Chapter 25 · Loony Day

54 3 0
                                    

Ruler Maker's Pov.





         Automatic akong napaupo saaking higaan ng makarinig ng pinagpupukpok na kaldero sa bandang kusina.







Napahikab naman ako at napasimangot na kinamot ang noo ko. Napasulyap ako sa wall clock.







Seven na pala. Paniguradong 'yung mga anim nanaman ang gumagawa ng ingay. Psh, kay aga-aga.







Tumayo na ako sa aking higaan at nag-unat muna ng katawan bago lumabas ng aking kwarto. Inaantok pa man ay agad kong napansin ang kwarto ni Doreimon na nasa harapan ko lamang.






Nakita ko na nakabukas ito hindi katulad dati na pinakasara-sara n'ya.






Weird. Bakit nakabukas 'to? Alam kong konti nalang ipa-padlock na n'ya ang kwarto n'ya para wala man lang may makapasok. Gan'yan 'yan kasensitive sa sarili n'ya, lahat sinisikreto.








Lumapit ako sa pintuan ng kwarto ni Doreimon at hindi nag-alinlangan na tumingin sa loob ng kan'yang kwarto. Malinis ito tulad ng dati pero kapansin pansin na wala na s'ya sa higaan n'ya.








Ba. Ang pagkakaalam ko, s'ya lagi ang huling gumigising saaming lahat. Bakit naunahan n'ya pa ata ako?







Napataas ang kilay ko sa sobrang pagtataka at isinara narin ang pintuan ng kwarto n'ya.







Nagtataka man ay tumungo na ako sa kusina para mag-almusal at may chansang maisasagot ni Doreimon ang nakapagtatakang nangyayari tungkol sakan'ya. Pero ng makarating ako sa living room, naabutan ko ang lahat na nakatingin lamang sa isang direksyon. Yung iba nga may hawak pang cellphone at parang may vini-video. Sumulpot naman si Neil na parang kinakabahan at napapakamot ang ulong nakatingin rin sa kusina.







"M-Meron ba s'ya ngayon?" Mahinang bulong ni Shaina sa katabi n'yang si Karryle na napapailing na.







"Malamang. Wala s'ya sa katinuan, eh." sagot naman ni Karryle na hindi inaalis ang tingin sa kanina pa nilang pinapanood.







Lumipat naman ang mga mata ko kina Adrian, napapatawa naman s'yang nanunuod. "Grabe, sigurado kayong s'ya 'yan?"







Tumango naman si Dustin na patuloy pa rin nagvi-video, "The one and only."







Tahimik lang na nanunuod si Max na mukhang manghangmangha naman sa nakikita. Napapangiti naman itong si Jamaica sa mga panahong napapasulyap s'ya sa bandang kusina.







Kumunot-noo akong lumapit sa lahat dahil gusto kong malaman ang kanina pa nilang pinagka-kaabalahan.







Lumapit na ako sakanila pero, hindi parin nila ako napapansin kaya kay Neil nalang ako lumapit na kanina pa abalang-abala at mukhang problemado sa kakaikot pabalik-balik.







"Bro." tawag ko at agad naman n'ya akong hinarap. S'ya nanga itong lumapit saakin.






"Bro, mabuti nalang ay gising kana. K-Kanina pa s'ya, eh."






Nu daw?






"Ha? Ano? Anong nangyayari sakanila?" Tumingin ako kina Max, "Kanina pa sila nakatingin d'yan sa kusina."







Campus Personalities (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon