Chapter 29

108 3 0
                                    

Scarlett's POV 

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko bukod sa masaktan. Hindi ako makagalaw pagkatapos umalis ni Kurt at  Madeleine. Alam kong hinihintay nila ang reaksyon ko. Gusto ko ngang pumikit. Baka sakaling nanaginip lang ako at hindi talaga ako Iniwan ni Kurt. Parang tanga lang kasi e. Ako yung Girlfriend pero iba yung kasama niya. 

Tumayo ako ng hindi tumitingin sa kahit kanino sakanila. Yumuko ako at naglakad paalis ng may kamay na humawak sakin. 

" Scarlett " I'm feeling the same shit again. The feeling of lost. Alam kong nababasa niya ang nasa isip ko kaya kinagat ko ang labi ko pilit na tumalikod. 

Pero bumigay ako nung hawakan niya ang balikat ko at hilain ako sa isang yakap. Nagumpisang tumulo ang mga luha. 

" Iiyak mo lang hanggang sa magsawa, mapagod, mawala yung sakit diyan sa puso mo "  Lalo yata akong naiyak nung sinabi niya yon sakin. 

" Eth...aaan,  A..ng Sa..kit. Saki..t na kasi" hinawakan niya ang buhok ko at patuloy na niyakap. 

HIndi ko alam kung gaano katagal. O gaano na kadaming luha ang lumalabas sa mga mata ko. Pero isang bagay lang alam ko .  YAKAP KO SI ETHAN.

 HIndi ko alam kung bakit pa ako sinasamahan ni Ethan. Kung bakit nanatili pa siya sa tabi ko. Pero bakit ganito. Bakit pakiramdam ko kailangan ko kausapin si Kurt.

" Salamat , Ethan "  kumalas ako sa pagkakayakap kay Ethan. May parte nasaakin na iniwasang mas mapalapit pa sakanya. Ayoko siyang maging shoulder to cry on. Ayokong isipin niya na ganun lang siya sa buhay ko. At isa pa, ayokong magduda si Kurt

" Scarlett" hinawakan ako ni Ethan sa balikat bago pa man ako makaalis. 

Lumingon ako ng bahagya sakanya.

" Bumalik na tayo tulad ng DATI" Alam ko sa sarili kong dadating kami sa puntong ganito. Unti unti siyang lumapit sakin pero humahakbang ako palayo sakanya. 

" Kasi MAHAL KITA" mahina pero malinaw na malinaw ang pagkakasabi niya. Diretso ang pagkakatingin niya sa mga mata ko. 

"Ethan.." halos hindi ako makapagsalita sakanya. halos di ko mabuka ung bibig ko. Pakiramdam ko natutuyuan ako ng laway. Humingi ako ng malalalim . " Layuan mo na ako " tsaka ko nasabi ang isang mabigat na salita .

" Shit! Shit! Tangina Scarlett , ang sakit sakit " nakagat ko ang labi ko nung nagsimula siyang magsalita. " Nilayuan na nga kita diba!? Diba pinilit ko na nga na magbago, pero bakit ganun ha, DI KO NA ALAM GAGAWIN KO SA PESTE KONG NARARAMDAMAN! Paulit ulit nalang kitang minamahal, paulit na ulit nalang , ang sakit sakit na"  kitang kita ko sa muka niya yung sakit ng nararamdaman niya. Yung bawat luha sa mga mata niya. Hinawakan niya ko sa balikat habang inaalog ang buong katawan ko na parang pilit siyang humihingi ng sagot sakin . Humigpit ang hawak niya sakin pakiramdam ko magpapasa ung balikat ko. 

Where My Broken Heart Lies WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon