Part 11

123 8 0
                                    

Rose POV

Sa wakas meron na akong pov.

Wag na kayong magalit sa akin I just love him since we were child.

yes kababata ko siya kaya dito ko ginustong magcollege kasi nalaman ko na dito niya piniling mag-aral sabi ni tita.

Mula pasukan ng first year yun ako palihim na sinusundan siya. I always see him staring at my bestfriend. nasasaktan ako dahil dun.

Alam ko na hanggang ngayon magkababata lang kami. Pero nung second semester nung 1st year kami bigla na lang sinabi sa akin ni Marion na crush na nya si Kriezler.

I know na may pag-asa siya. I am maybe a bitch kasi mula nn dinown ko talaa yung hope ups niya minsan nga sinisiraan na din para mawala pagkacrush niya.

Kinakailangan kong araw-araw magsungit sa kanya pero kahit na ganun mahal na mahal ko pa rin si Marion.

nakita ko kung paano nila hangaan ang isa't-isa. Para akong patay na nanunuod sa kanila.

Kung di ko lang talaga mahal si Kriezler baka tulungan ko pa sila ah pero hindi eh, selfish na kung selfish pero 16 years aba minus 20 equals 4 years old nung naglandi ako hehehehe, kasi naman kinikimkim kong napakatagal na panahon yung nararamdaman ko.

Nung nakita ko na inuumpisahan na ni Kriezler na ligawan si Marion gumuho na mundo ko.

Every scene nila ay every night umiiiyak naman ako, sobrang sakit eh.

Ako na matagal na niyang kilala di pa niya nagawang mahalin samantalang si Marion saglit lang sobra-sobra na at ang masaklap pa sa bestfriend ko pa talaga.

Oo I watched them every scene di lang nila ako napapansin dahil they have their own world pagmagkasama sila.

Nung sinabi ni Marion na sila na, I already know it. I try naman na magpaubaya kaya nga nagbubusyhan ako and worst magkwekwento pa si marion sa akin 'bout them and it's ripping my heart apart kaya di ko na nakayanan at nasabi ko na make him fall in love with me.

Napakasama ko. di ko naman siya pinipilit nung sinabi ko yun dahil alam kong mahal na mahal niya ito pero nagulat ako nung nakita kong lumuluhod na si Kriezler sa kanya pleading her hopelessly.

Alam mo yung masakit? yung nakita mo na yung taong mahal mo ay nasasaktan at ang mismong dahilan nito ay ikaw mismo.. naawa ako at the same time nasasaktan.

Nakita kong napalingon si Marion sa akin from 2nd floor ng building namin and I was crying dahil nakita ko yung paghihirap nilang dalawa. tumakbo ako sa baba nun para ayusin din sila pero it's too late

"Please Kriezler don't make it hard for me. I'm ripping out" pagkasabi ni Marion yun saka siya tumakbo lumapit naman ako kay Kriezler "Kriezler"

"Bakit?? Bakit? Bakit? Gusto ko ng mamatay Rose. Wala na sya." Humahagulgol na sabi niya

Nasasaktan ako noon. Everyday sinasamahan ko na siya gusto ko silang pag-ayusin pero nasasaktan ako saka di na kumilos tong si Kriezler kaya ang ginawa ko na alang patawanin siya sa mga katangahan ko kunwari at mga jokes , tumatawa naman siya pero di abot sa mga mata niya.

Pinagtyagaan ko siya hanggang two days before our garaduation/ I was surprised pinapapunta ako ni Kriezler sa may park/ I was shock sa nakita ko.. White roses around hi, then hinila niya ako dun sa carpet sa gitna ng mga roses lumuhod siya tapos may nilabas siyang singsing.

"Rose Mae Mendoza, can you take care of me for the rest of my life"

Napalundag ako then I said yes yumakap ako sa kanya ganun din naman siya. masayang masaya ako ng araw na iyon.

sino ba naman ang hindi di ba? then everything went smoothly hannngang graduation namin..

Kriezler POV

I made a simple surprise for Rose at the park. Gagawin ko yung sinabi ni Marion sa akin kaya naman magpropropose na ako kay Rose. While I'm asking Rose

"Rose Mae mendoza, can you take care of me for the rest of my life" She said yes.

Kitang kita ko yung kasiyahan niya.

I was shocked ng niyakap niya ako ng nakita ko si Marion about 50 meters away from us. She cries then run.

Gusto ko siyang habulin at sabihin hindi ito totoo pero napaisip akong mahihirapan na naman siya dahil sa mas mahalaga ang kaibigan niya sa kaniya kaya nanatili na lang ako kay Rose.

Marion POV

Papunta ako ngayon sa park para magpahangin dahil sa past few days eh napakahirap huminga pag nakikita ko yung dalawang magkasama saka 2 days na lang graduation na namin.

Pagkaliko ko nakita ko si Kriezler at Rose. Inioffer ni Kriezler yung singsing

For pete's sake narinig ko yung proposal niya ...napaluha na lang ako na nakatulala ng di ko namalayan.

Tinitigan niya ako habang kayakap niya si Rose so I ran away.

Ang sakit talaga.

PWEDENG TAYO NA LANG?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon