Dinner date

161 16 7
                                    

Kisses' POV

(Friday)

Nandito pa rin kami ni Edward sa bahay nila kasi wala naman kaming ginagawa sa condo kaya nag desisyon muna kami na mag stay dito sa kanila. Pero babalik na rin kami bukas. Buti na lang mabait sila Mama Cathy at Papa Kevin dahil pinatuloy nila kami dito.

7:00 pm na and biglang nag yaya ang mga parents ni Edward na mag dinner daw kami sa isang restaurant. Pumayag naman kami ni Edward kasi bonding nga naman yun.

Nasa kotse kami ngayon papunta dun sa restaurant na kakainan namin. Katabi ko si Edward at si Mama Cathy. Habang nandito kami sa kotse biglang may natanong si Mama Cathy samin ni Edward.

"So, after your wedding, ano plano nyo? Mag sstaycation ba kayo or something?" Tanong nya.

Nagulat ako at tinanong nya yun. Hindi ko alam ang isasagot ko, buti na lang at nag salita si Edward at sinagot nya yung tanong ng mama nya.

"Ah...Mom, gusto sana namin pumunta sa maldives after our wedding" sagot nya.

Wala akong sinasabing gusto namin pumunta sa maldives ha, pero good choice. Maganda sa maldives and alam kong mag eenjoy kami ni Edward dun.

"Wow, maganda dun anak." Kung alam nyo lang po Mama, biglaan lang po yun. Hahaha.
"I know Mom, that's why gusto namin dun ni Kisses. Right Hon?" Sabi ni Edward

HON?! ANO DAW?! Oh my gosh. Sa sobrang gulat ko bigla kong tinitigan si Edward at pinisil ko yung kamay nya. Pinisil nya rin yung kamay ko at kita ko sa mga mata nya na nag sasabi ng "sumakay ka na lang". At dahil wala na talaga akong choice, sinakyan ko na lang ang trip ni Edward.

"Hmm...Opo Ma, dun po talaga yung plano namin ni Edward." Sabi ko. Halaaaa. Ayokong mag sinungaling kay Mama.

Pagkatapos ng sobrang nakakagulat na conversation namin. Biglang tumahimik kaming lahat. Walang nag sasalita sa loob ng kotse. Ang weird ng pamilyang to. HAHAHAHA.

Few moments later....

Nandito na kami sa labas ng restaurant na pag didinneran namin. Ang layo naman nito, bakit hindi na lang kasi sa malapit. Pero okay lang, basta may pagkain pwede na. Hahaha.

"Let's come in" yaya ni Papa Kevin samin.

Pero hindi na muna kami pumasok ni Edward sa loob dahil mag uusap muna kami.

"Ano na Edward? Paano na yan?" Tanong ko sa kanya.
"Chill, ok lang yan. Edi dun talaga tayo pumunta pagkatapos ng kasal natin diba? Dun na muna tayo mag celebrate sa maldives after our wedding" sagot naman nya sakin.
"Sure ka ba dyan?" Tanong ko ulit.
"Oo, halika na. Pumasok na tayo" sabi nya sakin.

Hinawakan ni Edward yung kamay ko at sabay kaming pumasok sa restaurant.

"Anong pinag usapan nyo?" Tanong ni Mama Cathy samin.
"Wala yun Mom."
"Oh sige, umupo na kayo. Um-order na tayo"

Umupo na kami ni Edward at um-order na yung parents nya. Hindi naman masyadong matagal yung service dito kaya mabilis dumating yung in-order nilang food.

"Bakit ang dami po nyang Mama?" Tanong ko kay Mama Cathy. Nagulat lang kasi ako, andami nilang in-order.
"Ayoko kasing nagugutom kayo ng anak ko" biro naman nya. Hahahaha.

Kumain na kami at nakakailang cups of rice pa lang ako, busog na ako. Kaya nag stop muna ako sa pagkain.

"Busog ka na?" Tanong sakin ni Edward.
"Oo eh. Pahinga muna ako, mamaya na lang ulit ako kakain" sabi ko.
"Ikaw talaga" sabi nya sakin at pinisil nya yung cheeks ko.

Pagkalingon ko kila Mama Cathy at Papa Kevin nagulat ako kasi parehas silang nakatingin samin ni Edward habang nakangiti.

"Mom,Dad. Stop" sabi ni Edward.
"Ang sweet nyo nak" kulit naman ni Mama.
"Mom. Pls" sabi ulit ni Edward.
"Ok, I'll stop na" biro ni Mama kay Edward.

Tapos na kaming lahat kumain at nasa labas na kami ngayon ng restaurant.

"Thank you so much po Mama" sabi ko sa mama ni Edward sabay yakap sa kanya.
"Salamat din sa time nyo" sabi naman ni Mama.
"Tara na, it's getting late na. We have to go home now" yaya ni Edward.
"Ok, let's go" sabi ni Mama.

Oh my gosh!! Sobrang lapit na ng kasal namin ni Edward!!!!

****************************
Hope you enjoy reading!!

Note: Hi Guys!! We just reached 4k+ reads and 320+ votes. Thank you so much dun guys! By the way, nag sasawa ba kayo sa story ko? Sorry ha. Kung nag sasawa na kayo, just tell me. Para malaman ko, and para mas ayusin ko pa yung story ko. Guys abangan nyo na rin yung nalalapit na kasal nila Edward at Kisses ha!! Malapit na guys so abang abang na lang. Hihi. Thank you ulit sa 4k+ reads at 320+ votes guys!! Love y'all❤️

Ngapala guys, baka maging madalang na lang ako mag update kasi magiging busy na ako sa studies at baka kunin na rin ng mom ko yung mga gadgets dito para makapag focus kami sa pag aaral. Pero guys, i'll try my best para makapag update. Promise. Thank you😊

-Author💓

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon