3rd

18 1 0
                                    

"Hey, Cloud! Cheer up! Di naman yun papatulan ng kapatid ko." Kuya Caleb said pero nakatutok sa phone nya. Malamang ka-text si Ate Alexandria.

"Tss. Kuya di ko pwedeng pabayaan na palagi syang sumasama sa lalaking 'yon. Ayokong maagaw sya sakin." Nakatungong sagot ko.

"Hindi sya maaagaw sayo kung hindi mo sya ipapaagaw. Pero hindi rin sya maaagaw sayo kung hindi mo pa naman sya pag-aari. Kaya make a move!" Sabi naman ni Kuya Sky, my brother.

Nalungkot naman ako sa sinabi nya. Alam ko kasing totoo 'yon. Hindi parin sya sakin kahit lagi kong sinasabi 'yon, kahit 'yon ang gusto kong paniwalaan. Kasi hindi naman sya pumapayag, kasi hindi sya naniniwala sakin.

"How can she be mine kung hindi naman sya naniniwala sakin? Ginagawa nya lang biro lahat ng ginagawa at sinasabi ko sa kanya." Ugh! This is frustrating! Hindi ko na alam paano sya paniniwalain na mahal ko sya, na totoo lahat 'to. Walang halong biro.

"Talk to her seriously? Baka naman kasi ikaw yung dinadaan sa biro yung mga sinasabi. That won't work." Sabi naman ngayon ni Kuya Bryce.

Napaisip ako at napatitig sa kanilang tatlo. Pare parehas silang may hawak na cellphone at nakatutok don. Halatang may ka-text.

Malamang! Pare parehas silang may girlfriend eh. Tsk! Nakakainggit naman. I wish I could text my Colin, too. Damn, I'd love to have sweet conversations with her.
Just the thought of it can easily make me shiver.

"Uwi na tayo ng 11. We have work for tomorrow at ikaw naman, Cloud. May pasok ka pa bukas." Tumango lang ako sa sinabi ni Kuya Sky.

Andito nga pala kami sa Starlight Bar. I dunno why we went here nang hindi kasama sila Colin and sila ate.

"Ano ba kasing pinunta natin dito, kuya?" Tanong ko na.

"Para sayo. Kailangan ma-divert ng atensyon mo. Alam ko namang 'di mo nagustuhan yung nakita mo kanina." He's referring to Colin and Jake. Damn! Talagang ayoko nung nakita ko kanina. Kung pwede lang na basagin ko yung mukha ni Jake kanina, ginawa ko na pero ayokong mas bigyan pa ng dahilan si Colin para mas magalit sya sa akin.

I know she's angry kaya nga medyo nagulat ako kanina nung nginitian nya ako at kinausap.

10:45 pm when we decided to go home. Lumabas na kami ng VIP Room at dumiretso na kaagad sa parking lot. Halos 'di ko na nga pansinin yung mga kakilala kong nakakasubong namin.

I just wanna go home. I'm getting tipsy. Ayokong umuwi ng lasing, patay ako kay Colin kapag nalaman nya. Napangiti ako, she's like my girlfriend. I love that idea!

I started driving. Nakapagpaalam nadin ako kila kuya. Pare parehas naman kaming may dalang kotse.

I decided to call Colin habang nagddrive. 'Di na'ko makatiis. I miss her so bad.

Sinagot nya yung tawag sa pangatlong ring.

"Hello, Cloud?" Medyo mahina nyang sagot. Napakunot noo ako lalo na nang may magsalitang lalaki.

"Who's that?" I asked.

"Ah, si kuya lang. Kuya, naman. It's just Cloud." Sagot nya naman.

"Totoo? Parinig nga?" I heared Colin tsked, napatawa ako.

"Hello, Cloud?" Si kuya na.

"Yes, kuya?" I heared him chuckled.

"Ikaw nga talaga. Akala ko si Jake na naman eh. O sige na. Bye." Paalam ni kuya. Napakunot noo ako sa sinabi nyang 'si Jake na naman'. Does that mean na tumatawag din yun kay Colin? Tsk.

"Asan ka pala?" Biglang tanong ni Colin.

"I'm driving, baby." Medyo kinakabahan na sagot ko. Mapapagalitan ako nyan eh.

"What? Eh bakit ka tumawag sakin? Tsaka bakit ang tagal mo, samantalang si kuya andito na sa bahay." Napangiti ako sa tanong nya. Nag-aalala ba sya?

"May dinaanan lang ako, baby. Sige na, andito na'ko sa bahay. You should sleep too. Goodnight! See you tomorrow, baby ko." Malambing na sagot ko.

"Tsk. Sige na. Goodnight, bye!" She answered and ended the call.

Bumaba na'ko ng kotse ko at pumasok sa loob ng bahay. Naabutan ko pa nga si Kuya Sky sa kusina.

"Oh, bakit ang tagal mo naman ata, Cloud?" Tanong nya sakin.

"May dinaanan lang ako, Kuya." I answered. Napatango sya.

"Ano?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Si Katherine kasi nangungulit kanina. Tawag ng tawag kaya binalikan ko muna saglit sa bar. Kinausap ko lang at hinatid." I explained. Tumango tango sya.

"Alam ni Colin?" He asked. Mabilis akong napailing. He smirked.

"Patay ka kapag nalaman nya. Lalo na kung kay Katherine nya pa malalaman. Ikaw na mismo magsabi."

"'Di ko naman na dapat sabihin yon kasi wala namang ibig sabihin yung pagpunta ko 'don." I answered. Napailing sya.

"She should know. Kung gusto mong makuha ang tiwala nya, you should be honest with her. Kahit maliliit na bagay, kahit wala syang pake, sabihin mo parin." He smiled at me. I smiled back.

"Okay, kuya. Thank you. I'll tell her tomorrow." Tinapik nya naman ako sa balikat at sabay na kaming umakyat papunta sa mga kwarto namin.

I texted Colin nang matapos akong maglinis ng katawan. Sana 'di pa sya tulog.

Good night, baby :)

Humiga lang ako sa kama habang naghihintay ng reply nya.

Good night, Cloud :P

Tss. Pang-asar talaga. Hindi nya ba ko kayang tawaging 'baby'? Tsk. Para namang hindi nya 'ko tinatawag nyan noon.

Can I call?

I texted her again. Damn it! I can't help but to call her. Gusto kong marinig yung boses nya bago ako matulog. I always do this, madalas nga ay tinutulugan nya na'ko.

No.

She answered but of course, di ko sinunod. I badly wanna call her. Kahit magalit pa sya basta marinig ko yung boses nya.

I dialed her number. Hindi nya sinagot. I texted her again

Baby, please pick up the phone. This won't take long. I just wanna hear your voice. Please :(

After that, I called her again. Finally, sumagot din!

"Hi, baby!" I greeted, smiling from ear to ear.

"Tss. Ano na namang kaartehan 'to? Every night nalang eh." Inis na sagot nya naman. I chuckled.

"Eh sa nami-miss na kaagad kita." Ngiting ngiti parin ako.

"Whatever, Cloud Xyan. Don't flirt with me. Gusto ko nang matulog." Pagkasabi nya non ay bigla syang humikab.

"Oh, sorry. May pasok pa nga pala tayo bukas. Okay, baby. Goodnight." I said. Gusto ko pa sana syang makausap kaso kawawa naman, inaantok na sya eh.

"Goodnight, Cloud." She said and ended the call.

Hanggang ngayon, iniisip ko parin kung sasabihin ko ba kay Colin na dinaanan at hinatid ko pauwi si Katherine kanina.

My mind says that she doesn't have to know dahil wala namang malisya yung pagtulong ko kanina kay Katherine.

But my heart says I should tell her. If I really want to get her trust, I have to tell her everything. Importante man o hindi. Tulad nga ng sabi ni Kuya Sky.

I'll tell her tomorrow. I have to get her trust back.

Profound FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon