Chapter 22

226 4 0
                                    

Scarlett's POV 

Palabas na kami ni Kurt ng mall nung biglang bumuhos ang ulan. Lagi nalang umuulan pag kasama ko ang lalaking to.

" DAMN! Nasira ung kotse" Sigaw ni Kurt nung makalapit kami sa kotse nya. Damn! Paano kami uuwi. May bubong pa sa parteng to kaya  hindi kami nababasa.

" Anung gagawin natin ?" tanong ko kay Kurt.

" Kailangan natin maglakad hanggang sa may masasakyan na tayo " Ohshit! Ang layo nun.

" Magpatila nalang tayo " sabi ko kay Kurt. Halos di ko na siya marinig sa lakas ng ulan .

Nagulat ako nung bigla nya kong hilain at tumakbo sa ulan. Mabilis nabasa ang damit ko.

" WTF! MABABASA TAYO!" sigaw ko sakanya pero hindi niya ko pinapansin.

" IENJOY MO NALANG ANG ULAN !" sigaw niya sakin at nagpaikot ikot sa gitna ng kalsda. Wala masyadong dumadaan dito dahil madulas na ang kalsada.

" WHOOOOO! ANG HIRAP MAGING GWAPO !"sigaw niya na parang kinakausap pa ang langit .

"HOY! PARA KANG TANGA!"sigaw ko sakanya. Nandun lang ako sulok at pinapanood ang ginagawa niya.

" SUMIGAW KA DIN! SABIHIN MO LAHAT NG GUSTO MONG SABIHIN SA ULAN!" sigaw niya sakin at pinapatuloy nanaman ang pagtingin sa langit na parang sinasalubong pa ang ulan .

" FEEL THE RAIN , SCARLETT!" sigaw nanaman niya sakin .

" RAMDAM NA RAMDAM KO NGA OH! BASANG BASA NA KO !" sagot ko sakanya at niyakap ang sarili ko. 

"SOME PEOPLE FEEL THE RAIN! OTHERS JUST GET WET! MAGKAIBA YUN! GAYAHIN MO NA KO !" Hinila niya ko sa may gitna ng kalsada .

" LET THE RAIN, WASH ALL THE PAIN!"sabi niya sakin kaya ginaya ko naman siya. Hinarap ko ang muka ko sa langit at pumikit . Humingin ako ng malalim at sinalubong ang ulan kasama ng mga kamay ko .

Ang sarap sa pakiramdam

Naalala ko kung paano ako nagbago . Kung gaano ko tignan ang langit ng masaya noon. At kung gaano ko ngayon tignan ito .Kung pano mapalitan ng luha ang mga ngiti ko.

Kung paano ko unang naramdaman ang magmahal . Kung paano ko unang naramdaman ang sakit sa puso ko. Yung sakit na naging rason kung bakit wala akong makitang masaya.

 May tumulong luha sa mga mata ko pero agad yung napawi dahil sa ulan.Napangiti ako dahil dun. Tinignan ko ang lalaki sa tabi ko. Nakapikit parin siya sa ulan. Kakaiba siya. Lumingon din siya sakin at ngumiti . 

" Salamat" sabi ko sakanya . Dahil sa maikling panahon, nakalimutan kong malungkot ako.

" Tara na , isasakay na kita . " hinawakan ko ang kamay niya at sinimulan na maging maglakas hanggang sa terminal.Medyo tumila na rin ang ulan kaya hindi na kami gaanong nahirapan.

" E ikaw, paano ka?"  tanong ko nung nakarating na kami sa terminal . 

" Babalikan ko pa yung kotse" tinignan ko siya habang pumapara siya ng taxi . Maya maya ang hinubad nya ang suot niyang T shirt  at isinuot sakin. 

" Ingat , Dairy Queen" binuksan nya ang pintuan ng taxi at kinindatan ako. Tinanaw ko siya hanggang sa makaalis ako. Then napansin ko yung rainbow.

Where My Broken Heart Lies WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon