“I should not be coward in loving you because until the end, my happiness is you”
TUESDAY – 9:30 AM
Halos 3 days ko syang di nakasama. Halos 3 days akong hindi tumawa. Halos 3 days akong nagmukmok at nagisip sa kanya at halos 3 days nadin akong natatakot baka may iba na sya! Pero sino ba ako para matakot? HINDI NGA PALA KAMI!! WALA KAMING MONTHSARY , WALA KAMING ANNIVERSARY AT LALONG LALO NA WALA KAMING COMMITMENT PARA ISIPIN PA YUNG ISA’T ISA. (INLOVE NA SIGURO TALAGA AKO SA KANYA?)
NAGKITA KAMI SA FAVORITE GARDEN NAMIN / DATI AKO LANG MAY FAVORITE NITO PERO NGAYON PATI NA SYA ^^
“Mark“ tawag ko sa kanya..
“Oh. diane”
Gusto kong itanong sa kanya kung ano ba ako? Ano ba sya? At ano ba kami pero natatakot ako! Hindi ko alam ang isasagot nya.. naduduwag ako na malaman na hindi kami pareho ng nararamdaman. Wala naman kasi akong mukhang pang rampa o na kutis na pwede sa billboard sa edsa. Hindi ako prinsesa, isa lang akong simpleng dalaga. Umaasa na sana ay mahalin ng prinsepeng katulad ni mark. At dahil nga sa takot ay iniba ko na lang ang aking katanungan.
“Mukhang busy ka these past few days ah.”
“Ah! Ee-e di naman! May inasikaso lang ako”
“Alam mo ba? Mabait ka rin naman pala haha”
“Oo naman. Mabait talaga ako. Hindi ko nga alam na magiging kaybigan kita eh”
“Kaybigan lang?” bulong ko..
“Ano? Hehe..”
“ss-sabi ko wala.. sabi ko ang swerte mo at kaybigan mo ako. ”
Parating si sheena. Malayo pa lang ay tinignan na ito ni mark. Malayo pa lang ay napasimangot na
ako, nagiisip kung ano na namang panlalait ang sasabihin nya sa akin
“Oh. Sheena what are you doing here?” tanong ko sa kanya ng makalapit sya sa kinaroroonan namin
“You don’t care. We‘re not close diba? And sinusundo ko lang naman ang boyfriend ko!” sabi nya with devil smile.
Nagulat ako, nagulantang kasi akala ko ako na.. yun pala babagsak lang kay sheena. Nakakapanghina, tumalikod ako at gusto ng tumakbo paalis. Tulad ng ginagawa ko dati sa tuwing nasasaktan ako.
“Diane” tawag ni mark
Pero di ako lumingon. Di ko kayang Makita na magkahawak ang kanilang kamay. Hindi ko kayang Makita na iba ang kanyang mahal.
“Diane” ulit nya.. pero patuloy ako sa paghakbang. Mabigat ang paa ako. Lalo pa itong pinapabigat ng galit at suklam na nararamdaman ko.
“Diane. Bumalik ka nga dito! Wag kang bastos.”
Tinig ni sheena na lalong nagpainit sa akin. Lalo akong nakaramdam ng muhi sa sarili ko. Sa muling pagkakataon . bakit natalo nanaman ako?
“Kayo yung may kaylangan. Kayo yung lumapit” sagot ko sa kanila
“Ah. Talaga!!! Sigee.. ” ani ni sheena
Lumalapit na sila.. di ko maiwasang titigan ang kabuan nila.
“ayan andito na kami malapit sayo. Ang laki na ng ulo mo, tandaan mo hindi porke’t president ka na dito. Magaasta ka na na parang kung sino” dagdag ni sheena
“Babe calm down. Hayaan mo kami magusap!” sabi ni mark kay sheena.
“babe siguro we need to go. Kasi my mama told me to not talk to strangers.” Sagot ni sheena
Pero nakatingin sya sa akin
“Sheena, my mama told me to not talk to snakes. Kasi HAYOP sila,magaling mang ahas atsaka wala namang nagsasalitang AHAS diba? Maliban saaaa”
“MALIBAN KANINO???” galit na galit na tanong ni sheena.
“Babe, please wag kayo magaway” pagpigil ni mark kay sheena
“Tanong mo sa sarili mo.” Sagot ko at biglang alis
BINABASA MO ANG
My Destiny is Perfect Boyfriend
Short StoryA Girl With Dosage Of Invisible Love Lahat kayang magmahal. wala naman talagang nagsasawa pero may tumitigil kasi nasasaktan na ng sobra :( Ang buong kwento ay hindi nangyari sa tunay na buhay, ngunit ito ay hinango sa reyalidad ng may halong imahi...