"Oo nga pala... hindi nga pala tayo...
Hanggang dito na lang ako
Nangangarap na mapasayo
Hindi sinasadya na hanapin pa ang lugar ko....
Asan nga ba ako?
andyan pa ba sa'yo?
nahihilo! nalilito
Asan ba ako sayo?
asan ba 'ko sayo...."
PAK!!!! " Aray naman Rose, makabatok ka naman wagas,kita mong nag-e-emote yung tao eh" hinahaplos ko pa yung batok ko. Kaasar!!!
"Hoy babaita ka tumigil ka nga sa pag-e-emote dyan, nakakarindi na yang boses mo pati yang kanta, paulit-ulit, NAKAKASAWA!!!" sermon ni Rose sa akin. Tong bestfriend ko na to parang palaging nireregla sa kasungitan.
"Maano'y magkalovelife ka na kasi para di ka nagsusungit dyan. tss!!!"
"Makapagsalita,Ba't kayo na ba??"
"Nako wish ko lang mapansin na ako niyang batong yan"
"Hay tara na nga lang sa E-Lab ng makapag FB"
Then wisiinggg... Nag E-Lab na nga kami...
Bago ang lahat.. Ako nga pala si Marion Rodriguez isa lang akong nerd dito, ewan ko lang kung paano maidedescribe yung pagmumukha ko pinaglihi ata ako sa almuranas eh hahaha... Ano ba yan. 4th year college na pala kami ni Rose Mae Mendoza my one and only BFF mula highschool. We're taking Bachelor in Secondary Education Major in English.. Weh di nga??? English alaga?? Hay sa totoo lang pasang awa lang ako palagi dyan eh basta ang mahalaga pumasa, Di naman ako iskolar ng kung ano-anong ekla-eklabush dyan, scholar naman kasi ako ng mga magulang ko kaya no maintaining grade.. Eh di ang saya!!! Oh siya tama na yan lovelife na agad ng makarami... Bwahahahaha!!!!
BINABASA MO ANG
PWEDENG TAYO NA LANG?
Teen FictionMahal kita ... Mahal ka din niya.. Sinong mahal mo? Pwedeng tayo na lang?