Chapter 13

2K 46 12
                                    

"Dennise! Ano na naman bang kalokohan yan?!"
Rinig kong may sumigaw napaangat naman ang ulo tong babaeng nakapatong sakin na kasalukuyang sinasabunutan ako at hinahampas ang ulo ko ground. Tiningnan ko yung babaeng sumigaw kanina at nagtama ang tingin namin kaya nanlaki rin ang mga mata niya. Nasampal ulit ako at halos humiwalay na ang ulo ko. At sinabunutan ulit ako. Tadong babaeng to. Pasalamat to bababe sya. Kundi...

"Walanghiya ka! Aahhh..."
Galit   na pinaghahampas na naman ako. Puro shield at ilag naman ang ginawa ko.

"A-araayy... A-ate Fille h-help!!"
Oo, ate Fille yung sumigaw kanina.

"Hoy! Babae! Tama na yan!"
Sigaw ni ate Fille ngunit parang natatawa pa.

"Ate?! Binangga nya ako!"
Reklamo nung babae ngunit hinigit na sya ni ate Fille palayo sa akin.  Hayyy... Nakahinga na rin ako ng maayos-ayos. Ikaw ba naman upuan. Tadong babae yun! Pero ankinis ng legs niya men. At saka anlambot ng mga palat niya.

"Oh! Aly? Anong ngingiti mo? Ganyan na pala ngayon ang mukha ng nasasabunutan at nasampal?"
Mapanudyong sabi ni ate Fille.

"Tsk! Ansakit kaya ng ginawa niya. Pasalamat siya babae sya."
Sumbong ko kay ate Fille.

"ANONG TITINGIN-TINGIN NIYO DITO?! MAGSIALIS NGA KAYO! LAYAS!! ANPAPANGIT NIYO!"
Sigaw nung Dennise na yun. Maldita talaga. Diyosang maldita. Marami na palang mga students ang nandito.

"AT IKAW! WAG MO AKONG TINGNAN NG GANYAN HA!?"
Sigaw niya rin sakin. Tapos dinuro pa ako.

"O-oo."
Shit! Katakot namang tong babae na to. Nung una naming kita, sinampal ako. Ngayon naman, hindi lang sampal ang inabot ko. Tadhana pa rin ba to?

"Babe, nandito kami sa field."
Rinig kong salita ni ate Fille sa phone niya. Ayysss.... Si kuya yun for sure. And sandali nga lang ay may humihingal na dumating.

"Yñigo naman! Ano na naman to?! Pambihira! Hindi kana bata Yñigo! Grow up bro!"
Galit na sabi ni Kuya. Inaamin ko, nabigla ako. Kasi palaging mahinahon si kuya kapag kausap niya ako. Napatungo nalang ako at parang may bumara sa lalamunan.

"Ano?! Ha?! Palagi nalang ganito?!"
Sigaw ni Kuya at hinawakan niya ako sa balikat at pinaharap sa kanya.

"Babe... Kalma lang."
Sabi ni Ate Fille na hinawakan ang kamay ni Kuya kaya binitawan na niya ako.

"S-sorry."
Nakatungo kong sabi. Parang humapdi na yata ang mata ko.

"Sorry?! Yñigo umayos ka nga?! Tingnan mo nga nga yang hitsura mo?!"
Galit pa rin na sigaw ni kuya. Kinuha niya ang bag ni ate Fille at hinalughog.

"TINGNAN MO?!"
Sigaw niya halos napatalon ako sa lakas ng boses niya at binigay sa akin ang pabilog na maliit na salamin. Hindi ko yun tinanggap pero kinuha niya ang kamay ko at nilagay doon ang salamin.

"Babe kalma ka nga lang. Bakit ba galit na galit ka?!"
Rinig kong reklamo ni ate Fille.

"Alam mo bang ginawa ni Yñigo babe?! Pinatawag ako sa guidance dahil..."

"Tama na!? Babe, sa bahay niyo pag-usapan yan."
Sabi ni ate Fille. At kinuha na niya rin yung salamin na binigay ni kuya sakin. Hinila na niya rin ako.

"Hoy! Babaita! Sumama ka samin!"
Malditang sabi ni Ate Fille sa babeng naka-green. Dennise.

"P-pero ate Fille...."

"Ano?! Sasama ka o sasama ka?!"
-Fille.

"Oo na! Maldita! Kala mo naman maganda!"
Ngunit kinurot sya ni ate Fille sa braso kaya napasigaw siya sa sakit.

Nasa sasakyan na kami ngayon at biglang may tumama sa mukha ko. Isang t-shirt na kulay black. Hinawakan  ko lang yun.

"Magbihis ka. Ayoko kong umuwi ka na ganyan ang hitsura mo."
Malamig na sabi ni Kuya. Saka ko na rin napansin na marumi pala ang suot kong white polo shirt.

Hinubad ko naman ang suot ko at nagbihis. Binigyan naman ako ni ate ng suklay at salamin. Kumunot bigla ang noo ko pero tinaasan niya lang ako ng isang kilay kaya tinanggap ko.

"Ohh.."
Kainis. Ampangit ko. Gulong-gulo ang buhok. Medyo makapal na kasi ito. Nag-ayos naman ako at pagkatapos ay binalik ko ang ate yun.

Bigla namang nag-ring ang phone ng isang Dennise dito.

"Hello dad.."

"..................."

"H-ha? O-opo."

"................."

"Okay...."

"A-ate Fille.. Kailangan kong umuwi sa bahay.

"Oh! Bat tahimik ka yata jan Dennise.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Binibining GreenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon