DIANE 2 :The precious life of ugly duckling

484 7 0
                                    

Mga isang daang hakbang na ang nagagawa ko palayo sa classroom namin

Sa CLASSROOM namin kung saan maari akong mainlove

.  .   .   .   .   .   .   .  .   .   .   .  .   .  .   .  .  .  .Maari akong sumaya

.  .   .   .   .   .   .   .  .   .   .   .  .   .  .   .  .  .  .maaring ganahan ako lalong pumasok

.  .   .   .   .   .   .   .  .   .   .   .  .   .  .   .  .  .  .maaring magmahal ako

.  .   .   .   .   .   .   .  .   .   .   .  .   .  .   .  .  .  .at dahil doon

.  .   .   .   .   .   .   .  .   .   .   .  .   .  .   .  .  .  .maari akong masaktan!

.  .   .   .   .   .   .   .  .   .   .   .  .   .  .   .  .  .  .maari akong mapaglaruan

.  .   .   .   .   .   .   .  .   .   .   .  .   .  .   .  .  .  .maari akong umiyak

.  .   .   .   .   .   .   .  .   .   .   .  .   .  .   .  .  .  .maari akong mawalan ng pagasa para mabuhay

Ganyan naman pag inlove eh. Magpapakatanga , ang masama sa maling tao.

“He doesn’t look good. I don’t wanna fall to anybody else. I CAN LIVE EVEN WITHOUT BOYS.”

Pero honestly, nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. Kung tutuusin diba , wala naman syang ginawang masama? Baka friendly lang talaga yung tao. Baka ako lang tong nagbibigay ng meaning. Baka ako lang yung feeling. Saksakan naman kasi ako ng kaba eh.. basta para di ako madevelop sa kanya kaylangan ko syang iwasan.

I-W-A-S-A-N … yan ang tinatak ko sa isip ko simula ng araw na iyon. Simula ng araw na naramdaman ko ang kakaibang pagibig (nga ba??),

Hindi nyo pa ko kilala. Hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin ko kung bakit ayokong magmahal, kung bakit ayokong pumasok sa isang relasyon.

(TUESDAY -   NAGLALAKAD AKO PAPUNTANG MAIN BUILDING MATAPOS MAKIPAGKITA SA MGA PRESIDENT NG MGA SECTION NA HAWAK KO)

“Ms.diane these are the papers that you’ve asked me to bring.” Sambit ng PRO ko

“Ok, put it on my table and you can go, I know you have lot of things to do, Thank you.” Sagot ko rito

Hindi nga pala ako pala ngiti. Strategy ko yun to gain respect, ako pa lang ang unang babae na naging president sa school namin so ang gusto ko magiwan ng leagacy, ng name na kahit sino mang tumapak, Kikinang pa rin.

.Lakad

.Lakad

.Lakad

.

Nang makailang hakbang na ako galling sa pinto at papunta sa aking upuan. Biglang dumating si Sheena (Si sheena ay galit sa akin, aminado naman sya don. Lagi nya akong pinapahiya with her friends. Pero di ko na papakilala yung mga friends nya kasi kumbaga sa pelikula extra lang yon. AS IN!! WALANG TALENT.. ok back to the story na)

Sheena:  Hey, damn girl. Ano nanaman itong plano mo?

Me: what plan? (Kumunot ang nook o kasi hindi ko talaga alam ang issue nitong si sheena)

Sheena: You know what, simula ng mauupo ka sa pwestong yan. Ginagawa mo ng boring tong school na ito. YOU DON’T DESERVE THIS PLACE. ( Sinabi nya iyon ng halatang galit na galit)

Sheena: (Tinanggal nya ang tali ng buhok ko)

“Oh. Diane? Ano? Umalis ka na sa pwesto mo kasi whatever happens, you’re still ugly. Hindi mo parin makukuha ang atensyon. Tignan mo nga yang mukhang mo. Hindi ko alam kung saan ka pinaglihi ng nanay mo.”

Tinutulak nya ang noo ko…

Pero di ako iiyak..

Pero bakit di ako makalaban…

Nangingilid na yung luha ko, pero pilit ko itong pinipiligang bumagsak. Ayokong sayangin ang luha ko sa taong katulad nya.

.

.

.

Sheena: Diane, gusto ko sa JS PROM ako ang MUSE ng SENIOR.

Napatungo na lang ako para matapos ang usapan at umalis na din sya.

Kaloka din itong si sheena. July pa lang ngayon, JS agad ang iniisip at eto pa, pano ko masisiguradong sya ang magiging muse ng senior. Hindi naman ako ang pipili, pero for sure sya na yon..

Maganda naman sya eh. Makinis ang balat.

Tama nga naman sya, panget ako pero dapat “MAY LEGACY AKONG MAIWAN”.

Sa pagiisa ko dito sa kwadradong silid. hindi ko mapigalan ang lumuha. Ang daming tanong ang gumugulo sa aking isipan. Bakit? Ano? Sino? Di ko alam. Hindi ko maintindihan.

Bakit ayaw nila sa akin?

Bakit ayaw nila akong bigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko?

Bakit ang lakas nilang manghusga?

Teka,,

Sino nga ba ako?

Sino nga ba si Diane Garnet? May karapatan ba akong umiyak? Umayaw? Tumigil ? at magpakasaya na lang?

Ano ba ang lugar ko sa mundo? Ano ba ? ang mundong ito ba ay para sa akin? Bakit ako pinaglalaruan ng tadhana?

“Hindi ko alam ang sagot sa katanungan ko.”

“Hindi ito masasagot ng mga numero at hugis na natutunan ko sa matematika”

“Hindi ito masasagot nang mga kemikal na nakikita ko sa agham.”

“Hindi ito masasagot  ng nakaraan na natutunan ko sa sibika at kultura”

“O kahit ng, pagtatanim ko at pagtatahi sa T.L.E”

Baka naman nasa akin ang kasagutan..

Siguro kaylangan ko ng pakawalan ang sarili ko sa kulungan na mismo ako ang naglagay ng limitasyon.

TO BE CONTINUED......

My Destiny is Perfect BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon