Chapter 5

36 3 0
                                    

"Clarita este Claire bakit ganyan ang mukha mo? Kahapon pa ganyan ang mukha mo ah." Tanong ni Queen sa kaibigang Claire.

"Sus. Nagtaka ka pa Queen eh ganyan naman talaga mukha niyan. Ngumiti man o hindi walang pinagbago, pangit pa rin." Banat naman ni Tekla na sobra sa kagandahan. Sana ay malaman niyong may sarcasm yun.

"Kung makapagsalita naman to. Hoy Tekla! Parang hindi ka naman nahulog sa kagandahan ko. Tong baklang to! Nagkajowa lang ng porener kung makaasta parang ang ganda ganda." Puno ng hinanakit sa pagkasabi Claire. Hayaan niyo na. Nageemote eh.

"Bruha ka! Anong nahulog sa kagandahan mo? May ganda ka ba? Wala di ba? Tong babaeng to, ano bag tinira mo at nagkakaganyan ka?" Naiinis na sabi ni Tekla habang sinusuklay suklay niya ang buhok niya. Feeling kasi niya mahaba ang kayang hairlalo.

"Si Jackson kasi eh!" Maktol ni Claire at sing haba na ng tren ang nguso niya.

"Ano namang kinalaman ni pogi? Lq?" Tanong ni bakla na ngayoy nakayakap kay Queen.

"Nahalikan ako. Pakshet! Nahalikan ako!" Sigaw ni Claire.

Napabitaw naman si Tekla sa pagkakayakap kay Queen. "Are you kiddig us?! Hinalikan ka ni pogi?! Omayhopia! End of the world na ba? Bruha ka talaga!" Sabay sabunot sa buhok ni Claire.

"A-aray naman Tekla! Ano ba! Masakit! Ouch! Bakla!" Kawawang Claire. Halos makalbo na siya dahil sa sabunot ni Tekla.

"Ninakaw mo kasi ang kiss na yun bruha!"

"Gaga! Sino bag nagsabing si Jackson ang nakahalik sakin? Okay nga kung siya kaso hindi! Si frog prince!"

"Pft! WAHAHAHA! First kiss mo ang palaka? Puteeek! Ang saya nun. Wahahahahahaha!"

"Ang sama sama niyo! Bakit niyo ako ginaganito? Hindi ako ginawa ng magulang ko para tratuhin niyo ng ganito. Isa lang akong simpleng maganda sa sobra sa bait. I'm not bad. I'm super kind, very very much but why do this to me? Huhu." Emot ni Claire. Kairita noh?

"Drama neto! Ayaw mo nun. May first ka na tapos si Jackson pa ang humawak sa palaka na first kiss mo." Explain ni bakla. Guilty eh kaya kinokomfort.

"T-talaga? Pero hate ko na siya. Break na kami."

"Talaga?! Edi akin na siya." Tuwang tuwang sabi ni Tekla.

"Wait! Bibigyan ko siya ng second chance tsaka may jowa ka na. Kaya akin pa rin siya."

"Damot."

Kung hinahanap niyo si Queen, well katabi lang nila pero busy kasi sa pagnguya kaya hindi nagsasalita.

Bumalik na silang tatlo sa classroom at laking gulat nila nang makita nila si Jackson na may...

***

Abangan...

Aleris AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon