Susundan niya dapat si Jackson nang biglang may nakabangga siyang lalaking... One word. Hot.
At dahil nga HOT. Naglalaway na si Tekla habang si Queen naman ay nakakunot ang noo. Kung hinahanap niyo si Claire, ayun kahalik ang sahig dahil sa impact ng pagkabangga niya kay kuya hot.
Ajuju. Why is this happening to me? Tanong niya kanyang sarili.
Lumapit si kuya hot kay Claire at tinulungan itong tumayo.
"Ayos ka lang ba miss?" Tanong nito.
"MAAYOS?! SA TINGIN MO BA MAAYOS AKO?!--ay anak ng.. Maayos lang ako. Alive ang kicking. He-he?" Hindi na niya naituloy pa ang pagwawala kasi nga HOT si kuya.
"Sigurado ka ba miss?" Tanong ulit ni kuya hot.
"Oo. Maayos lang ako." Sagot ni Claire.
"Talaga?" Tanong muli ni kuya hot.
Ay bingi lang? Isa pang tanong nito kung okay ako hahalikan ko na. "Oo nga. Okay lang ako." Sagot ni Claire.
"Okay. Bakit ka ba kasi tumatakbo?" Ay. Akala ko makakahalik ako ng hot. Pero oo nga, bakit ba ako tumatakbo? Ah tama.
"May hinahabol akong snail. Alam mo na, suso." Nakangiting sagot ni Claire.
Sa kabilang banda naman ay halos maging tulay na ang kilay ni Jackson dahil sa pagkunot.
Nakakita lang ng hot, nakipaglandian na? Psh. Humanda ka talaga sakin Claring ka!
Mamatay ka sa inggit Jackson. De joke, Kunot noong umalis si Jackson. Napadpad siya sa may pond. Umupo siya sa gilid.
Naiinis pa rin siya dahil sa kanyang nakita. Maya-maya'y napahawak siya sa may bulsa niya. May naramdaman siyang bilog. Dinukot niya ito at hindi siya nagkakamali. May piso sa kanyang bulsa.
Ano naman ang gagawin ko dito? Tanong niya sa kanyang sarili. Napatingin siya sa may pond.
Ting. Nakaisip ng bright idea si Jackson. Hinagis niya ang kanyang piso, pumikit at humiling. Ginawa niyang wishing well ang pond.
Alam niyo kung anong wish niya? Secret ko na yun.
Eto naman hindi mabiro. Ito ang wish niya. Wag kang kukurap.
"Sana may makita akong makapag-iinis kay Claring."
And wola!
"Ouch!" Napadilat ng wala sa oras si Jackson.
May multo ba dito? Tanong niya sa kanyang utak.
Tumingin tingin siya sa kanan at kaliwa. Sa taas, baba at likod pero wala namang tao. Isa na lang ang hindi niya tinignan. Pagharap niya.
Parang slow motion ang pag ahon ng isang babae mula sa pond. Takang taka si Jackson kasi wala naman kaninang tao.
"Ikaw ba ang nagbato ng piso?" Tanong ng babae.
"Oo."
"Masakit kaya tsaka nagsasayang ka ng pera. Ang piso mahalaga hindi dapat tinatapon basta basta. Hindi ka makakagawa ng isang daan kung walang piso." Sermon ng babae kay Jackson.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa pond?" Tanong naman ni Jackson.
"Naliligo. Ang sarap sarap ng ligo ko tapos sinira mo." Inis na sabi ng babae.
"Hindi ka ba naliligo sa bahay niyo? Tsaka hindi ako nagsasayang ng piso. Nagwish lang ako." Nakangusong sabi niya.
"Mukha kang pato. Anyways, ano bang wish mo?" Tanong ng babae at umupo sa tabi ni Jackson.
"Winish kong sana may makita akong makapag-iinis--tama! Natupad ang wish ko! Ambilis naman!" Masayang sigaw ni Jackson.
"Ano ba kasi yun?" Kunot noong tanong ng babae.
Tumayo si Jackson at walang ano anoy hinila patayo ang babae at saka tumakbo.
"Sasabihin ko mamaya. Ang mabuti pay magpalit ka muna ng damit mo. Di ka ba linalamig? Tsaka tignan mo yang buhok mo may water lily." Sabi niya habang hila hila niya ang babae.
Napairap naman ang babae at inalis ang water lily sa may buhok niya.
Nakangiting tagumpay si Jackson sa dahilang maiinis na niya si Claring.
Ako ang nagwagi. Kanta nito sa kanyang isip. Humanda ka ngayon Claring. Akala mo ha. Wahaha!
***
Abangan...