1st

54 3 0
                                    

"Sino na naman 'yan?" Bungad ko kay Cloud nang magkita kami sa Starbucks nang may kaakbay syang babae.

Napataas ang kilay ko dito, tinitigan lang naman ako nung babae.

"Wala." Mabilis na sagot nya at tinanggal ang pagkakaakbay sa babae nya.

That's our number one rule. Bawal makipaglandian sa harap ng isa't isa.

Napataas ulit ako ng kilay sa kanya kaya napaiwas sya ng tingin at bumaling sa babae.

"I'm sorry. I'll just meet you again later." He's famous line. Pero ang totoo, pagkatapos nyan, ibang babae na naman ang kasama nya.

Umirap muna yung babae sakin bago tuluyang umalis. Inirapan ko lang din tsaka ako muling bumaling kay Cloud nang hawakan nya 'ko sa braso.

"What?" I asked, annoyed.

"I'm sorry. I didn't know you were coming. If only you texted me, edi sana sinundo nalang kita sa room mo." He explained.

"So kasalanan ko pa pala?" Mabilis syang umiling.

"No." I shrugged at naglakad papunta sa counter para um-order.

"I'll order for you. Just seat there." Naglabas na sya ng wallet at um-order na nga. Wala na'kong nagawa kundi umupo nalang ulit.

"Here's your Chocolate Cream Chip, Ma'am." I rolled my eyes.

"Kailan ka pa naging waiter, Cloud Xyan?" Nilapag nya naman yung Java chip nya at tig-isa kami ng Blueberry Cheesecake.

"Don't be too harsh on me, baby. I know you're just jealous. You don't have to. Sayo lang naman ako." He smiled. Napaiwas ako ng tingin.

"Ah, talaga ba? Hindi kasi ako sayo eh." I said and started eating. Natahimik naman sya kaya parang bigla akong nakunsensya.

But no! I won't buy those words from him. Alam kong nanttrip lang yan. Kaya once na nagpa-uto ako, ako lang din ang masasaktan sa huli. And I don't want that to happen.

My phone rang. I looked for the caller and it's Jake, my classmate, he's also my friend.

"Hi!" He greeted.

"Hi! Bakit ka napatawag?" Napatingin ako kay Cloud na nakatitig sakin ngayon.

"Uh, yeah. I just wanna ask you out later. Okay lang ba? Dinner?" I smiled.

"Sure. Tayo lang?" Napataas ng kilay si Cloud sa tinanong ko.

"Hmm, yes. If it's fine with you." He hesitated.

"Yeah, it's fine. See you later, then!" He sighed, relieved. Natawa naman ako don.

"Thanks, Colin! See you! Bye!" I ended the call and put my phone on the table. Mabilis naman itong kinuha ni Cloud.

I shrugged. I don't mind. Sanay naman kaming nakikita ng isa't isa lahat ng laman ng cellphone namin.

"Where are you going later?" He asked, pissed.

"I'm going out for dinner. Not sure where. Why?" May tinitingnan parin sya sa phone ko habang nakakunot ang noo.

"What are you looking there?" I asked again. Dinungaw ko naman yung phone ko. He's in my gallery.

"Why does he have too many selfies in your phone? Damn!" Nakatingin na sya ng masama sakin na para bang kapag di ako sumagot ng maayos ay talagang magwawala na sya.

"I don't know, okay? He just borrowed it, di ko naman alam na magseselfie pala sya. And what's the bigdeal with that? I can always delete those. Gusto mo ikaw pa mag-delete." Napapairap kong sagot.

"Of course I would fvcking delete those! Kung bakit ka ba naman kasi nagpapahiram ng cellphone mo sa kung sino sino." Napataas na'ko ng kilay sa sinabi nya.

"Hindi sya kung sino sino lang, he's my friend. At anong problema doon? Ikaw nga nakakahiram din ng phone ko, diba?" Naiinis na'ko. Why is he being possessive when he's not even my boyfriend?! Tss.

"Friend! Wow! Friend, huh!" Napatayo na sya at nag-walk out. Dala parin yung phone ko. I have no choice but to go after him. Alangan namang 'di ko kuhanin yung phone ko, diba.

I grabbed his arm nang mahabol ko sya. Pabalik na sya sa school.

"What?" He hissed.

"Could you give me back my phone, mister?" I arched my eyebrow again. He smirked.

"I can't, misis." My jaw literally dropped. What? Misis? I think I just blushed.

"What, Cloud? Stop flirting with me! I need my phone!" I yelled at him. Umiling iling sya habang nakangiti na ng malawak.

Paano, nakikita nya yung pamumula ko kaya tuwang tuwa. Kala nya naman apektado ako sa sinabi nya. Nagulat lang ako and uh, nahiya! Nahiya lang ako!

Gosh! Why do I sound like I'm so defensive!

"Not until you promise me you won't go out with that friend of yours." Seryoso na sya ngayon. Napaiwas na naman ako ng tingin. Kainis!

"Ayoko. Para kang bata dyan, Cloud! We'll just have dinner tapos uuwi narin! Masyado kang possessive, leche!" Sigaw ko ulit sa kanya.

"Pinoprotekahan ko lang ang pag-aari ko." Sht! Ayoko na talaga! Sa kanya na yung phone ko, leche! I'm leaving!

Tumalikod na'ko at naglakad. Hinabol nya naman ako at hinawakan sa kamay.

"Go out with me instead, baby. Please." Ang amo ng mukha nya habang sinasabi yon. He looked to sincere. Ayoko ng ganito, ayoko ng kinokontrol nya 'ko dahil hindi nya ako pag-aari pero kung patuloy nyang gagawin 'to, alam kong sa huli, mahuhulog din ako.

"Cloud naman, um-oo na'ko kay Jake. Lagi naman tayong magkasama kumain, sa lahat nga ng oras magkasama tayo. Ibigay mo naman na'tong ibang oras para sa iba ko pang kaibigan." Mahinahon ko ng salita. Nakita ko naman kung paano lumungkot yung mukha nya. Hell, I can't stand seeing those lonely eyes.

"Fine, baby. Just be good. Akin ka lang. Hindi ako papayag na maagaw ka sakin ng iba." Mariin nyang sabi at hinalikan ako sa ulo habang yakap yakap ako.

Ayokong mahulog na naman. Ayokong bumalik na naman yung feelings ko para sa kanya. Tama na yung pagmamahal na ibinigay ko sa kanya nung high school kami. Tama na'yon.

Iisipin ko nalang na nagjo-joke lang sya. Ayokong tanggapin na seryoso sya. Hindi ko na kayang masaktan ulit ng sobra sobra dahil sa kanya.

"You're my bestfriend. Stop talking like that. I might fall for your words." I joked. He smiled.

"That's exactly what I want to happen. I want you to fall for me, hard. Like how I fell for you." He smiled, a genuine one.

¤¤¤¤¤
Hi, guys! I'm baaaaack! Hope you like it!

Lovelots ❤

Profound FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon