Chapter 18

230 6 0
  • Dedicated kay Carl Vincent Eusebio
                                    

" SCARLETT"  Isang pamilyar na boses ang gumising sa sakin . Sa isang masamang panaginip . Sana nga panaginip nalang . 

"KU...RT " Napayakap ako kay Kurt nung makita ko siya. Tumutulo ang mga luha na kanina ko pa gustong ilabas. Bawat luhang lumalabas sakin, puno ng emosyon, puno ng sakit , puno ng hinagpis , puno ng kalungkutan . 

" Nagugutom ka ba,  naghanda ako ng sopas" pinilit kong ngumiti kay Kurt . Nagpapasalamat parin ako at nandyan lang siya sa tabi ko. 

" Bakit mo pa ko binuhay ?" tanong ko kay Kurt. Dahil aaminin ko sa sitwasyon yon . Gusto ko nalang naman mamatay e.

" Kumain ka na , tapos magpahinga ka na " nagiwas ng tingin saakin si Kurt at lumabas ng kwarto. 

Nagising ako ng makaramdam na bigat sa may paanan ng kama. Ramdam ko may umupo sa doon. Gusto kong ibukas ang mga mata ko para malaman kung sino yon' ng bigla siyang magsalita.

" Bakit kailangan maging kaibigan pa kita , bakit kailangan hanggang dun lang. Kulang ba ko?" naistatwa ako sa mga sinabi niya. Sumusikip ang dibdib ko. Nagiinit ang mata ko.

" Bakit kahit ginawa ko na lahat , kasama kita, nakikita kita , nagagawa ko lahat ng gusto ko , pero ang sakit isipin na hanggang dun lang yon'"

" hanggang kaibigan lang. Konti nalang. Im giving up, Scarlett" kaunting katahimikan ang bumalot saamin dalawa at narinig ko ang pagsara ng pinto.  Fuck it . Bakit ko kailangan marinig . Bakit ko kailangan masaktan . Bakit siya sumusuko sakin . Pabigat na ba ko . 

Binuksan ko na ang mga mata ko at tumingin sa pintuang nilabasan ni Ethan. Why do we have to end up this way . Eto yung iniiwasan ko sa lahat . Yung mawala ko siya sa tabi ko.

Kailangan ko siyang kausapin. Tumayo ako at nagbihis ng damit bago ako lumabas. Pero pag bukas ko ng pinto.

" Audrey ?" Ngumiti lang siya sakin na para bang nangiinis, gusto ko man siya patulan at wala ako sa wisyo. Maglalakad na sana ako ng hawakan nya ang braso ko. Nakaramdam ako ng matinding sakit sa parteng iyon' Hindi ko namalayang may pasa pala ako.

" Ayoko ng away , Please" sagot ko sakanya at binawi ang braso ko pero mas diniinan nya pa yon kaya napangiwi ako sa sakit.

"Kahit ipakita ko to" nanlaki ang mata ko sa hawak ni Audrey. Bakit .

" Akin na yan !" abot ko sa bagay na hawak ni Audrey. Naiinis ako . wala akong lakas. Pero mas itinaas nya ang picture na hawak nya.

" Bakit , natatakot ka ba na makita ni Ethan?" pakiramdam ko ay kinukuryente ako sa mga sinabi ni Audrey. Hindi pwede. Hindi.

" Bakit ,pag pinakita mo ba yan kay Ethan, akala mo ba mamahalin ka niya! HINDI" hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng loob ko para sabihin kay Audrey yon' Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng muka niya.

" Talaga lang ha . E paano mo ieexplain ang nangyari kanina . Pinili nya ko at hind ikaw diba?" namumutla ako para may kung anong sumampal sakin . Right! Bakit ko pa nga pinaglalaban to. Tangina.

" Akin na!" Pinilit ko paring abutin ang hawak ni Audrey pero mas lalo niya lang itong itinaas. Tumingkayad ako ng kaunti para mas maabot ko ng biglang may kamay na kumuka sa litrato.

Napatingin ako sa taong yon' Hindi maari. Nakita kong kumuyom ang mga kamao niya sa nakitang picture. Parang may kung anong nagwawala sa lakas ng tibok ng puso ko . Ayokong makita . Ayokong makita ang reaksyon niya sa litrato namin ni Kurt na naghahalikan.

Tumango ako para tignan ang ekspresyon ni Ethan. Pero wala  Blanko. Hindi ko mabasa. Nawalan ako ng pagasa nung ibato niya sakin ang litrato at umalis. Halos lumubog ako sa kinatatayuan. Gusto kong umiyak . Gusto ko magwala . Gusto kong tawagin siya . Pero wala akong lakas. 

Wala ako sa sariling naglalakad sa may gilid nang dagat. Para akong zombie. Walang naririnig. Walang pakialam. Namamanhid ako. At ang tanging bumubuhay sakin ay ang paghinga ko. Pakiramdam ko nga hindi na tumitibok ang puso ko e. Mas madalas nga yatang umiyak ang puso ko kesa tumibok.

Hindi nga mawala sa isip ko kung bakit iniiwan ako . Dapat nga sanay na ko sa ganitong sakit e . Yung naiiwan.

Napahinto ako ng may marinig ako sa may gilid ng malaking bato. Nagtago ako para hindi mahalata na nandito ako at nagawa ang bagay na pagsisihan ko, dahil sa pagsilip ko, 

Ang naghahalikan na si Audrey at Ethan

Kung kanina  umiiyak ang puso ko , ngayon nagdudurugo. Humihikbi. Tumakbo ako palayo sa parteng yon'  . Tumigil ako sandali dahil hiningal na ko pero nasakagitnaan pala ako kaya tumakbo pa uli ako . Nagsimulang pumatak ang ulan lumalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang bumabagsak sa mga mata ko kaya naman napadapa nalang ako at mas lalong naiyak. 

" Scarlett" isang kamay ang humawak sa mga braso ko at nang mapatango ako , may hawak siyang payong . Para saan pa , e basa narin naman ako.

Itinayo nya ko sa pagkakadapa at niyakap ako ng mahigpit .  Nagulat ako nung itapon niya ang payong at nabasa na kaming dalawa. Bakit ba lagi niyang kong nakikita sa ganitong sitwasyon. Walang nagsasalita. Wala umiimik at walang humihiwalay saamin dalawa. 

Pakiramdam ko safe ako sa mga yakap niya. Para na nyang hinihigop ung sakit ng nararamdaman ko . Ganun lang kami ng ilang minuto tsaka na siya humiwalay. Pinahidan nya ang mga luha sa pisngi ko at kasabay nun ang paghinto ng ulan at paglabas ng rainbow. 

COINCIDENCE.

Hindi parin siya nagsasalita pero ang mga mata niya may binubulong sa puso ko. Tumingin ako sa langit , napakaganda talaga ng rainbow.

" Do you like the rainbow?" Tumango lang ako kay Kurt. He's really something. Minsan ang sungit niya. Minsan ang kulit niya lang.

" If you admire the rainbow after the rain , Why don't you love after the pain ?" Bakit lagi siyang may ganitong linya kapag naglulungkot ako. Tinignan ko siyang mabuti.

" Masasaktan lang ako " Yun ang lagi kong katuwiran. Ayoko na kasing masaktan.

" Don't you trust me? Do you?" Nagiging bitter ako kapag nasa usapan ang trust.

" Are you flirting with me , or your like this to everyone?" straight to the point kong tanong sakanya. Nakita kong napaiwas siya ng tingin sakin. Nasaktan siya sa sinabi ko.  I knew it.

" Don't you trust me?" Hindi nya sinagot ang tanong ko. Instead , tinanong nya uli ako. Napatingin ako sa mga mata niya. Bumuntong hiningi ako at sumagot . 

 .

" I don't trust you "

 ----

Where My Broken Heart Lies WaitingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon