Last day

176 12 1
                                    

Kisses' POV

TODAY...IS THE LAST DAY!!!!! Ngayong araw ang huling araw na tatawagin kami ni Edward na mag boyfriend/girlfriend!! Dahil bukas na ang kasal namin! AHHHHH!!

Ngapala, nandito kami na kami ni Edward sa condo. Spending our last day together as mag fiancé because tomorrow, ganap na mag asawa na kami!! Oh my gosh. Parang kailan lang nag lalaro pa kami ng taguan sa bahay nila tapos ngayon ikakasal na kami. Hindi talaga ako makapaniwala, na sa bestfriend ko din pala ang bagsak ko. Hahahaha.

Wala si Edward ngayon, pumunta syang grocery store to buy some snacks. Kanina pa sya, so i'm sure parating na rin yun.

*tok tok tok*

I think he's here na. Let me open the door,

"Hi Hon" sabi nya sakin sabay kiss sa forehead ko.

Pinalo ko sya sa braso nya and hindi nya alam kung bakit ko ginawa yun. Haha.

"Bakit mo ako pinalo?" Tanong nya sakin.
"Tinawag mo kasi akong hon eh. Hindi ako sanay. Hahaha" biro ko sa kanya.
"Dapat lang." Ano daw? Di ko gets.
"Anong dapat lang?" Tanong ko sa kanya.
"Dapat lang kitang sanayin na tawaging hon kasi bukas na kasal natin. So dapat masanay ka na hon" sabi nya sakin.

Nakakailang, hahaha. Nasanay kasi ako na tawag nya sakin "My princess" lang. Pero hon? Oh my gosh.

"Ikaw talaga! Halika na nga, umupo ka na" sabi ko kay Edward.
"Ano? Halikan na kita? Sige" biro nya sakin sabay lapit ng mukha nya sa mukha ko.
"Ep ep ep! Save mo na yan bukas" sabi ko sa kanya sabay tulak ko kay Edward papalayo.
"Fine. Love you" ano ba yan! Nakakakilig naman tong lalaking to!!
"Sige na, love you too. Aayusin ko lang to" sabi ko sa kanya.

Aalis na sana ako ng bigla nyang hinatak yung kamay ko kaya napaupo ako sa may lap nya.

"No. Hayaan mo lang yan dyan. Mamaya mo na ayusin. Dito ka na muna sa tabi ko" sabi ni Edward sakin at tsaka nya ako inakbayan.

Can't handle it!! Sobrang kinikilig ako ngayon!

"Namumula ka? May sakit ka ba?" Tanong nya sakin.

Oh my gosh. Namumula na ako sa sobrang kilig. Hahahaha.

"Ah.. Wala. Wala akong sakit" sabi ko sa kanya.
"Kinikilig ka sakin no?" Wow hangin!! Pero totoo naman eh. Hihi.
"Kapal mo!" Sabi ko sa kanya at tatayo na sana ulit ako ng bigla nya ulit hinatak kamay ko at sabay sabing...
"Wag kang makulit. Kapag sinabi kong dito ka lang, dito ka lang" sabi nya.
"Sabi ko nga po" asar ko sa kanya.

Nakaakbay pa rin sya sakin ngayon at sinandal ko yung ulo ko sa braso nya. Kanina pa sya daldal ng daldal at ako naman, inaantok na.

Habang nag sasalita sya, napansin kong nakatingin sya sakin.

"Oh? Problema mo?" Tanong ko sa kanya. Nako! Baka may dumi na naman ako sa mukha neto.
"Wala, ang ganda mo kasi" sabi nya tsaka nya ako kiniss sa forehead.
"Ikaw talaga! Gusto mo lang makapoints eh" biro ko kay Edward.
"Ano naman? Asawa naman kita" sabi ni Edward sakin. Hay! Hindi talaga ako sanay!
"Future asawa." Sabi ko.

Hay, inaantok na talaga ako. Makatulog na nga. Ang daldal kasi ng lalaking to eh, hindi tuloy ako matulog. Haysss.

2 hours later.....

"Hmmm" pag uunat ko.

Wait...bakit ako nasa kwarto? Kanina natulog ako sa may sofa ah. Nakasandal pa nga ako kay Edward eh. Bakit ako napunta dito? Weird huh.

Lumabas na ako para tignan kung nasaan si Edward. And nandito nga sya sa may living room. Nanonood ng tv.

Nung narinig nya yung lakad ko, bigla syang napatingin sakin.

"Gising ka na pala" sabi nya.
"Babe, paano ako napunta sa kwarto?" Tanong ko.
"Binuhat kita papuntang kwarto. Nakita ko kasi na tulog ka na kaya nilipat kita. Naisip ko kasi, na baka hindi ka maging comfortable dito matulog" sabi nya. Ang sweet!
"Aww..ang sweet ng babe ko" pag lalambing ko sa kanya at tinabihan ko sya sa sofa.

Habang nanonood kaming dalawa ng tv, napansin ko na biglang nawala yung mga groceries na pinamili nya.

"Asan na yung mga grocery?" Tanong ko sa kanya.
"Inayos ko na" sagot ni Edward
"Pero dapat ako mag aayus nun" sabi ko naman.
"Ayoko kasing mapagod ka, tsaka alam ko naman kung saan nakalagay yung mga yun eh. Don't worry." Sabi ni Edward. Ang sweet naman talaga ng asawa ko oh!!
"Sweet mo naman" sabi ko sa kanya sabay kiss sa cheeks nya.

****************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon