Chapter 30 'Falling Inlove With Him'

17 2 0
                                    

Rule Maker's Pov.




         "May magnanakaw! May magnanakaw!"





Agad akong napabangon sa higaan at tumakbo palabas ng aking pintuan nang marinig ang sigaw ni Max.






Nang pagbukas ko nang pinto ay nadatnan ko ang lahat ng mga kaibigan namin na nasa likod ni Max na may hawak na kaldero bilang panangga at pansandok bilang sandata.






Napangiti ako nang makita na halatang bagong gising palang ang lahat. Medyo naistorbo man ng tulog pero, halos matawa nalang ako nang makita ko kung sino ang tinutukoy nila na nasa harapan nila. Nasandal nalang muna ang balikat ko sa pader at pinanood muna sila sandali.






Napatingin nalang s'ya saakin with the bored look on her face at napapailing na napacross-arms. Napangiti nalang ako.






Nang napansin na nina Maine na nasa harap parin ako at malapit sa 'magnanakaw' na tinutukoy nila ay halos hilain na nila ako papunta sa likod nila para protektahan.







"Ano pang ginagawa mo d'yan, Rhett!? Pumunta kana dito baka gawin kapang hostage nang magnanakaw na 'yan!" Tarantang tugon ni Maine.







"H'wag kang magpadala sa itsura nang magnanakaw na 'yan, Tol! Kahit maganda 'yan baka may pakay 'yan sa'yo at kunin ang kayamanan mo!" Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Adrian na dahilan para lumaki ang ngiti ko. D mn these idiots.







"At nakita pa namin s'yang lumabas sa room ni Snow! Huhuhu! 'Yung bestpren namin, what na kayang nangyari sakan'ya!?" Napaturo si Shaina sa dalagang tinutukoy nilang 'magnanakaw', "You! Anong ginawa mo to her!? Lagot ka saaking magnanakaw ka at magkakagera tayo kung bri-nuise mo man lang ang makutis at porselanang balat nang kaibigan namin!"







Snow rolled her eyes at humakbang nang isa para makalapit sakanila pero, halos kan'ya-kan'ya ang pagre-react nila at umatras nang kalayo-layo kay Doreimon.






"H'wag mong subukang lumapit, magnanakaw! Ma-uupakan kita!" Maging si Neil ay parang takot na takot sa paglapit nang pinsan n'ya kanina.







"Taena, anong klaseng panangga ang dinala mong Max Candy ka!" Sermon ni Dustin, "Wala mang makakaligtas kung may dalang shotgun 'yang magnanakaw na 'yan!"







"Ibang klase! Seriously!? Pansandok 'yang sandata mo, ibato mo 'yan sa magnanakaw maiilagan n'ya lang, eh! Isip-isip rin!" Sabat ni Jamaica na nasa gitna nang siksikan sa likod ni Max.







"Ang rami n'yong reklamo! Ako na nga itong dinala n'yo sa harap nang sapilitan, eh! Ip eniwan will die tudey, ako ang mauuna sainyo! Ginawa n'yo akong tagapagligtas n'yo eh wala man akong kaalam-alam sa fighting skills o self-dipens!" Kabang sigaw ni Max.






"Ano ba kasing kailangan mong magnanakaw ka!? Walang kaming pera! Walang kang makukuha saamin! Umalis ka rito, kundi ako makakalaban mo!"






Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Karryle at parang chini-cheer pa s'ya nang lahat. Mukhang hindi na kinaya ni Doreimon ang katangahan nang lahat kaya may plano na s'yang magsalita.







Ibubuka na sana n'ya ang bibig n'ya kasabay ang paglapit sakanila. Kaso,



"E---"






"AAHHHHHH!" Tili agad ni Maine na naging dahilan kung bakit rin tumakbo na ang lahat papuntang living room pero nakatago parin sila sa likod ni Max.







Campus Personalities (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon