2nd

28 1 0
                                    

"Colin! May bisita ka sa baba. Si Jake." Manang said as I opened the door.

Kilala nadin naman nila si Jake dahil minsan nadin itong nakapunta dito sa amin.

"Okay po, manang. Pakisabi po, pababa na'ko." Tumango si manang at umalis na.

Kinuha ko na yung sling bag ko at madaling bumaba. I don't want Jake to wait too long. Nakakahiya.

"Hi, Colin!" Bati nya kaagad sakin nang makita nya 'kong pababa sa hagdan. I smiled.

"Hi, Jake! Let's go?" Aya ko sa kanya. Tumango naman sya at tumayo na mula sa pagkakaupo nya sa sofa.

"Manang, please tell mom and dad na umalis na'ko. Thank you!" I waved at manang. Nagpaalam nadin naman si Jake kay manang at lumabas na kami.

"So, where are we going to eat?" I asked. Mabilis nya 'kong tiningnan at muling ibinalik ang tingin sa kalsada.

"I made a reservation at Trina's. Is it fine with you?" I nodded.

"Of course, Jake." I smiled, he smiled back.

Mabilis lang kaming nakarating sa Trina's. Pinagbuksan nya 'ko ng pinto. I smiled.

He's really a gentleman. Di tulad ni Cloud, tss.

Why am I even thinking of him? Hindi naman sya ang kasama ko.

Pero pinagbubukas nya rin naman ako ng pinto.

"Hey, you okay?" Jake asked. Nagulat ako.

'Y-yeah. Let's go." I answered. Tumango sya at sabay na kaming naglakad papasok sa Trina's. Humawak sya sa bewang ko. Damn, bigla kong nakita yung malulungkot na mata ni Cloud na nakatingin sakin.

Napapikit ako ng mariin at pilit na ngumiti ng tiningnan ako ni Jake. Umupo na kami at nag-order.

"Kumusta yung quiz sa History?" Jake asked me habang naghihintay sa pagkain namin. Umayos ako ng upo bago sumagot.

"Okay naman. May limang mali but it's fine. Di ko kasi na-review yung iba." Napangiti sya.

"Nice, I know you can pass that. Ikaw pa ba." Ngiting ngiti nyang salita. Napangiti din ako.

"Thanks. Ikaw, kumusta araw mo? Bat absent ka kanina?" I asked him too.

"Sinundo namin mga pinsan namin sa airport. Sorry, nalimutan kong mag-text." He apologized.

"No, it's fine. You don't have to." I laughed awkwardly. Hindi naman kasi ako manhid para hindi maramdaman yung gusto nyang iparamdam sakin.

He just smiled, sakto namang dumating na yung order namin.

"Let's eat." He smiled, I just nodded and smiled back.

Nagsimula na kaming kumain habang nagkekwentuhan parin.

"Anong plano mo pagka-graduate?" He asked me. Napaangat ako ng tingin sa kanya.

"Hmm. I am planning to travel muna bago mag-work. Gusto ko munang mag-enjoy pa." I smiled. Napatango tango naman sya.

"I was actually planning that, too. Maybe we can travel together sometimes." He  said. I nodded.

"Yeah, sure! I would love to travel with you." Sabi ko. Napaiwas naman sya ng tingin habang medyo namumula. Hinampas ko nga yung kamay.

"Wag ka nga! Hindi ako nagco-confess dito!" Tumawa ulit ako. Ngumiti lang naman sya at pinisil yung kamay ko. I smiled again.

We continued chatting when we decided to go home since it's already 9 pm.

And of course, hinatid nya 'ko.

"Thank you, Jake. Ingat ka pauwi, ha?" Nginitian ko sya. Nagulat ako ng bigla syang yumakap sakin.

"Thank you din. I'm so happy." Kitang kita sa mata nya yung saya.

"Ako din. Sige na. Ingat ka." Kumalas na'ko sa yakap. Tumango tango naman sya at bumalik na sa kotse nya at umalis.

"Tss." Nagulat ako ng may bigla akong narinig sa likuran ko.

"Cloud!" Gulat na sabi ko. Tumaas ang kilay nya.

"Gulat na gulat? Bakit, may ginawa kang kasalanan?" Nakataas kilay paring tanong nya. Inirapan ko naman sya kaagad.

"Kapal talaga ng mukha mo." Sabi ko lang at naglakad na papasok sa bahay nang hilahin nya 'ko.

"Sumagot ka nga ng maayos. Tinatanong kita, diba?" Wow! Ang sungit!

"'Di ko obligasyong sagutin ka at tsaka pwede bang pumasok na muna tayo? Ang lamok dito sa labas no!" Iritang sagot ko. Syempre may garden dito natural lang na dumami ang lamok dahil sa mga halaman.

Tiningnan nya naman ako mula ulo hanggang paa.

"Paano! Ang iksi iksi ng suot mo! Don't you know how to wear pants, huh? At bakit kailangan naka-off shoulder? Ang lamig lamig ngayon tas ganyan suot mo! Gusto mo bang magkasakit?!" Sigaw nya sakin. Napanganga naman ako.

"Possessive jerk!" Inirapan ko sya at tinalikuran. Mabilis akong naglakad papasok ng bahay, alam kong kasunod ko sya. Di yan uuwi ng magka-galit kami.

Naabutan ko sila Mom, Dad at Kuya na nasa sala, nanunuod ng news. I smiled at them at tsaka ko sila nilapitan para halikan.

"Where have you been? Kanina pa dito si Cloud." Kuya asked, medyo masungit. Ayaw kasi nyan na lumalabas ako kasama ng ibang lalaki bukod sa kanila nila Cloud, Kuya Bryce at Kuya Sky.

"Kuya, I just had dinner with Jake. Nagpaalam naman po ako kila mom and dad." Napataas sya ng kilay sa sinabi ko.

"Sa akin, bakit hindi ka nagpaalam?" Napalunok ako sa tanong nya.

"Caleb, hayaan mo nalang si Colin. Nag-dinner lang naman sila ni Jake." Mom said. Napatango din naman ng kaunti si dad.

Nakita kong pinaupo ni Kuya si Cloud sa tabi nya. Tumitig lang naman sya sakin.

Umupo naman ako sa tabi ni dad.

"Kuya naman, dinner lang yon. Tsaka kaya ako hindi nagpaalam kasi alam 'kong 'di ka papayag." Napatungo ako. Ayoko talaga ng nagagalit si kuya sakin. Sobrang close kasi namin kaya di ako sanay na sinusungitan nya 'ko.

"Alam mo naman palang 'di ako papayag, pero umaalis ka parin." Napanguso ako at hindi nalang sumagot.

"Cloud, tara sa bar. Inaya ko na sila." Aya nya naman bigla kay Cloud. Tumango lang ito sa kanya at tumingin ulit sakin na parang nagpapaalam.

I just smiled and nodded.

"Mom, Dad, akyat na po ako, ha? Goodnight!" I kissed them again. Tumitig naman ako kay kuya at nabigla nang tumayo sya at niyakap ako.

"Goodnight, baby." Hinalikan nya ako sa ulo. I smiled, di ako matitiis ni kuya.

"Goodnight, kuya. I'm sorry." Tumango naman sya sakin. Nakita kong umakyat nadin sila mom at dad.

Napabaling naman ako kay Cloud na nakaupo parin ngayon at nakatingin lang sa amin ni kuya.

I smiled at him.

"Ingat kayo. Enjoy." Tumango sya. Ang cold nya. Galit nga.

"Tara na, kuya." Aya nya kay kuya at tumayo nadin. Tumango si kuya sa kanya.

"Umakyat kana, Colin. Don't text that Jake, okay? Aalis na kami." Paalam nya.

"Okay po. Ingat." I kissed his cheek.

Napatitig nalang ako sa likod ni Cloud nang magsimula na silang lumakad paalis.

I sighed.

I shouldn't feel this way. Gusto ko syang habulin at mag-sorry nalang kasi hindi ako nakinig sa kanya. But no, I won't do that. Wala naman kaming ginawang masama ni Jake and besides, he's just my friend.

Pero galit si kuya. Baka palayuin na'ko non kay Jake. Ewan ko ba 'don kung bakit ang laki ng galit kay Jake.

Nakakalungkot lang din isipin na natiis ako ni Cloud. Natiis nya 'kong di kausapin. Natiis nyang umalis nang hindi kami nagkakaayos.

This is the first time he did it. And I just can't accept it.

Profound FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon