Chapter 2

382 19 4
  • Dedicated kay Andrea Ann
                                    

Ethan's POV

~ RIIIIIIIIIIINGGGG!!!!! ~

Sinubukan kong idilat agad ang mga mata pero shit , ang sakit talaga ng ulo ko . Yumuko ako sandali para naman mahimasmasan.

~ RIIIIIIIIIIINGGGG!!!!! ~

Nagulat pa ako nung tumunog nanaman ang cellphone ko . Then dun ko lang naalala! Nasa bar pa nga pala ako. 

~Mommy Calling~

Ang sakit ng ulo. Shit naman. Sasagutin ko na sana ang cellphone ko ng nakita ko ang isang pamilyar na bracelet.

*flashback*

"Ethaaaannnnn!!!!"  Masayang sigaw ni Scarlett  sakin. Patalon talon pa! Hyper na bata talaga.

"Oh ano?" -natatawang sagot ko.

"Tignan mo oh !!!!" Tinignan ko naman ang bracelet sa kamay niya.

"Natutuwa ka dahil lang dyan sa bracelet na yan?"

"E kasi  bigay yata ng lalaking mahal ko no!"

'

lalaking mahal ko. '

'lalaking mahal ko.'

'lalaking mahal ko.'

Shit! Kahit paulit ulit ko ng naririnig sa kanya! Ang sakit sakit parin!

" Sobrang halaga sakin nito , Ethan." ngiting ngiting sabi nya sakin.

*end of the flashback*

Agad kong pinulot ang bracelet . At tumakbo. Iniwan ko na lang ang bayad . Hinihingal akong tumakbo kahit masakit ang ulo ko.

'Nasan ka na ba , Scarlett?'

Inisip ko kung gaano kahalaga sa kanya ang bracelet na 'to. Wala akong pake kahit masakit ang ulo ko. Makita ko lang siyang masaya . Kahit hindi ako ang rason. 

Kasi.....

'Mahal na mahal ko cya , kahit ang sakit sakit na.'

Tangina! Tumutulo na naman ang luha ko!'

"Martyr  na kung martyr. Bakit nagmahal lang naman ako e?"

Ang sakit sakit talaga. Naghahabol ako sa babaeng ni minsan hindi ako kayang mahalin. Na kahit pala isigaw ko sa buong mundo na mahal ko siya , hindi pa rin ako at hindi magiging ako.  Akala ko pinakamasakit na yung hindi ka mahal ng mahal mo. 

"Mas masakit palang pagmasdan ang mahal mong mahalin ang iba. Scarlett , kahit na hinahabol mo parin siya . Nandito lang ako sa likod mo, para kapag nadapa ka. Handa akong itayo ka. Para habulin ulit siya. Kahit paulit ulit pa."

Sakto namang umulan. Kasabay ng pagtulo ng luha ko. Hindi ko susukuan si Scarlett. Sisiguraduhin ko na sa pagbabalik niya , matutunan niya na kong mahalin . 

Oo narinig ko lahat ng sinabi ni Scarlett hindi ako tulog dahil......

' Gising na gising ang puso ko"

'Sana napapawi ng ulan, ang sakit ng nararamdaman ko.'

---

 Scarlett's POV

Sa huling beses, pinagmasdan ko ang kwarto ko. Alam kong babalik ako. Pero kailangan ko ng oras para sa akin. Para sa sarili ko naman.

Sumakay na ko ng taxi. Papuntang airport. Tinext ko ang mga kaibigan ko.

Pagka-send ko. In-off ko na ang cellphone ko at itinapon. Alam kong naguguluhan sila sa tinext ko pero alam ko ding maiintindihan nila ko.

Tama lang na baka nasusuffocate na ko sa sarili kong buhay. Gusto ko lang magisip, dahil natatakot ako na baka hindi ko na maayos ang lahat na baka hindi ko na matama ang mga mali na nangyari. Hindi ko mababago ang nakaraan kaya hahanapin ko muna ang sarili ko tsaka ko haharapin ang nakaraan .

"Andito na po."  saktong paghinto naman. Nagbayad at bumaba na ko.

Nagpadala si papa ng isang private plane para sakin kaya madali ako nakasakay paalis . 

 **************************

THANKS AGAIN FOR READING! Ethan on the side <3

Where My Broken Heart Lies WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon