagsalita, si Queen.
"Naintindihan mo?" Hindi makapaniwalang tanong ni bakla.
"Oo naman. Ikaw naintindihan mo?" Tanong pabalik ni Queen kay Tekla.
"Ah. Eh. O-oo naman."
"Sus. Hindi mo naintindihan yun eh. Kaya nga may pasecret secret ka pang nalalaman. Drama mo oy."
Kaya pala ganoon. Hindi rin pala alam ni bakla pero ano raw? Magkita kami? Eh saan naman?
"Claring!" umalingawngaw ang sigaw ng lalaking yun.
"Ah. Hi?" Sabi ko.
"Diba sabi ko magkita tayo after class?" Kunot noo niyang tanong.
"Tanga ba you? Eto na nga oh. Nagkita na tayo ano pa bang hinihimutok ng butchi mo?"
"Tsk. Tara." Hinila niya ako paalis ng canteen.
Nakarating kami sa garden. Binitawan na niya yung kamay ko.
"Bakit mo ako dinala dito?" Tanong ko pero di niya ako inimik. Palapit siya ng palapit sakin.
"H-hoy! Jackson! Ano! Magsalita ka!" Sigaw ko pero hinawakan niya pareho ang braso ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
Ilang inch na lang at mahahalikan na niya ako. Infairness ang tagal niyang idampi yung labi niya sa labi ko.
"Pikit." sabi niya. Ako naman si uto-uto pumikit
Akala ko matutuloy kaso biglang...
***
Abangan...