Halloween

899 31 3
                                    

Edward's POV

Gabi na ngayon. Naglalakad ako with my Bestfriend Kisses. Habang naglalakad kami may narinig akong kaluskos. Hindi ko na lang pinansin dahil baka kung ano lang yun. Kokonti na lang yung mga tao. Wala na ring dumadaang sasakyan. Patuloy pa rin yung lakad naming dalawa ni Kisses habang may narinig kaming dalawang nakakatakot na tunog.

"Edward..Nari~narinig mo ba yun?" Sabi ni Kisses. Nako mukhang natatakot na to.
"Oo, pero wag kang matakot. Kasama mo ako." Sagot ko sa kanya.
"Pero Edward..." Hindi pa natatapos yung sinasabi nya hanggang sa may nakita kaming parang gumagalaw sa may damuhan.

"AAHHHHH! EDWAAAAARD! UMALIS NA TAYO DITOOO!" Sigaw ni Kisses
"Shhh. Wag kang maingay." Sabi ko sa kanya habang lumalapit ako dun sa may damo.
"Anong gagawin mo dyan?" Takot na sabi nito.
"Titignan ko kung ano yun" sagot ko

Habang tinitignan ko kung ano yung nakita namin kanina biglang may narinig na naman akong kaluskos. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. Hinawakan ko yung kamay ni Kisses tsaka hinatak sya paalis doon. Oo, aaminin ko natakot ako dun kasi ngayon lang ako nakarinig nun. Talagang tumayo mga balahibo ko kaya mas pinili ko na lang umalis dun.

Nasa kabila na kaming part ng village. Nakalayo na kami dun.

"Edward" nako naluluha na tong si Kisses sa sobrang takot.
"Shhh. Halika nga dito"

Niyakap ko na lang sya ng mahigpit para kahit papano mawala yung takot nya.
Habang niyayakap ko si Kisses parang may nagpicture samin. Narinig ko yung tunog ng camera pero hinayaan ko na lang. Baka kasi lalo pang matakot to eh.

"Thank you Edward" sabi na nga ba natatakot to eh.
"Always welcome. Basta ikaw"
"Tara balik na tayo dun, hatid na kita sa bahay nyo. Kunin ko lang kotse ko" yaya ko sa kanya
"Ayoko bumalik dun Edward.." Sabi nya
"Pano yan? Nandun kotse ko? Pano kita mahahatid?"
"Basta ayoko bumalik dun..."
"Wag ka na matakot. I'm here. Nandito lang ako. Kung gusto mo kumapit ka sakin."
" *deep breath* sige na nga. Tara na" buti naman pumayag na.

*************************
Hope you enjoy reading!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon