Chapter 1

605 21 10
  • Dedicated kay Rein Irish
                                    

Tinignan ko ng mabuti ang sarili ko sa salamin .

'Lungkot'

 Iyan ang nakikita ko sa mata ko.

'Sakit'

Sakit ng nakaraan.

Di ko maiwasang maisip ang lahat. 

Parang napakasakit mag-isip ng kahit ano.

Nasasaktan ako sa maliliit na bagay.

Nalulungkot ako sa mga nakikita ko.

Na kapag tinitigan ko ang mata ko.

Nasasaktan ako

Para na kong nahulog sa mataas na gusali at nasagasaan ng isang truck. Kinaladkad ng kabayo at Gumulong gulong sa bangin at sa kasamaang palad...  Nabuhay pa

Inalis ko ang tingin ko sa sarili ko , Ang sakit sa matang tignan

Sumandal ako sa kama at tinignan ang cellphone ko.

23 missed calls

56 unread messages

Hindi ko na tiningnan ang marami dun. Puro lang naman yun mga salitang magpapagaan ng loob ko. Mas lalo ko lng kinaawaan ang sarili ko.

Isang message lng ako binasa ko. Yung galing SAKANYA.

From Keith

Sana basahin mo to. Kahit sa huling pagkakataon. Pakinggan mo ko. Unang una. Alam kong hindi sapat ang kahit anong sasabihin ko sayo. Pero maniwala ka sakin , Hindi ko ginustong masaktan ka, natakot akong sabihin sayo dahil ayokong kamuhian mo ko pero habang tumatagal pala mas masakit na. Akala ko mahal kita. Nagkamali ako. Magiging Honest ako, Hindi ko sinasadyang mahulog sakanya , akala ko kasi matutunan kitang mahalin .  Patawarin mo ko , Scarlett.

Dinelete ko na ang number niya. Tutal naman hindi ko siya mapapatawad , kakalimutan ko na lang. Nakakainsulto talaga. Matatanggap kong di niya na ko mahal. Pero Akala ko mahal kita  Masakit yun. Napakahina kong tao. Bakit nga ba hindi ko naramdaman na Hindi ako .Ganon na ba ko katanga.

 

------

Bumaba ako ng kotse at dumiretso ng classroom .Ramdam ko ang mga matang nakamasid sakin. At ang mabilis na pag iwas nilang pagbubulungan Kalat na talaga.

Lumapit agad sakin si Aliyah. "Uy ! Ayo...." 

"Hindi" pinutol ko agad ang sasabihin nya alam ko namang yun ang itatanong niya. Alam kong nakatingin lahat sakin ang mga kaklase ko pero sa ngayon wala akong balak intindihin ang kahit anong gusto nilang isipin . Tahimik na kong umupo at saktong dating ng prof.

Nakayuko ako sa buong klase ko , wala akong pake kung iniisip nilang Bastos ako . Bakit pa nila tinawag na pangalawang tahanan ang school kung bawal matulog.  Hindi naman ako iniistorbo ng mga prof . dahil alam nilang isang tawag ko lang sa mommy ko, mapapatalsik sila. 

Where My Broken Heart Lies WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon