Chapter 1

41 5 0
                                    

"OMAYGAD! Teklaaa!" sigaw ng isang babae sa hallway. Lahat ng estudyanteng napapadaan ay napapatingin sa kanya.

"Ohmy! What happening is here?" Tanong ng baklang nagngangalang Tekla habang palapit ito sa babae.

"You can't believe what I saw." Sagot ng babae in dreamy tone.

"Ano nga kasi yun?"

"I saw an angel of that I'm sure. Ambrosio Esteban de Mulag Jr. III, nakita ko na ang aking french charming." sabog na sagot ng babae with matching kilig gesture pa.

Binatukan naman ito ng bakla. "Yan ang bagay sayo for telling my buong name. Ang ewww kaya girl." Napa-aray naman ang babae. "Bobita ka talaga! Anong french ang pinagsasabi mo. Malay mo espanyol yun at hindi french. Ang bobo mo friend."

"Ayy. Ganoon ba yun? Sorry ha? Nahiya naman ang brain cells ko." Umirap ang babae at napanguso.

"I understand that. I know you are bobo. Study hard, okay? So you will be like me very smart." Proud na sabi ni boy---I mean baklush.

"Clarita Magaspang! Claire Rough! Yuhoo! Hinahap ka ng guidance councilor!" sigaw ng tumatakbong babae.

"Anak ng butete! Queen naman eh. Wag mo ngang isigaw ang magas---beautiful namesung ko." Himutok ni Claire.

"Wag ka ngang mahiya. Ang ganda kaya ng name mo. Dapat maging proud ka. Tularan mo ako. I'm so proud of my whole names."

"Mahiya ka nga Queen." sabat ni Tekla. "Oo maganda ang name mo pero please, ang apelyido mo ang baho."

"Queen Tae. Ano namang mali? Wala naman akong magagawa kung hapones ang tatay ko di ba?"

"Oo na. Hoy Clarita Magaspang aka Claire, pinapatawag ka raw ng guidance councilor. Pumunta ka na dun at baka maatake sa puso ulit yun ng dahil sayo. Ano na naman ba ang ginawa mo ha?!" Sigaw ni Tekla sa kaibigan.

"Wala naman akong alam." Sagot ni Claire.

"Oh please. Alam na namin yun matagal na. Ang gusto kong malaman ay kung may ginawa ka." Paliwanag ni Tekla.

"Wala. Sige pupunta na ako para malaman." Paalam niya.

Naglakbay siya papuntang office ng guidance. Pawis na pawis siya kahit umagang-umaga pa. Lahat ng pwedeng pagpawisan ay nagpawis na. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam ang pwedeng mangyari lalo na't wala siyang alam na ginawa niyang pwedeng magpahamak sa kanya ulit.

Pagdating niya ay nanginginig niyang binuksan ang pinto. Pagbukas niya ay halos mapatumbling at mapawhat-does-the-fox-say na siya dahil nasilayan niyang muli ang kanyang french--ay mali. Unknown charming niya.

Napalunok siya. Ano kaya ang ginagawa ng anghel na 'to dito sa impyer--I mean guidance office? Tanong niya sa kanyang isipan.

***

Abangan...

Aleris AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon