Chapter 28

128 3 0
                                    

Dinala ko si Ethan sa bahay para gamutin ang mga sugat niya. Kinakabahan ako sa ginagawa ko . Nagtataksil na ba ako kay Kurt?

" Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko sakanya. Nakaupo siya sa sofa namin, nakapikit pero alam kong gising siya.

"Naranasan mo na bang maghintay sa wala?Yung kahit paulit ulit sasabihin ng utak mo na hindi siya darating, nagpapakatanga ka parin . Bakit? Dahil sa pesteng pagmamahal." namumugto ang mga mata niya. Nangingit ang bawat mga salitang lumalabas sakanya. 

" Sino bang hinintay mo?" nanginginig ang mga salita ko, kinakagat ko ang labi ko. Mahina ang pagkakasabi ko pero tumawa lang siya. 

" Yung bestfriend ko......................... Huminto siya sandali at tulad ng madalas kong ginagawa pumikit ako , pinipigilang maiyak, pinipigilang yakapin siya..... Iniwan niya ko e. Hinintay ko siya, sa restaurant kung san kami madalas magkita noon , tuwing birthday ko" 

Halos mabitawan ko ang hawak kong bulak sa sinabi niya. Birthday niya ngayon. Anong klaseng kaibigan ako. HIndi ko naalala.Bumalik ang tingin ko sakanya. Nakatingin siya sa kawalan, tulad ko nagpipigil din siya ng luha."Akala ko maalala niya, kaya naghintay ako hanggang gabi , hanggang maubos ung tao , hanggang magsara na ung restaurant , hindi ako umalis e, pinilit nila akong umuwi pero nagmatigas ako kaya ........ 

" TAMA NA." Sa pagkakataong to , tumulo na ang mga luha ko, bumigay na ang puso ko , niyakap ko siya, ang bestfriend ko.

" Sorry , sorry . I'm sorry Ethan" Lumuhod ako sa harapan niya. Malinaw na saakin na ako ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Habang ako nagpapakasaya , hinihintay pala ako ng isang tao. Bakit ka pa naghintay , Ethan? .

" Bakit ka pa naghintay?" pinipilit ko magsalita. Sa kabila ng pagtulo ng mga luha ko. 

"Kasi diba,kapag inlove ka daw tanga ka, kaya kahit ung pinakamaliit na bagay, pinanghahawakan ko . Yung pinagsamahan namin" sagot niya . Sana nakikilala mo ko Ethan , para sana nagpaguusapan natin to ngayon. Sa sobrang kalasingan . Bugbog . Hindi niya ko makilala.

" Uuwi na ko . Salamat miss" pinagmasdan ko siyang lumabas sa bahay ko. Mas okay na siya kesa kanina. 

Mababaliw na yata ako kakaisip sakanya. Ngayon ko lang siya nakita pero eto ako, gusto ko nanaman siyang makita. God! Para niyang hinihigop ang kalahati ng utak ko. Kanina pa ko tinetext ni Kurt , but for no reason. Wala akong sa mood magreply. 

Nadedepress na yata ako . I want to ask Ethan, kung kamusta na siya, kung nakauwi na siya. But Fuck , Who am I para tanungin siya nun. Wala akong karapatan. So naisip ko maybe, magpapalit nalang ako ng number. 

Where My Broken Heart Lies WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon