Fashionista's Pov.
"Jack 'En Point! Jack 'En Point! Jack 'En Point! Jack 'Em--EHHHHHH!!? WAA!!! Nanalo ako! Nanalo ako! Whoo~!!" At, kumembot pa si Max Candy na parang sumasayaw si Jolibee.
Halos wala namang magawa itong si Neil kundi magbuntong hininga nalang at pinipigilang hindi mapamura nang malutong. Nakayuko itong lumabas nang dorm para lumabas nang paaralan at bilhin lahat ang nasa listan ni Maine. Puro pagkain at halos gulay ang nakalista doon sa listahan kaya malas nalang si Niel dahil natalo s'ya sa batayan nilang paglalaro. Hindi naman pinapayagan ni Maine ang mga babae bibili sa palengke dahil trabaho daw para sa mga lalaki ang mamili at magbuhat nang mabibigat. Pero sa hindi inaasahan, si Max at Neil lang ang naglaban dahil si Rhett, Adrian at Dustin ay wala sa dorm at may kan'ya-kan'yang gawain. Ang dalawang nakahilata lang sa kama ang natira kaya talagang malas si Neil at sobrang init pa nang klima ngayon.
Hanggang ngayon ay ang saya parin ni Max Candy dahil nanalo s'ya sa batayan nila.
"Nice, galing ko 'no? Isang apir naman para saakin!"
Hindi ko naman napansin na nasa harapan na n'ya ako at ako pala ang kausap n'ya. Pero kaysa biruin s'ya tulad nang dati, hindi ko nalang s'ya pinansin at nanood nalang nang TV sa right side nang dorm namin.
Rinig ko naman ang pag-apir n'ya sa sarili n'ya. "Palibhasa, may na-mimiss." Bulong nito at dumiretso sa kusino kung saan si Maine na naglilinis.
Namimiss? Tch, anong pinagsasabi nun?
Tahimik lang akong naka-upo sa isang mahabang upuan habang nanonood nang TV hanggang sa dumating si Karry na umupo sa tabi ko.
"Hoy, Queen. Your good at manicuring, right? I-manicure mo naman ako, oh. Napansin ko kasi na pumapangit na ang mga kuko ko sa kamay." Saad n'ya at ramdam ko ang pagtingin n'ya sa kan'yang mga daliri.
"Magpa-salon ka." Tipid kong tugon na wala man lang balak na tignan s'ya dahil nakatuon ang atensyon ko sa TV.
"Grabe, naman! Magbya-byahe at gagastos pa ako, eh, nand'yan ka nama--"
"I'm watching, you're disturbing me."
"Hoy!" Ramdam ko naman ang pagturo n'ya saakin, "Saakin line 'yun! Ako lang ang may karapatan na manuod d'yan na may sasabihin na ganu--"
"Karry, just go, okay? Hindi ko na mairinig ang pinapanood ko." Reklamo ko na naging dahilan kung bakit s'ya natahimik.
"Hoy, Shaina. Meron kaba ngayon? 'Yung period?" Dito ako napalingon sa kakaibang tanong n'ya.
I raised my eyebrow, " Why did you ask?"
"Meron ka siguro 'no? Init nang ulo mo? eh." Tumayo nalang s'ya sa pagkaka-upo sa tabi ko na napapatango, "O'sya, sige. Hahayaan muna kita dahil high-blood ka ngayon."
Hindi ko nalang rin s'ya pinansin at agad lumingon sa TV.
"Teka, meron kaba talaga?" Tanong n'ya ulit bago malapit sa likod ko.
"No, I am not on a period, okay? So, Karry, pwedi ba umalis kana." Matabang sabi ko habang napa-cross arms na. Kulit, eh.
BINABASA MO ANG
Campus Personalities (Ongoing)
Teen FictionMeeting someone was fate, becoming friends was choice, but falling inlove with each other, was beyond their control. Campus Personalities. Famous Students. That's what they are all known. They are the prideful children of Carvtine High. They don't c...