Chapter 19 'The Ones'

53 2 3
                                    

Fashionista's Pov.





         "What a great day to start a morning!" Bungad ko ng makalabas ng aking kwarto, still wearing my pantulog pajama and bunny slippers.






Pagkatapos kong mag-unat ay dumiretso na ako sa kusina para kumain na rin, pero napa-atras ako ng makita ko ang halos lahat ng roommates ko na nasa dining.





Napagunot ako.






"What na naman? May bago nanamang meeting, ano nanaman ang pinapagawa!?" I can't help but to blurt out.






Naman kasi eh, kapag kasi nagsasama-sama kami. Isa lang ang ibig sabihin n'yan. Eh, nagsasawa na ako sa mga pagmumukha nila!





Nag umpisa naman akong magtaka ng hindi naman nila ako hinarap at sinagot kahit narinig naman nila ako. I was expecting Friendly will reply me pero parang malalim rin ang iniisip nila.







Are they ignoring me!?






Nagbubusit akong pumunta sa harapan nila. Namg makita ko ang itsura nilang lahat na wala sila sa sarili, napahampas ako sa mesa na dahilan para matauhan sila.







They blinked many times at napatingin sa akin. And do you know what they ask?







"Problema mo?" Nakakabwusit lang!






"Aba't--" hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko dahil baka may masabi pa ako sa harapan nila.






I rolled my eyes at umupo nalang sa isa sa mga vacant seat sa dining kung saan malapit kay Friendly. I faced at her.






"Anong breakfast for today?"






Malikot namang napatingin ang mga mata n'ya sa baba at pinaglaruan ang dalawa n'yang mga daliri. "E-Eh, hindi pa po ako nakapagluto, eh."





Hindi ako makapaniwalang napasapo sa noo.





"What's wrong? Your not in your right senses, Friendly." Naiinis kong tanong at napatingin narin sa iba, "Ano bang problema n'yong lahat? May alam ba kayo na hindi ko alam?"





Napatingin silang lahat sa akin, 'yung tipong masama at hindi makapaniwala.






What? So, now they're copying me?




"Ano?" Hindi ko mapigilang mapatanong.






Napailing si Nerd, "I can't believe you, kahapon lang kasama ka namin."







"Ano ba? Eh, sa hindi ko alam! Just get to the point, will you!?" Mahinang sigaw ko sakan'ya.






"Sina Rhett at Snow--" napalingon naman ako sa pagbitin nung si Bully.





I raised my eyebrow, waiting for the next thing she will say. Pero, inunahan na s'ya nung lalaking mahilig sa musika-- si Suplado.






"Nag-away sila.."




Kaysa magtaka ako na milagro na nagsalita s'ya ngayon. Halos lumabas ang eyeballs ko sa aking narinig.






Ha, si Rhett at Si Snow? Mag-aaway? Ba! Milagro, ah!






"Tama nga hinala ko, kahapon pa 'yang balitang 'yan kaya nga pumunta tayong Mall. Lumilipad ba talaga 'yang utak mo?" May pagkairitang tanong nung Bully.






Campus Personalities (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon