Visited by my Ex

166 11 0
                                    

Edward's POV

Umaga ngayon, kakagising ko pa lang and si Kisses naman, tulog pa. Maaga pa kasi. Kaya nag luto muna ako ng breakfast namin para pag gising nya, may almusal na sya. Isusurprise ko sya sa favorite nyang pancake with straberries and fudding on top.

Habang nag luluto ako biglang may sumigaw.

"Hmm!! Smells good!" Sigaw ni Kisses, nagulat ako kasi nagising pala sya.
"Kisses! Gising ka na pala? Surprise sana kita eh" sabi ko
"Ay ganun? So tulog ulit ako?" Biro sakin ni Kisses
"Hahaha, hindi wag na. Sige na umupo ka na dyan, bibilisan ko na pag luluto" sabi ko sa kanya.

Habang patuloy ako sa pag luluto, bigla akong niyakap ni Kisses.

"Babe, alam mo sobrang pogi mo talaga. Mabait ka pa at gentleman. Alam mo napaka silag mo rin. Ideal man ka talaga ng marami sobra. Kaya nga nagustuhan kita eh. Alam mo rin sobrang hot mo grabe. I love you"

Pag lalambing sakin ni Kisses, hay kabisadong kabisado ko na sya. Alam ko na kung bakit nya ginagawa to sakin.

"Oo na, lalagyan ko na ng chocolate syrup. Dadagdagan ko na rin yung pancake." Sabi ko kay Kisses.
"Yehey!! Thank you Babe! Sige upo na ako" sabi naman nya.

See? Food is life talaga kay Kisses, walang pinapalampas basta pagkain. Hahaha.

Habang kumakain kami ni Kisses, biglang may kumatok sa pinto ng condo namin.

"Sino yun? Istorbo naman, sarap na ng kain ko eh" sabi ni Kisses
"Sige na, kumain ka na dyan. Ako na mag bubukas" sabi ko naman.

Pag kabukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko.

"Heaven?!" Gulat na gulat kong sabi.
"Hi Guys!!" Sabi naman nya samin.

At yung kumakain namang si Kisses, biglang napatigil sa pagkain nya. Mukhang nagulat din sya.

"Ano? Hindi mo ako papa pasukin?" Sabi ni Heaven. Tsk, maldita talaga.
"Come in" sabi ko na lang.

Pagka pasok nya, agad nyang pinansin si Kisses.

"Hi Kisses!" Sabi ni Heaven kay Kisses. Si Kisses naman nginitian lang sya.

"Wow! That looks good!! Pwede ba kumain?" Tanong ni Heaven
"Sure" sabi ni Kisses

Umupo na si Heaven at kinain yung pancake na ginawa ko para kay Kisses. Si Kisses naman nakatitig lang sa kanya. Mukhang nalungkot kasi kinuha ni Heaven yung favorite food nya. Syempre hindi ko hahayaan yun.

"Ugh..Heaven kasi..Kay Kisses yang pancake na kinakain mo" sabi ko kay Heaven
"Ooops! Sorry nakain ko na eh" sabi nya sabay subo ng isang full scoop ng pancake.

Nakakainis talaga sya!!

"Hindi Edward..Ok lang" sabi ni Kisses. Pasalamat sya mabait si Kisses!! Nako!

Few minutes later...

"I'm so full na. Thanks for the breakfast! Bye!" Sabi ni Heaven. Ano? Yun lang sadyan nya dito? Ang mang inis at kumain? Arghh!
"Bye" pamamaalam ni Kisses kay Heaven.
"Ay wait!! Eto pala gift ko sa inyo. Best wishes!" Sabay abot nya ng isang paper bag kay Kisses.

Lumabas na si Heaven ng condo at si Kisses naman, binuksan na yung regalo ni Heaven.

"Ughh? Mug? Ano gagawin ko dito?" Tanong ni Kisses.

Yes, mug ang regalo ni Heaven samin ni Kisses. Anong gagawin namin dun sa mug na yun? May pambili naman kami ng mug ah. Ano tingin nya samin?

"Itabi mo na lang yan." Sabi ko na lang kay Kisses.

Nakita kong malungkot yung mukha nya at alam kong dahil yun sa pancake.

"Don't worry, iluluto na lang kita ng bagong pancake"
"Thank you!!" Sabi na nga ba eh. Pancake lang katapat nito. Hahahaha. Kissfood is real talaga!! Hahahahaha!

******************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon