Chapter 19

230 8 8
                                    

Tumalikod ako kay Kurt ng may mabigat na kung ano sakin. Siguro nga, masakit yung sinabi ko. Pero hindi din naman madali para sakin to e. Baka sakaling pag nilayuan ko si Kurt , baka layuan na rin ni Audrey si Ethan.

Grabe kung makapagreact ako , parang mahal ko na siya.

 Habang naglalakad ako nakasalubong ko ang dalawa, Napangiti ako ng mapait kay Ethan at Audrey. Mukang hindi nga nila ako napapansin e , kaya nung muntik na silang makalagpas, huminto ako.

" Nakakaawa ka , kailangan mo pa manira ng buhay ng iba , para maging masaya. Paulit ulit kong sasabihin sayo, ANG LOVELIFE, HINIHINGI KAY GOD! HINDI INAAGAW SA IBA"  tignan ko siya ng puno ng galit na parang bang nasusuka pa ko sa pagmumuka niya. Nanginginig ang panga ko sa galit at nakakuyom ang kamao ko, maling galaw, makakasakit na ko.

*PAAAAAAAAAAAK*

Halos matumba ko sa malakas na sampal na nakuha ko kay Ethan , ito ang unang beses na sampalin nya ko at sa harap ni Audrey. Napakagat ako sa labi para pigilan ang namumuong luha sa mga mata ko , Para kong bato na hindi makagalaw, hindi ko na mapigilin pa ang luha , pero bago man ito bumagsak hinili nya na ko.

" ANO BANG PROBLEMA , SCARLETT?!" kita ko ang pagkamuhi sa mga mata ni Ethan.

" NILOLOKO KA LANG NIYA! SI KURT ANG GUSTO NYA! GINAGAWA NYA LANG TO PARA SAKTAN AKO,IWAN MO NA SIYA --" hindi ko maituloy ang sinasabi ko dahil bigla niya nalang sinipa ang bato sa tabi ko at hinarap ako.

"ANO BANG KARAPATAN MO PARA DIKTAHAN AKO! ALAM KO ANG GINAGAWA KO!NUNG MINAHAL MO SI CLYDE PINAKEALAMAN BA KITA!? NUNG MINAHAL MO SI KEITH! DINIKTAHAN BA KITA ?! DIBA SINUPORTAHAN KITA ! " Namumula ang buong mukha ni Ethan sa galit, parang hindi ko na siya kilala, parang hindi na siya ang Ethan na dati kong nakilala.

" SIGURO NGA UNFAIR AKO, PERO SINASABI KO LANG NAMAN SAYO YUNG ALAM KO E, AYAW KITANG MASAKTAN" bakas sa pagsasalita ko ang galit at pagaalala, gusto kong huminahon pero hindi ko magawa.

" BAKIT?! SA TINGIN MO BA HINDI AKO NASASAKTAN SA GINAGAWA MO?MATAGAL NA KONG NASASAKTAN ,SCARLETT. " may pait sa mga lumalabas na salita sakanya. Tumatagos sa puso ko lahat ng sinasabi niya. May gusto siyang iparating sa puso ko . 

" SORRY HA ! SORRY KUNG MASYADO AKONG PAKIELAMERA, SORRY KUNG MASYADO LANG AKO NAGAALALA PARA SAYO, SORRY KASI NAGMAMALASAKIT AKO"  Naiinis ako at nasasaktan ako na baka dahil sa pag aalala ko , sa pakikialam ko , masira lang kami.

 " BAKIT NGAYON KA LANG NAGMALASAKIT?BAKIT GANYAN KA UMARTE? ANO BA TAYO ?"  napatingin ako sa mga mata ni Ethan, naghihintay siya sa isasagot ko sakanya. Pero hindi ko alam, hindi ko alam ang tamang isasagot ko.

" Mag...mag...Kai....bigan" halos di ko mabigkas ang salitang kaibigan. Parang bumabara pa sa lalamunan ko. Pero yun lang naman talaga kami e. Magkaibigan.

" YUN NAMAN PALA. MALINAW NA MALINAW. MAGKAIBIGAN. SANA ALAM MO KUNG SAAN LUMULUGAR ANG MGA KAIBIGAN" tumalikod na siya sakin pagkatapos bitawan ang mga salitang yon ' sana pala sinampal nya nalang uli ako. Masakit pa yata sa sampal ang nakuha ko e. Baka nga wala na siyang pakialam sa opinyon ko.

Bumalik ako ng hotel ng mga bandang alas-ocho na. Naglakad pa kasi ako ng kaunti kahit basang basa parin ako. Umakyat na ko at pagpasok ko nagulat silang lahat

" MYGOD! Anung nangyare sayo! Basang basa ka!" tanong sakin ng nagaalalang si Aliyah. Para silang natataranta sakin . Umiling iling lang ako sakanila at walang sinabi.

" Saan ka ba nanggaling , kanina ka pa namin hinahanap. Di ko na matake to, kanina nalunod ka, tapos ngayon umuwi ka ng basang basa" Si chloe na may dala dalang twalya at pinupunasan ako.

Where My Broken Heart Lies WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon