"Hi, baby! Good morning!" Umagang umaga, nanggugulo na naman si Cloud. Ngiting ngiti pa.
"Morning. Bat andito ka na naman?" Inirapan ko sya. Nagtuloy ako sa pagbaba sa hagdan hanggang sa makarating ako sa kusina, sinundan nya lang ako.
"Sabay na tayo pumasok." Aya nya. Umupo naman ako sa mesa. Nakita kong may nakahanda nang pagkain at mga plate para sa dalawang tao. Of course sa amin ni Cloud.
"Good morning, Manang! Nakapasok na po sila dad at kuya?" I asked her. Tumango naman sya habang nagsasalin ng orange juice sa baso namin ni Cloud.
"Oo, Colin. Kanina pa, maaga silang umalis. Ang mommy mo naman nag-aayos sa garden." Tumango naman ako.
"Okay po. Kumain naba sya?" I asked again. Tumango naman ito sa akin at sumagot ng Oo.
"Baby." Tawag sakin ni Cloud. Napairap naman ako bago lumingon sa kanya.
"Ano?" Napanguso sya sa pagtataray ko.
"Wala lang. Na-miss kita." He smiled sadly. Napakunot ako ng noo.
"Nagkita naman tayo kahapon." I answered bago uminom ng juice.
"I know. Na-miss lang talaga kita. Tsaka nag-away pa tayo kahapon." Sagot pa nya.
"Hindi tayo nag-away. Ikaw lang naman 'tong nang-away." Nakasimangot na sagot ko.
"Hindi naman kita kayang awayin." Mahinang salita nya pero narinig ko parin kaya napangiti ako.
"I know right. Pero natiis mo 'ko kahapon!" Bigla kong naalala, umalis sya ng hindi ako kinakausap. Umalis sya ng magkagalit kami.
"Hindi, baby! 'Di ko lang talaga alam sasabihin kahapon." Sagot nya. Bigla namang nag-ring yung phone nya pero tinitigan nya lang at biglang pinatay.
"Sino ba 'yon? Bat di mo sagutin?" I asked. Mabilis syang umiling.
"Ayoko. Kumakain tayo tsaka kasama kita. 'Di ko kailangan ng ibang kausap." He smiled, tinawanan ko naman sya.
"Landi mo!" Napatawa nalang din sya sakin.
"Tara na?" I asked him. Tumango naman sya at lumabas na kami ng bahay pagkatapos magpa-alam kay manang.
Pinagbukas nya 'ko ng pinto ng kotse. I smiled, gentleman din naman talaga.
"Ano palang dinaanan mo kagabi?" I asked him. Lumingon sya sandali sakin at binalik na ang tingin sa kalsada.
Magsasalita na sana sya ng mag-ring yung phone ko. Kinuha ko naman yun sa bag ko at sinagot.
"Yes, kuya?" I asked as I answered the phone.
"Where are you? Sinong naghatid sayo?" Tanong nya. Napakunot noo ako, he's not usually like this.
"Papasok na. Si Cloud po, why?" I asked, confused.
"Okay, good. Ingat kayo." Sabi nya at pinutol na ang tawag.
"Ang weird ni kuya." Salita ko. Napatingin naman sya sakin.
"Why?" May nakikita akong konting ngiti sa labi nya. Bakit kaya?
"Remember kagabi, nung tinawagan mo 'ko. Nasa kusina kasi kami non. Tinanong kaagad kung sino tapos ngayon naman tinanong kung sinong maghahatid sakin. Tanong ng tanong. Weird." Napapailing pa na paliwanag ko. Napatawa naman sya kaya napatingin ako sa kanya.
"What?" I asked. Umiling lang naman sya at nagpatuloy na sa pagddrive hanggang sa nakarating na kami sa university.
Our whole day passed. Actually, half day lang ang pasok ko pero dahil may mga tinapos pa 'kong project at nire-revise namin yung thesis namin kaya 5 pm na at pauwi palang ako.
I texted manang to tell our driver to pick me up pero wala daw, hinatid daw si mom at dad sa airport. Ngayon nga pala yung alis nila papuntang Cebu, may business conference don si dad. Kaya naman kasama si mom kasi gusto ni dad everytime na aalis sya, kasama si mom. Hanggang ngayon clingy parin si dad kay mom. Ang sweet nila, diba?
I texted kuya instead. Pero alam nyo kung anong sinagot.
Si Cloud nalang, panigurado andyan pa sya ngayon sa university nyo.
Ang bait na kuya talaga. Tsk! Pinagkakanulo talaga nila 'ko kay Cloud! Halatang halata!
I called Cloud. Unang ring palang sinagot na, inaabangan?
"Yes, baby?" Sagot nya.
"Where are you?" I asked. Napatikhim sya.
"Sa rooftop, I'm with Jash and Dylan. Why?" Narinig ko naman na bumati sakin yung dalawa.
"Pakisabi din sa kanila, hi."
"Okay na. So, bakit nga? Di ka pa nakakauwi?" Tanong nya na. Alam na kaagad.
"Yes, wala si manong. Hinatid sila mom at dad sa airport. I need you, hatid mo 'ko pauwi." I answered, he chuckled.
"So, you need me now, huh?" Napairap ako kahit 'di nya naman makikita.
"Ano ba, ihahatid mo 'ko o tatawagan ko na si Jake? Baka sakaling maihatid nya 'ko." Inis na sagot ko. Narinig ko namang nagpaalam sya kila Jash at Dylan. I smiled, edi napasunod kita.
"Asan kaba?" Tanong nya.
"Sa parking lot na. Bilisan mo, mainit!" Maarte kong sagot. Tinawanan nya naman ako.
"Arte mo talaga, baby. Sana kasi hindi ka dyan naghintay, natural mainit dyan." Napatawa din ako.
"Bilisan mo na nga lang!" Sagot ko pa habang natatawa.
"Okay po. Bye!" I ended the call pagkasagot nya.
Wala pa atang 5 minutes, dumating na sya. Medyo pawisan pa. Tinawanan ko sya.
"Ano ka ba! Tumakbo ka ba? Pawis na pawis ka oh!" Sabi ko sa kanya. Kinuha ko agad yung panyo ko at pinunasan yung mukha nya. He smiled, I saw happiness in his eyes. Napangiti lang din ako ng konti.
"Naiinitan kana kasi, diba? Ayoko namang maghintay ka ng matagal." He's smiling habang pinupunasan ko sya. Sarap sabunutan eh!
"Nako, tigilan mo 'ko!" Hinawakan nya yung kamay ko at ibinaba. At bigla nalang akong hinalikan sa pisngi. Nanlaki yung mata ko.
"Cloud!" Sigaw ko sa kanya. Nginitian nya lang naman ako at biglang niyakap. Hinampas ko naman sya ng maraming beses sa braso habang tatawa tawa sya.
Tuwang tuwa sa kalokohan nya! Pakiramdam ko tuloy namumula ako ngayon.
"Tara na nga, baby ko." Kumalas sya sa yakap at hinawakan ang kamay ko tsaka kami naglakad papunta sa kung saan naka-park yung kotse nya.
Napatitig ako sa kanya. Kahit pinagpawisan na, ang bango bango parin nya at sobrang gwapo parin.
"Baby naman, don't stare. Lalo akong mahuhulog sayo nyan eh." Ngiti nya. Kinurot ko naman sa tagiliran kaya napalayo sya at umaktong parang sakit na sakit.
"Arte mo, hoy! 'Di masakit yon." Kinurot ko pa ulit sya. Ngumuso naman sya.
"Hi, Cloud!" Nagulat kami ng may biglang magsalita sa harapan namin. Di kasi namin napansin.
Napataas ako ng kilay. Si Katherine pala, kaya napakalandi ng boses. Ex yan ni Cloud. Ex fling.
"Oh, hi!" Bati din naman ni Cloud at tsaka ako hinawakan sa bewang. Bigla akong kinilabutan. Shet!
"Sorry pala kagabi, ha? Naabala pa kita. Hayaan mo, babawi ako next time. Promise!" Binigyan sya ng malanding ngiti nitong higad sa harap namin. Napairap ulit ako. Parang wala ako sa harap nila, ah!
At ano nga yung sinabi nya? Kagabi? Naabala? Bakit? Nagkita sila?
Napaangat ako ng tingin kay Cloud, napatingin din sya sakin na parang may gustong sabihin. Wow, ngayon pa! Sana sinabi nya nalang kaagad!
Ang hirap kasi sa kanya, gusto nyang makuha yung buong tiwala ko pero hindi nya naman ako binibigyan ng sapat na dahilan para magtiwala ng buo sa kanya!
Oo may tiwala ako dahil bestfriend ko sya. Pero hindi ko alam kung kaya ko pa bang ibigay ulit yung buong puso ko sa kanya.
Minsan nya nang nasira ang tiwala ko, mahirap nang ibalik.
BINABASA MO ANG
Profound Feelings
أدب المراهقينWill Colin Ivory Fajardo Sandoval be the greatest DOWNFALL OF THE PLAYBOY?