Surprise

343 16 2
                                    

Kisses' POV

Nandito na ako sa may gate namin galing dun sa Wild Party na yun. Hindi na ako nahatid ni Edward kasi daw may gagawin daw syang importanteng importante. Mabalik tayo. Grabe, ganun pala dun. Di pa rin ako makaget over sa Kiss namin ni Edward. Dream come true!! Na kiss ko na rin yung longtime crush ko. Nagtataka kayo? Yes. Crush ko si Edward, dati pa. Kaso hindi ko pwedeng sabihin kasi sila pa ni Heaven nun. Pero nung nalaman kong may gusto rin sya sakin. Sobra sobra ang tuwa ko nun. Andaming nangliligaw sakin dun sa New York pero ni isa wala akong sinagot dahil sya lang talaga, wala ng iba.

**flashback**

Stalk ko muna kaya si Edward..Hmm.. O.M.G. May bago syang post. Ang pogi nyaaaaaa!!! Yung mata nya nakakatunaw.

OMGGG!! Ang pogi nya talagaaa! AHHHHHH! Ang cute nyaaa. Nakakatunaw yung mga mata nya. Picture pa lang nakakakilig na! Waaaaaah!" Sigaw ko sa kwarto ko

"What's happening here?!"
"Ay anak ng tipaklong! Kuya!! Bakit hindi ka muna kumatok!?" Sigaw ko sa mga kuya ko

"Baby Girl narinig ka naming sumisigaw eh. Nag alala kami. Ano bang nangyayari?" Sabi ng kuya Tyler ko.
"Oo nga baby girl, nag aalaa kami ng kuya mo. Ok ka lang ba?" Sabi naman ng kuya Tanner ko.
"Huh? Ok lang ako. Bakit?" Confuse na tanong ko
"Ok ka lang? Eh bakit ka sumisigaw?" Sabay nilang tanong. Kambal nga to. Haha

"Ang cute kasi nyaaaa!! Aaaaahh!" Tili ko
"Sinong cute? Boyfriend mo?" Tanong ni kuya Tanner ko
"Sana nga boyfriend ko sya." Sabi ko
"Siguraduhin mong mas malaki katawan nyan sakin ah." Wow! Ang hangin! Wooooh!
"Opo. Pero hindi ko sya boyfriend or anything. Crush lang."
"Siguraduhin mo lang" sabi ni kuya Tyler sakin
"Opo"

Yep. Si Edward yun. Si Edward yung crush ko. Sya na talaga. Wala ng iba pa.

Pagkabukas ko sakto ng pinto, may sumabog agad sa harap ko na party pooper. Ano to? Party na naman? Wait lang. Bakit parang ang saya nila?

"HAPPY BIRTHDAY KISSES!!" Wait! Naalala ko birthday ko pala ngayon. Nakalimutan ko na dahil dun sa party na yun.
"Thank you! Buti pa kayo hindi nakalimot, ako kasi nakalimutan ko na. Haha" pagkatapos ko sabihin yun, biglang may yumakap sakin nagmumula sa likuran ko, hindi ko sya kilala pero parang pamilyar yung yakap nya...."Edward." Si edward unang pumasok sa isip ko kaya hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.

"Edward?" Sabay harap ko dun sa yumakap sakin.
"Yes?" Ughh. His voice
"Wait. A~akala ko ba may pupuntahan kang importante?"
"Oo nga."
"Eh bakit wala ka dun ngayon?"
"Ano ka ba? Eto yung pupuntahan kong importante. Happy Birthday Kisses, i love you." Eto na naman ako. Bigla na naman may tumulong luha sa mga mata ko. Sino ba namang hindi maiiyak dito sa ginawa nya? Napakasweet nyang tao.
"Thank you for making me the happiest girl in the world Edward." Sabay yakap sa kanya ng sobrang higpit
"My pleasure. Just for my Princess, i can do anything." Napangiti ako ng sobra sa sinabi nya. Nako! Lalo tuloy akong napapamahal dito sa lalaking to.

"Edward, nakaka score ka na dyan sa baby girl namin ha." Si kuya Tyler talaga oh. Hahaha

"Kisses! I'm here! Nice to see you again!" Napalingon agad ako.
"Marco!!" Sabay takbo sa pwesto nya and hug ng mahigpit.
"Happy Birthday Baby. I love you so much" Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi nya.
"Marco naman eh! Ang lakas mo! Pero thank you na din."
"Anything for my Baby." Hindi na ako nag salita, nag smile na lang ako kay Marco. Kasi baka mag selos ang mahal ko. Ayokong nasasaktan sya. Pero ayoko din namang nasasaktan si Marco dahil mahal ko sya as a bestfriend. Ayokong paasahin sya.

******************************
Hope you enjoy reading!!

IFILWMBF (KissWard) *Completed*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon