Opening presents

140 13 2
                                    

Kisses' POV

Nandito kami ni Edward ngayon sa condo, wala kaming magawa. Sobrang bored dito, nakakamiss yung mga tao kahapon sa kasal namin. Habang nag mumuni muni kami bigla akong may naisip gawin.

"Hon?" Pagtawag ko kay Edward.
"Yes, why?" Tanong nya kung bakit.
"Let's open our presents na." Yaya ko sa kanya.
"Sure, wait. Kukunin ko lang" sabi nya at tumayo na sya sa sofa at kinuha na nya yung mga regalo samin.

Ilang beses sya nag pabalik balik mula sa kwarto kasi medyo may karamihan nga yung regalo samin.

Ilang minuto ang nakalipas..nalipat na rin nya lahat ng regalo samin and muntik na nitong mapuno yung living room namin.

Nagbubukas na kami ng regalo ngayon hanggang may narinig kaming kaluskos. Syempre natakot ako kaya lumapit agad ako kay Edward.

Few moments later may narinig na naman kaming tunog. And napansin ni Edward na nagmumula yung tunog na yun sa isang box. Kaya kinuha nya na agad yung box na yun at dahan dahan na binuksan.

Pagkabukas nya nito hindi ko inaasahan yung nakita namin. Isang baby pomsky na kanina pa kinakalkal yung box na kinalalagyan nya.

Agad kong kinuha yung baby pomsky na yun at binuhat sya. Ang hilig ko kaya sa mga dogs grabe.

Habang binubuhat ko yung baby pomsky na yun, bigla namang may napansin si Edward.

"Gusto ka agad nya oh" laking tuwa ko nung sinabi yun ni Edward kasi ang cute at ang lambing talaga ng pomsky na to.
"So..anong ipapangalan natin?" Tanong nya sakin.
"Hmmm......Wala akong maisip hon" sabi ko kay Edward.
"Sige, wag na muna natin sya bigyan ng pangalan" sabi ni Edward.

Binaba ko na yung baby pomsky na yun at nag patuloy na kami sa pagbubukas ng regalo.

"Wow!!" Sabi ko.
"What? Why?" Tanong ni Edward.
"Look!!!" Sabi ko naman kay Edward tsaka ko pinakita sa kanya yung isang painting naming dalawa.

Yes, mag nag paint saming dalawa ni Edward and i'm sure galing to sa bestfriend kong si Rebecca. She loves to paint kasi..so, baka nga sya yung nag bigay samin nito.

"amazing. Ang galing" sabi ni Edward and I agree. Sobrang talented ng gumawa nito.

Binitawan ko na yung painting na yun at nag bukas pa ng ibang regalo.

1 hour later...

Sobrang gulo at dumi na ng living room namin ngayon grabe!! Puro paper bags, gift wrappers, ribbons. Grabe nakakalat lahat yun sa paligid namin ni Edward.

"Hon, let's stop na muna. I'll clean lang. Sobrang dumi na eh" sabi ko kay Edward dahil hindi ko na talaga natiis yung kalat dito sa condo namin.
"Ok hon" sabi naman nya tsaka nya kinuha yung mga hindi pa nabubuksan na mga regalo at nilagay ulit ito sa kwarto namin.

Kinuha ko na agad yung trash bag at nagsimula ng maglinis. Habang nag lilinis ako, bigla kong napansin na kanina pa nawawala yung aso namin. Agad kong chineck yung mga pwede nyang pagtaguan hanggang sa tinignan ko yung ilalim ng kama namin ni Edward at nakita ko yung isang baby pomsky na ang himbing matulog. Sobrang cute nya talaga!!

After ko makita yung pomsky namin, pinagpatuloy ko na yung paglilinis.

Ilang minuto ang nakakalipas, finally! Tapos na rin ako mag linis. Hay nakakapagod naman. Makaiglip nga muna.

***************************
Hope you enjoy reading!!

Note: HELLO GUYS!! Sorry kung bitin hehe. By the way, china challenge ko kayo na mag comment sa baba kung ano gusto nyong ipangalan dun sa baby pomsky!! She's a girl guys. So, suggest na! I aanounce ko na lang kung sino yung nanalo ok? Thank you!!

- Author💓

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon