8th

38 1 0
                                    

"Tsk! Ang dami na nito, Colin!" Hindi nya 'ko inintindi at dumiretso lang sa paglalakad papunta sa isa pang boutique. Tsk!

Sampung paper bag na ata ang hawak ko ngayon pero hindi parin sya tapos sa pamimili. Oo, ginising nya 'ko kanina para lang magpasamang mag-shopping. Adik sa mga damit at sapatos yan eh.

"Halika na, last na po." She held my right hand. I smiled. Wala na, nawala na yung inis ko. I intertwined her fingers with mine.

"Hindi pa tayo kumakain, 'di kaba nagugutom?" I asked her. Umiling lang naman sya at nagtitingin pa ng damit.

Andun na sya ngayon sa section ng mga lalaki. Anong ginagawa nya dyan?

"Ulap, oh! Bagay sayo 'to!" Masiglang sabi nya at itinapat pa sakin yung pink na polo shirt na hawak nya. Napakunot ako ng noo.

"Bakit naman pink?" She just smiled at me.

"Real men wear pink, diba?" Natawa nalang ako.

"Ayoko nyan, Colin. Bilisan mo na dyan at nagugutom na'ko." Nakita ko namang napanguso sya at ibinalik nalang yung polo dun sa rack.

Ang bading naman kasi ng pink.

"Isusukat ko lang 'to, Cloud." Paalam nya sakin. I nodded at tumingin tingin nadin ng damit.

"Cloud!" She called me again, napalingon naman ako.

"What?"

"Samahan mo 'ko. Wait for me outside the cubicle. Para malaman ko kung bagay sakin." I just nodded at sinundan na sya. I have no choice, kahit ayoko 'di ako pwedeng tumanggi. Boss ko yan eh!

I waited outside. Bigla namang syang lumabas ng ang suot ay fitted floral dress na above the knee. Medyo mababa ang neckline. Umiling ako. Napanguso naman sya.

"Hindi bagay sakin?" She asked, napailing ulit ako.

"Bagay. Maganda. Pero ayoko." I answered. Napatango nalang sya at pumasok na ulit. Napangiti ako. Sumusunod na sya sakin ngayon, ah? Improving!

Bagay na bagay sa kanya yung dress, kahit naman kasi anong isuot nya maganda sa kanya pero ayoko lang nang ganung damit. That's too revealing and I won't let her dress like that.

Lumabas ulit sya na ngayon naman ay  suot ang dress na kulay white. May flower lang syang design sa kaliwang dibdib. It's an embroidery. Hindi na revealing, so I nodded and smiled.

Napangiti din sya sakin at bumalik na ulit sa cubicle. Ilang damit pa kaya isusukat nya?

Naka-pito na balik pa ata sya bago naubos yung mga damit na sinusukat nya. Apat lang naman ang kukunin nya dahil ayoko nung ibang sinukat nya. Maganda lahat sa kanya, bagay pero yung iba kung hindi masyadong maiksi, masyado namang mababa ang neckline. Makikita na ang kaluluwa nya 'don.

Pumila na kami sa counter at nung kami na, kinuha ko na yung wallet ko at nilabas yung credit card ko.

"Cloud, no! Ako na! Ikaw na nga nagbayad lahat ng pinamili ko." Tanggi ni Colin. Umiling ako sa kanya.

"You know I won't let you pay. Kapag kasama mo 'ko, ako ang magbabayad sa lahat." Inirapan nya naman ako.

Ayaw nya talaga nang ako ang nagbabayad. Kesyo hindi ko naman daw sya girlfriend at mas lalong hindi asawa para ipagbayad ko. But, that's fine with me. Akin sya, sa kanya ako. Lahat ng meron ako, handa 'kong ibigay sa kanya. Tsaka pera lang naman 'yon, madaling ibalik. Ang mahalaga, masaya sya sa mga binibili ko para sa kanya.

"Cloud naman eh! Diba I told you, ako ang magbabayad lahat pero anong nangyari, ikaw parin. Sana talaga 'di nalang ako sayo nagpasama. Inuubos mo pera mo sakin. Ayoko ng ganon. You know exactly that I don't need your money." Gulat akong napatingin sa kanya. Did she misunderstood it?

"Baby, relax, okay? I just want to pay for you. I love you, that's why. Don't get me wrong, okay?" Hindi sya sumagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad bitbit ang limang paper bag. Nasakin yung iba pa.

I held her hand kahit medyo mahirap dahil ang dami naming dala.

"Magpapa-gupit ako, samahan mo 'ko." Aya ko sa kanya. I smiled at her. Tumango lang naman sya.

We headed to David's Salon to have my haircut.  Pumasok na kami, agad naman kaming sinalubong ng staff at sinabi ko na nga kung anong gupit ang ipapagawa ko.

Si Colin naman ay umupo lang sa couch katabi ng mga paper bag na pinamili namin at nag-cellphone lang. I fished my phone inside my pocket and texted her.

Come here, baby.

I sent it to her. Nakita ko namang napalingon sya sakin at tiningnan ako na parang nagtatanong. I shrugged and motioned her to come to me.

"Why?" She asked, standing beside me. I'm still waiting for the person who will cut my hair.

"Let's dye our hair? Gusto ko magkakulay tayo para cute." Natatawa kong sabi but I meant it. Napatawa din sya.

"Are you serious?" I immediately nodded.

"Okay, fine. I'll get my hair trimmed too." I nodded again at kinausap na yung maggugupit sakin. Sinabi nya dun sa isa pa na gugupitan din si Colin and we'll dye our hair.

Sabay kaming ginupitan and sabay ding kinulayan ang buhok. Napapangiti nalang ako. Ang saya saya ko na sa mga simpleng bagay pagdating kay Colin.

Nang matapos kami, nagbayad na kami at lumabas na.

"Thank you, baby." I held her right hand while smiling. She smiled back at me.

"I should be the one thanking you. Ang laki ng nagastos mo sakin ngayong araw." Natawa sya. My smile get wider.

"May kapalit 'yun." I joked. Napataas ang kilay nya.

"At ano naman yon, mister?" Napangiti ako. I really love it when she calls me that or some other nicknames. I feel really special.

"Isang kiss lang naman, misis." I winked at her. She immediately blushed and turned away her gaze.

I chuckled and squeezed her hand. Napaangat ulit sya ng tingin sakin. She suddenly smiled na ikinabigla ko.

"Sure. 'Yun lang naman pala eh." She kissed the side of my lips. I was stunned. This wasn't the first time that we kiss but  damn! This is the first time she kissed me first!

Hindi naman siguro masamang kiligin ang lalaki? Hindi rin naman siguro masamang bumilis ang tibok ng puso namin para sa babaeng mahal namin. Dahil aaminin ko, at that very moment. I was feeling lots of emotions.

Well, I always feel that for Colin. Everytime I'm with her, para akong nakalutang sa sobrang saya. Walang ibang bagay ang kayang pantayan yung kasiyahan na naibibigay sakin ni Colin. Kahit simpleang pagtingin nya lang, halo halong emosyon na agad yung nararamdaman ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Profound FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon