First Kiss

338 15 2
                                    

Edward's POV

Sobrang lasing na netong si Kisses. Kailangan ko na sya dalhin sa kwarto nya. Binuhat ko na sya kasi sobrang lasing na nga, di na kaya maglakad. Infairness dito kay Kisses ha, gumaan sya. Dati kasi tuwing pinapasan ko sya medyo mabigat eh. Pero ngayon? Magaan na sya. Kunsabagay, sexy eh..

Nandito na kami sa kwarto ni Kisses. Ilalapag ko na sana si Kisses sa kama nya pero bigla syang kumapit ng mahigpit sa leeg ko kaya pati ako napunta sa kama nya. Nakapatong ako sa kanya ngayon. Konti na lang magdidikit na mga labi namin pero syempre hindi ko hinayaan yun. May respeto ako dito kay Kisses, di ko kaya gawin sa kanya to.

Habang tinatanggal ko ang mga kamay nya sa leeg ko bigla syang may sinabi sakin..

"Edward..Wag kang umalis. Dito ka lang" Nakakakilig pala si Kisses pag lasing, haha
"Hindi ako aalis dito lang ako." Sabi ko naman sa kanya

Inaalis ko na ulit yung mga kamay nya sa leeg ko and yun! Naalis ko din. Tatayo na sana ako ng biglang hinatak nya yung kwelyo ng polo ko at pagkahatak nya saktong nagkadikit mga labi namin. Napapikit na lang ako sa mga nangyayari ngayon. Aaminin ko. Kinikilig ako kasi first kiss ko si Kisses.

We passionately kiss, hanggang unti unti nya ng tinatanggal ang mga butones ng polo ko. Binababa ko na rin ang top nya. Hanggang sa bigla niyang inalis yung labi nya sa labi ko.

"Sorry Edward, lasing lang ako."
"Ah..ah. Sorry Kisses nadala lang din ako ng kalasingan ko."

Umalis na ako sa pagkapatong sa kanya at tumayo na para isuot ulit ang polo ko.

"Ahh.. Kisses?"
"yes?"
"Sorry ulit ah"
"hindi mo naman sinasadya, we're both drunk. Walang may gusto nito. Pero hindi ko inakalang good kisser pala ang bestfriend ko." Sabay kaming tumawa sa sinabi nya.
"Baliw ka Sses. Ikaw din. Good kisser ka din." Tumawa na naman kami.

"Tara na Edward, let's go"

Papalabas na sya ng pinto pero hinawakan ko muna ang kamay nya at sabay kaming lumabas ng kwarto.

Grabe! Ang saya ng gabi ko!! Woooooh! Napaka hokage ko ngayon kay Kisses. Hahahaha!

***********************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon