Struggle

224 11 1
                                    

Edward's POV

Nandito ulit kami sa wedding coordinator namin para kausapin ulit sya..

"Mam Kisses,Sir Edward. I'm sorry but kailangan ko po bitawan yung wedding nyo. Meron po kasi ibang naunang nag pacoordinate sakin. Pasensya na po"

Pagkasabi ng wedding coordinator namin yun kaagad umiyak si Kisses at ako naman kinausap yung w.c. namin.

"Meron pa bang pwedeng paraan? Meron ka pa bang pwedeng gawin?" Tanong ko dun sa wedding coordinator namin.
"Sorry sir pero wala na po talaga, maiwan ko na po kayo"

Habang papaalis yung babaeng yun, nagulat ako at bigla syang hinabol ni Kisses sabay sabing..

"Baka po may pwede pa kayong gawin?"
"Sorry mam pero wala na po talaga akong magagawa eh"

Lalong bumuhos yung iyak ni Kisses kasi dahil dun sa babaeng yun biglang nag back to zero ang mga plano namin.

"My Princess, tara na" yaya ko kay Kisses na hindi matigil sa pag iyak
"Ta-tara na"

Nandito na kami sa kotse pero hanggang ngayon umiiyak pa rin si Kisses kaya niyakap ko na lang sya ng sobrang higpit.

"Edward..paano na yung kasal natin?"
"Magagawan natin yan ng paraan ok?"
"Si-sige"

Habang papauwi na kami ni Kisses napansin kong tumitingin sya dun sa engagement ring na bigay ko sa kanya. Habang tinitignan naman nya yun bigla syang naluha.

"Sayang Edward no?"
"Walang sayang Kisses" sabi ko sa kanya

Malapit na kami sa bahay nila Kisses ng biglang nasiraan yung kotse ko.

"Malas naman!!" Sabi ko
"Ok lang yan babe, tara itulak na muna nating tong kotse mo tsaka ipark natin dun after nun matulog na muna tayo dito, ok?"
"Swerte ko talaga sayo."
"Syempre naman, ako rin naman swerte sayo eh."

Nag ngitian kami sa mga sinabi namin sa isa't isa.....mula sa malayo may nakikita akong isang bakanteng lote na malinis at may damo.

"Kisses, tara punta tayo dun."
"Wow, ang ganda. Tara"

Hinawakan ko yung kamay nya tsaka kami pumunta dun sa may bakanteng lote.

"Edward parang ang saya lang kalimutan nung mga problema natin no?"
"Oo nga eh." Sabi ko sa kanya

Salita ako ng salita habang si Kisses nakatulog na sa may chest ko. Nako. Mukang nakatulog to dahil sa stress. Nakakainis naman kasi yung wedding coordinator na yun eh. Napaka paasa nya, pero kahit anong mangyari. Kahit walang wedding coordinator, pakakasalan ko si Kisses. Pangako ko yan.

*****************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon